“Kamusta na ung utang natin, Tong? Natanong ko na ba kay Mando kung magkano na lang ang dapat nating bayaran?” tanong ni Vekvek sa kinakasamang si Tongtong para malaman kung magkano na ang dalawang milyon na utang kay Mando. “Hindi ko pa naitatanong, Vek. Pero malamang na malaki na ang nababawas natin dahil nga malaki ang pumapasok na pera sa account niya sa dami ng mga viewers natin.” Sagot ni Tongtong. “Dapat ay alam natin kung magkano na ang nababawas para makalkula natin ng mabuti,” giit ni Vekvek. “Mamaya itanong nating dalawa. May palabas na naman tayo kaya galingan ulit natin para matapos na tayo sa ganitong gawain.” Malungkot na hayag ni Vekvek. “Matatapos din tayo, Vek. At saka malaki naman talaga ang natutulong sa atin ng palabas nating ito. Dati nagpapakapagod ka sa buong ar

