Buong biyahe kaming tahimik at hindi na ako kumibo. Nang malapit na kami sa gate ay inayos ko na kaagad ang mga gamit ko at sinukbit sa balikat ko. “Just drop me there,” I pointed at those groups of students na naka-tambay sa may waiting shed at nagkukumpulan base sa mga set of friends nila. Nang ma-ihinto na niya ang kotse ay agad ko siyang pinasadahan ng tingin. I was about to get off the car when I saw Aila, Trishia and Amber waiting for me. Bumalik ako sa pinanggalingan ko. Kapag nakita nila akong kasama si Kevin, issue na naman ‘to. Matagal na ring tahimik ang buhay ko simula noong first year college. Ako ang palaging pinag-uusap usapan ng mga estudyante dahil karamihan sa mga kaklase namin noong high school ay dito rin nag-aral. Alam nila ang issue sa amin ni Kaii at ilang ta

