“Kamusta na pala si Nanay mo, Tong? Magaling na ba siya? At saka, kailan ba tayo mamasyal sa probinsya niyo para makilala ko na ng personal ang buong pamilya mo?” mga tanong ni Vekvek kay Tongtong na nagbibilang ng mga pera na kinita nila sa live show nila. “Vek, hindi pa tayo tapos magbayad kay Mando kaya hindi pa tayo pwedeng mag-aalis. Tungkol kay nanay ay pagaling na siya lalo pa at nakaka inom na siya ng kumpletong gamot para sa sakit niya,” ang sagot ni Tongtong na habang nagbibilang ng pera ay may nakaharap na alak at sigarilyo sa bibig. “Hanggang kailan ba tayo magbabayad pa kay Mando, Tong? Akala ko ba ay malaki ang napapasok nating pera sa kanya?” usisa pa ni Vekvek lalo pa at palala hindi tumutupad si Mando sa usapan. Tulad ng dapat sila lang ni Tongtong ang nasa isang silid.

