“Tatandaan niyong dalawa oras na pumasok na kayo sa loob ng silid ay maririnig niyo ang signal na may nanonood na sa inyo. At bawal na bawal kayong gagawa ng kahit anong eksena na hindi ko magusgustuhan dahil titiyakin ko na hindi niyo rin magugustuhan ang gagawin kong parusa sa inyo,” paalala at pagbabanta ni Mando kay Tongtong at Vekvek ng magpunta na sa kanya. “Mando, may mga nais lang sana kaming linawin bago ang lahat,” giit ni Vekvek. “At ano na naman, Vekvek? Sa lahat naman ng mga nagbabayad ng utang ay kayong dalawa ang maraming kondisyon,” reklamo ni Mando dahil ayaw niya ng maraming sinasabi ang mga may utang sa kanya. “Sana lang tumupad ka sa mga pangako mo na pwede kaming gumamit ng maskara pantakip ng mga mukha namin at walang ibang gagamit sa katawan ko kung hindi si Tongt

