“Kaii?” Agad tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung nananigip pa ako o ano. Pero si Kaii ang taong kaharap ko ngayon. Agad niya akong tinulungan na makatayo. “Kelly, a-anong ginagawa mo dito?” nag-aalalang tanong niya sa akin. “Sorry, muntik pa kita masagasaan. Okay ka lang ba? Dadalhin kita sa hospital.” Umiling ako. Hindi ko na kailangan na pumunta sa hospital dahil nag mamadali na ako. Nang makatayo na ako, hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin si Kaii. “Na- naaksidente si Kevin. Kailangan ko siyang puntahan ngayon.” Agad niya akong niyakap pabalik kaya mas lalo akong naiyak. “What? Where is he? Ihahatid na kita. Saang hospital ba siya? Sasamahahan kita.” “Teka, bakit ikaw lang mag-isa? May kotse naman kayo ah? Bakit ka naglalakad ng ganitong oras?” tanong niya sa

