Nang makarating kami sa Resort, may isang malaking mansion na makatayo doon. Hindi ko alam kung paano ko ‘yon malilibot sa loob ng isang oras dahil sa sobrang laki noon. “Ang laki naman ‘yata nito? Nirentahan mo ba ang buong resort?” tanong ko kay Migo dahil nagtataka ako sa laki ng buong lugar. Magbabakasyon lang naman sana kami at para lang naman sana makapag swimming si Enzo pero sobra sobra naman yata kung ganito ka laking resort ang inupahan niya para sa aming apat lang. Pwede naman kaming mag stay sa hotel, or sa mga cottage. Pero ang mag renta ng buong isla? Para sa aming apat lang? I think it’s too much. Hindi ko naman hiningi ito kay Migo pero kusa niya na lang binibigay. Parang hindi na nga ‘to nauubusan ng surpresa. “I bought the entire place just for us.” Hindi ko alam

