Ang sakit na para bang bumalik na naman lahat ng sakit ng nakaraan ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko ‘tong maramdaman. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko na naman pagdaan lahat ng ‘to. What did I do to deserve this kind of pain? Bakit sa tuwing may dadaan sa buhay ko ay panandalian lang? “Kelly!” Hinila niya ang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kaniya. Unti-unti nang nababasa ang katawan ko sa ulan na pumapatak. “Sorry, kailangan ko nang umuwi. Sumama kasi ang pakiramdam ko, Kevin.” Pagsisinungaling ko sa kabila ng sakit nitong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit pero nasaktan ako. Gusto ko na ba siya? O gusto ko lang ‘yung idea na nandyan siya at nakikinig sa akin. “Umuulan na, magpatila ka muna ng ulan. Baka mapano kayo sa daan at madulas. Ayaw mo b

