Natagalan ako bago nakaalis. Naging emosyonal kaming lahat kanina kaya hindi ko pa rin talaga alam kung paano ako makaka alis at pupuntahan si Kaii dahil ngayong araw ang deadline nitong papers na ipapasa ko. Ang bigat pa rin ng loob ko pero at least nakapag release na ako ng galit at nitong nararamdaman ko. Medyo mabigat lang ang mga mata ko dahil sa tindi ng iyakan namin kanina. Nahihirapan pa rin akong tanggapin pero sana, balang araw tuluyan nang maglaho ‘tong nararamdmana ko. Ang hirap kasi kapag nasa iisang bahay kayo, tapos hindi naman kayo nag papansinan. Ang laki ng bahay pero parang masasakal sa kakaiwas mo sa mga tao. Wala nang mapupuntahan sila Mama at Daddy. Pwede naman silang mag rent ng apartment of condo pero mas pinili ni Migo na patirahin muna pansamantala sina Mama a

