“Sigurado ka na ba, Vek? Kapag naroon na tayo ay wala ng urungan. Hindi na tayo pwedeng lumabas lahit na anon gawin natin kaya siguraduhin mo sa sarili mo kung kaya mo na ba talaga na gawin ang pinagagawa ni Mando dahil wala na talaga itong bawian,” wika ni Tongtong kay Vekvek ng sabihin na sa kanya na payag na si Vekvek sa gusto ni Mando na gawin nilang dalawa para makabayad sa pagkakautang dito. “May magagawa pa ba ako, Tong? May magagawa pa ba tayong dalawa na ginigipit tayo ng sobra ng grupo nj Mando. Kung makita mo lang ang kalagayan ng tatay ko ay awang-awa talaga ako sa sinapit niya. Halos hindi ko na makilala dahil sa sobrang pamamaga at pangingitim ng mukha niya. Kaya paanong hindi pa ako sigurado kung buhay na ng pamilya ko ang nakataya? Kung pati sila ay nadadamay na sa ganiton

