After lunch, I decided to get back to my room since wala naman akong ginagawa. Besides, Bukas na rin naman ang balik namin sa Manila kaya wala nang dahilan para makipag halubilo pa ako dito. Mapapagod lang ako. Masasaktan at paulit ulit na aasa. Ilang beses ko nang pinag dasal na sana sa susunod na makatagpo ulit ako ng lalaking magpapawala ng sakit nitong nararamdaman ko kay Kaii ay hindi ko na papakawalan. Pero heto ako ngayon, kinulong ang sarili sa apat na kwadradong silid. Pinikit ko ang mga mata ko at tinakpan ng unan ang mukha ko. Ginulong gulong ko ang sarili ko sa kama ko. Kailan ba matatapos lahat ng ‘to? Ilang segundo pa lang ang nakakalipas ay biglang may kumatok sa Pinto. “Kelly?” Tawag ni Daddy mula sa labas ng kwarto ko. Padabog kong tinanggal ang unan sa mukha k

