“Kelly! Hindi na kita mahahatid sa loob ah? Kailangan ko na din kasi talagang umuwi!” Sabi ni Clyde nang makahinto na ang kotse niya sa tapat ng isang Condo dito sa may ABS CBN malapit. Tumango na lang ako kahit hindi ko alam ang gagawin ko sa sobrang kalasingan ni Kaii. “Pero… Clyde, hindi ko alam ang Condo unit ni Kaii. At isa pa baka nandoon ‘yung Lola niya. Mamaya ay magalit pa ‘yun sa akin!” Pagdadalawang-isip ko dahil natatakot ako. Alam ko namang ayaw sa akin noong Lola niya. Ramdam ko naman iyon kaya natatakot akong makita niya kaming magkasama ni Kaii. Lalo na ngayon na akala niya yata ay sila pa ni Irine. “Kapain mo na lang bulsa niya pag-akyat niyo! Room 714 ‘yung unit niya.” Tinulungan ako ni Clyde na makalabas si Kaii mula sa kotse at pagkatapos noon ay hinayaan na

