Sunod-sunod na katok kasabay ng pagtawag kay Tongtong ang nagpabalikwas sa kanya mula sa pagkakahiga. “Sandali lang!” ang naiinis na tugon ni Tongtong na naistorbo sa kung anong nilalaro niya sa cellphone. Dalawang lalaking nakasuot ng uniform ng barangay tanod ang nabungaran ni Tongtong na nasa labas ng kanyang bahay at silang kumatok at tumawag sa kanya. “Ano ba ang kailangan niyo at ang aga niyo namang mambulahaw? Natutulog pa ang tao ay nang iistorbo na kayo,” ani pa ni Tongtong na pupungas-pungas pa na binuksang ang pinto ng kanyang bahay. Kagigising niya lang at natutulog pa talaga kung hindi lang may kumatok at tumawag sa kanya. “Tong, alas nuebe na ng umaga. At saka hindi kami nagpunta rito para mambulahaw lang dahil narito kami para ibigay ang imbitasyon mula sa barangay para

