Isang taon na ang nakalipas simula nang namatay si Kaii. Hindi kami napag birthday party para kay Enzo noon dahil ayaw niyang mag celebrate dahil kakamatay lang ng Daddy niya at ayaw niya. Nirespeto namin ang desisyon niya at alam naman naming para din sa kaniya ‘yon. Kung saan ang nakakagaan ng loob niya ay doon kami ni Migo para sa kaniya. Hindi ko alam ang gagawin ko noong mga panahong inatake si Enzo. Mabuti na lang talaga at naagapan siya. Nandito kami ngayon sa puntod ni Kaii dahil ngayon ang first death Anniversary niya. Nandito kaming lahat at nakakatuwa lang na bumalik ang lahat sa dati kagaya ng gustong mangyari ni Kaii. Sa iisang mansion na kaming lahat nakatira pati na rin ang Lola ni Kaii. Naawa naman ako at siya na lang ang mag isa. Si Georgina naman ay bumalik na sa ta

