CHAPTER 17

1042 Words

“Bitiwan mo nga ako, Kaii! Ano ba!” Pag pupumiglas ko matapos niya akong hilain mula kay Zach. Lalapitan sana ako ni Zach pero pinagbantaan ni Kaii si Zach kaya wala na siyang nagawa. Sapilitang sinuot ni Kaii ang helmet sa ulo ko at saka halos buhatin na rin niya ako pasakay sa motorsiklo niya. “Kumapit ka,” utos niya na halatang galit sa lamig ng boses niya. Inirapan ko siya at pinagcrus ko ang kamay ko at hindi siya pinansin pero narinig ko tumikhim siya. “Ayaw mo ah?” He smirked. Maya maya pa ay sinaksak na niya ang susi at saka pinaandar ang motor niya. “Kaii! Where the hell are you going?” Sigaw nung isang magandang babae na may edad na pero maganda pa rin. “Like the old times, Lola.” Matapos sabihin ni Kaii iyon ay nag-salute pa siya saka pinaharurot ang motor niya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD