Isip ng isip si Vekvek kung saan at kanino siya lalapit para makakuha ng pera na ipambabayad sa nagrereklamo amo ni Tongtong. “Ang laki naman ng perang kailangan mo, Vek? Saan mo naman gagamitin?” tanong ni Gladys ng sabihin ni Vekvek kung magkano ang kailangan nito. Hindi nakaimik si Vekvek sa tanong ng kaibigan dahil wala siyang maisip na dahilan. Hindi niya naman masasabing pamilya niya ang may kailangan dahil hindi kaya ng loob niyang idahilan ang sariling pamilya dahil lalong magagalit ang mga ito sa kanya. “Glads, ang nanay kasi ni Tongtong ay may sakit na cancer kaya nangailanngan ng malaking halaga ng pera,” ang sabi ni Vekvek. “Nanay pala ni Tongtong e bakit ikaw itong naghahanap ng pera? Hindi ba dapat ang batugan mong kinakasama ang siyang maghanap ng pera dahil nanay niya a

