Warning
Avery's Point of View
Agad akong nagbihis para sa practice namin sa school. Kahit medyo matagal na akong nandito sa Hendrix University, hindi pa rin ako fully sanay sa mga mata ng mga lalaking nakatingin sa 'kin. 'Di naman sila bastos ha, pero yung tingin nila? Parang sinisiyasat kung alien ba ako o hindi. Jusko, parang gusto ko na talagang magdala ng placard na may nakalagay: Yes, trans ako. So what?
Pero in fairness sa sarili ko, parang sanay na rin naman pala ako. HAHAHA! Gulo mo girl. Kanina lang reklamo, ngayon parang chill ka na. Welcome to my brain na isang rollercoaster na walang seatbelt. Hindi ko rin alam kung blessing ba 'tong pagiging adaptable ko or sign lang na toxic na akong mag-cope sa lahat.
Sometimes I wonder, bakit ba ganito? Laging may nakatingin, laging may nag-oobserve, laging may nag-eexpect. And I'm like, hello, I didn't sign up to be everybody's entertainment or topic sa chismis nila. Pero at the same time, alam kong part of me thrives in that spotlight. Confusing much?
Minsan, naiisip ko, maybe ito 'yung price ng pagiging "Avery." Pretty, smart, rich, confident—lahat na nasa checklist ng mga tao, ticked off. Pero underneath all that glitter, may mga insecurities din ako, may mga tanong na hindi ko masagot. Kaya siguro ang dali kong maapektuhan whenever people stare too long, kasi it reminds me na hindi ako invisible kahit gustuhin ko.
Then again, bakit ko nga ba gustong maging invisible? Eh all my life, I've been proving a point. That I deserve to exist, to slay, to win, kahit pa may mga taong uncomfortable sa truth ko. Pero come to think of it, hindi ba nakakapagod din 'yun? Always fighting, always defending, always smiling kahit hindi na kaya.
So ayun, eto ako na nagbihis lang naman for practice, pero ang dami ko na namang iniisip. Classic Avery problem which is too much brain activity for a simple outfit choice. Sometimes I wish I could just switch off my mind and focus on the now. Pero nope, my brain said "overthink ka muna bago ka sumayaw."
Kaya habang paakyat ako papuntang practice room ng Team C, pinipilit kong i-manifest sa utak ko na this is my moment, girl. Like hello, Avery, hindi ka nagtransfer dito sa Hendrix just to be mediocre. You came here para mag-stand out, para ipakita na kahit saan ka ilagay, you shine brighter than their stage lights.
Habang naglalakad ako sa hallway, I can't help but peek sa mga practice rooms na nadaanan ko. Jusko, parang Olympics of dancing ang peg dahil lahat synchronized, lahat ang galing, parang walang sabit. May isa pa nga dun na parang robot level ang synchronization, sabay-sabay sila na parang walang gravity.
Sa isip ko, hello? Kaya rin natin 'to! I mean, I didn't survive walking in six-inch heels for years just to trip sa footwork. If I can slay with stilettos, what more kung sneakers lang, 'di ba? Gosh, Avery, hype yourself up—confidence is the real choreography.
Pagdating ko sa hallway ng practice room namin, parang may something off. Lahat ng ka-team ko nasa labas pa, nag-uusap pero halatang may weird energy. Like, bakit parang may horror vibes? Wait lang, hindi ba dapat dancing, not The Conjuring?
Nakita ko si Tyron, steady lang na nakatayo, pero si Elliot? Aba, wala ang koya. Wow, of course, mister mysterious absent sa dramatic entrance. Seriously, bakit ba kailangan laging may element of suspense kapag siya ang involved? Parang thriller series with bonus abs. Huey?!
"Bakit 'di pa kayo pumapasok?" tanong ko casually, pero sa loob-loob ko parang nagp-pray na ako ng three Hail Mary's. Lahat sila tahimik at nakatingin sa loob ng room, parang may nakita silang multo. Excuse me, hindi ba dapat ako lang ang may exclusive right para maging dramatic dito? Over naman sa main character syndrome, teh?
Napatingin din ako sa loob—and oh my gosh, almost nag-sink 'yung puso ko. Sa blackboard, nakasulat TIME'S UP at swear, hindi chalk ang vibe kundi parang dugo. Ano 'to, Haunted Dance Club edition? Where's my exit, Lord?
Napakapit tuloy ako kay Tyron nang hindi ko napapansin. Like legit, automatic response ng katawan ko, parang human seatbelt siya. At mas weird, hinawakan niya rin yung kamay ko at ngumiti pa ng slight—ano 'to, teleserye moment? Focus, Avery, bawal kiligin, horror scene 'to!
Tapos biglang may boses sa likod, "Time's up, huh?" at ayun na nga si Elliot, walking in like he owns the room. With that confident aura, parang siya 'yung bida sa action movie na walang takot sa kung anong kababalaghan. Of course, he arrives late but makes it look like destiny. Classic Elliot.
Narinig ko siyang nag-"bullshit," sabay diretso sa whiteboard at binura lang 'yung nakasulat na parang dugo. Kahit may naiwan pang traces, sinulat niya ulit ang Love, Heartbreak, and Pain. As if sinasabi niya sa amin, guys, stop the drama, ako na bahala sa script.
And I swear, when he said, "We should not waste our time. 'Wag kayong magpa-apekto sa simpleng words. That's not a threat," may spark talaga sa tono niya. Hindi ko alam kung motivational coach siya or cult leader, pero ang lakas maka-leader mode. For a second, parang gusto ko ngang sumigaw ng "Yes, Sir Elliot!" pero naalala ko, kalaban ko rin siya emotionally.
So I jumped in and said, "Let's go, guys. Practice na tayo," kasi I needed to ground everyone, including myself. Like, come on Avery, don't let a creepy message or a pair of deep brown eyes ruin your spotlight. This is still your show, kahit may kasama ka pang ex-president na may annoying amount of presence.
Nag-decide na nga kami na dalawang style ang pagsasamahin: interpretative for heartbreak and pain, tapos dancehall for love. Like, parang split personality ang performance, may drama na pang-K-drama tapos biglang party vibes na pang-Mi Gente. Honestly, bagay sa theme kasi love is really like that: one moment iyakan, next moment sayawan. Love, heartbreak, pain. Ako mismo ang embodiment ng tatlong 'yan, jusko.
Nang magsalita si Elliot, "So, it's settled. Me and Avery will be in front to express the theme of love, heartbreak, and pain," parang may mini-explosion sa utak ko. Wait lang, bakit parang siya 'yung nagde-decide? President ka ba ulit? Pero at the same time, hindi ko ma-deny, bagay din kasi 'yung presence niya sa harap. May aura talaga siyang tipong kapag sumayaw, everyone else fades into the background. Argh, Avery, bakit parang nafo-fall ka sa own team captain mo? Focus, girl.
Nagulat ako sa announcement pero tumango na lang ako, kasi girl, pick your battles. Lahat sumang-ayon except kay Tyron, na parang may kinukulong na storm sa loob. Oh no, what now? Another drama injection? Hindi pa nga kami nagsisimula mag-warm up, may tension na agad.
"I have an idea." Sabi ni Tyron. Siyempre ako, curious agad. Baka naman may good plot twist? And true enough, nung sinabi niyang love triangle, parang may lightbulb na nag-pop sa utak ko. OMG, tama siya! Mas dramatic, mas pasok sa "pain." May lalim 'yung galaw, hindi lang basta sayaw kundi storytelling. Girl, this is choreography and telenovela in one.
Pero ayun, pagtingin ko kay Elliot, iba ang vibe. 'Yung titig niya kay Tyron parang sinasabi, "Back off, bro. Avery's mine." Like, hello? Chill ka lang, dance practice 'to, hindi Hunger Games. Pero nagulat ako nang ngumiti siya at sinabing "Sige, maganda 'yang idea mo." For a second, I thought matured si kuya. Pero plot twist pala, he just had to add "But don't forget. Ako ang tunay na main partner niya."
At doon ko na talaga naramdaman, OMG, parang WWE staredown ang eksena. Nakaharap silang dalawa, parang mag-sparring sa titig. Ako naman sa gitna, feeling referee na hindi handa. Like, excuse me, hindi ba dapat interpretative ang laban at hindi stare contest?
So agad akong pumasok, "Okay, tama na! Practice na tayo!" sabay clap ng malakas para mabasag ang tension. Pero deep inside, nanginginig ako sa mix of emotions. Kasi girl, paano ka magfo-focus sa choreography kung 'yung dalawang ka-team mo ay parang secretly competing for... well, ikaw? Hindi ba mas intense pa 'to kaysa sa actual battle namin sa ibang teams?
Nag-umpisa na kami mag-warm up at habang gumagalaw 'yung katawan ko, parang utak ko lumilipad. Avery, concentrate on your lines, your footwork, your balance. Wag ka magpaka-baliw sa titig ni Elliot at sa lambing vibes ni Tyron. Pero what the fudge, bakit ganito? Everytime I move, parang may extra electricity kapag si Elliot ang kaharap ko. Tapos kapag si Tyron naman ang partner, safe, steady, secure. Ugh, why is my love life suddenly turning into a choreography metaphor?
As the music played softly in the background, I could feel the weight of the theme: love, heartbreak, and pain. And habang iniisip ko, sabi ko sa sarili ko, s**t, ako mismo 'yung theme. Ako 'yung kwento. At sila? Silang dalawa ang co-stars ko.
Nagstart na ang practice, and let me tell you, grabe, ang lapit ni Elliot. Like, literal na hawak na niya ang bewang ko. Hindi lang basta support hold, ha—parang may weight, may presence. I swear, kung may seismograph sa dibdib ko, nasa magnitude 8 na ang earthquake levels ng kilig. Pero at the same time, nakaka-ilang. Kasi hello, hindi ba dapat dance lang 'to? Bakit parang iba 'yung sparks?
"Are you okay?" tanong niya, with that gaze na parang X-ray na nakikita lahat ng layers ng kaluluwa ko. Like, bakit ganon? Hindi ba dapat "five, six, seven, eight" lang ang maririnig ko? Instead, ito—voice ni Elliot, low and steady, parang soundtrack ng utak ko.
"Uhmm... O-Oo," sabi ko, kahit halatang nahihiya ako. Alam kong hindi convincing kasi parang may stutter pa. Girl, come on, sanay ka sa stage. Pero bakit sa harap niya parang nawawala lahat ng rehearsed confidence mo?
"I think you're lying," sambit niya sabay dikit ng katawan niya sa 'kin. As in, skin-to-skin levels kahit may damit. Jusko. Ang lakas maka-drama ng eksena, parang slow-motion na lahat sa paligid tapos background music is 'yung love song na tipong banned sa Spotify 'pag heartbroken ka. Elliot, bakit ganyan ka makalapit? Sino nagbigay ng memo na pwede kang maging ganito ka-intense?
"A-Ahh Elliot, I think you're too close," pa-atras kong sabi, pero girl, paano ka aatras kung every inch ng katawan niya parang magnet? Nakangisi lang siya habang nakatingin, like he knows exactly what he's doing. Pak, ganito pala itsura ng walking red flag pero nakabalot sa Armani vibes.
"Why? It's just a dance," sagot niya, diretso sa mata ko. Jusko, kung movie 'to, SPG na agad ang rating. Kasi wala na... chemistry overload. Parang choreography pero with hidden agenda. Lord, tulungan niyo akong hindi bumigay sa ganitong script!
Tinulak ko siya nang mahina, more like tapik lang, at sabay sabi ng, "Alam ko. Masyado ka lang talagang malapit." Then tumakbo ako kunwari papunta sa gilid, kinuha agad yung water bottle ko. Classic Avery move na retreat kapag masyadong mainit ang eksena. Girl, hydration over flirtation, remember that.
"Are you disappointed with what I said?" tanong niya habang nakasuporta ang braso sa gilid ng wall, casual pero may intensity pa rin. Tapos yung ngiti niya? Nakakainis, parang nang-aakit.
"Nope," sagot ko kaagad. Pero inside? Ugh, Avery, liar! Totoo ba? Kasi bakit parang oo. Why does disappointment taste like... excitement? Ano ba 'to, bakit parang gusto kong hindi matapos yung closeness kahit nagrereklamo ako kanina lang?
"Come on, Avery. You're not good at lying," dagdag niya. And grabe, parang sinasampal ng katotohanan 'yung ego ko. Kasi totoo naman eh, hindi ko kayang itago ang micro-expressions ko, lalo na sa harap niya. Paksyet, bakit parang siya lang ang marunong magbasa ng mga subtle reactions ko? Nakakainis, pero at the same time... hot.
"Shut up! Nagpapahinga ako rito," palusot ko habang kunwaring busy sa pag-scroll sa phone. Safe zone: cellphone. Escape route: fake scrolling. Pero totoo ba? Sino ba ang maloloko rito?
"Chill, hahaha," tawa niya, tapos lumapit ulit. Akala ko may susunod na banat pero instead, he handed me his towel. His towel. Like, wait, sino ba nagsabi na pwede mo i-offer sakin ang accessory na may Elliot DNA?
"Thanks," sabi ko, kunwaring composed. Pero nang makita ko 'yung reaction niya... 'yung namula yung tenga niya—hala, kilig alert! Kung stock market ito, all-time high na ang kilig stocks ko. Grabe, nag-crimson red ang ears ng Mr. Confident? Is this even legal?
"You look like a tomato," pang-aasar ko habang tumatawa. For once, na-reverse ko ang sitwasyon. Pero kahit sinabi ko 'yon, deep inside, parang gusto ko pang mas makita 'yung ganong reaction niya. Vulnerable Elliot. Cute Elliot. The Elliot na hindi lang puro yabang at banat.
Napailing siya sabay alis, parang gusto niyang i-shake off 'yung moment. Pero ako? Naiwan akong naka-smile na parang baliw. Okay Avery, admit it that this boy knows exactly how to mess with your system. And worse? You're low-key letting him.
Pagkatapos ng ilang araw na puyat, pagod, at halos mabali naming mga buto sa ensayo, dumating na rin ang araw ng competition. Jusko, Lord, iligtas mo kami. Hindi ko alam kung mas nanginginig ako dahil sa kaba o dahil sa lamig ng aircon sa event hall.
Naka-full glam kami. Makeup on point, outfit na fierce pero elegant, tapos 'yung necklace na raindrop na suot ko... Itinago ko ang pendant sa loob ng aking pang-itaas. I don't know, parang lucky charm siya. I held it before going onstage. Weird, 'no? Pero may something comforting sa kanya.
"Team C, ready na?" tanong ni coach habang nilalagay ang headset niya. Lahat kami ay sabay-sabay na tumango.
Nagkatinginan kami ni Elliot. He gave me this small smile. "Let's kill this."
"Yes, let's slay their souls," sagot ko habang nakangiti. Kinabahan na 'ko pero sige lang, laban lang mga mhie!
⌞ Sa Loob ng Stage⌝
Biglang dumilim ang buong hall. Lahat ng ingay ng audience, nag-fade. Ang naririnig ko lang ay 'yung unang piano chords ng "I'll Never Love Again." And then — ayun na, parang may ulan na bumabagsak sa LED screen sa likod, tapos naglagay pa sila ng lighting effect na misty drizzle. Seryoso, parang nasa Seoul Drama Awards ako. The moment was cinematic, swear.
Ako at si Elliot ang unang lumabas sa gitna. Mabagal ang bawat galaw — deliberate, mabigat, parang bawat hakbang namin may dala-dalang kwento. Hawak niya ang kamay ko, yung tipong parang huling hawak sa isang goodbye scene. Ramdam ko yung grip niya: firm pero controlled, parang pinapakita niya sa lahat na hindi siya bibitaw... pero alam naming pareho na kailangan niyang bitiwan. Unti-unti akong pinaikot palayo, and habang umiikot ako, parang may kirot sa dibdib ko. Girl, it's just dance, bakit parang totoong heartbreak?!
Sa climax, biglang binuhat ako ni Elliot. As in, literal lift na parang Broadway. Ramdam ko yung strength niya, parang effortless, pero ako? Grabe, nag-freeze for a second. Tapos boom, spotlight focused on me habang nakataas ako sa ere. I felt the whole audience hold their breath dahil tahimik sila pero ramdam yung energy. And in that moment, swear, parang ako si Song Hye Kyo in her most tragic role.
Pagbagsak ng last note, sabay din ang pagbagsak ko sa sahig which is not literal ha, controlled landing with Elliot supporting me. Then, bigla, switch of music. Mi Gente. Nag-flash 'yung ilaw — red, yellow, neon. 'Yung lungkot biglang naging apoy. 'Yung audience? Sumabog sa hiyawan.
From tragic heartbreak, biglang hip-grinding, attitude on fire. Ako mismo nagulat sa transition ng katawan ko from luha mode to sway-and-slay mode. 'Yung bewang ko parang nagkaroon ng sariling buhay. Every pump of my hips was like, "Yes girl, bounce back, don't cry over boys."
Si Tyron? Grabe yung spin niya tapos slide, parang may sariling fanbase na nagwala agad. Meanwhile, si Elliot? Aba, pati abs sumasayaw. Literal. As in, nagtanggal ng jacket sa gitna ng routine, tapos boom — six-pack highlight courtesy of strobe lights. Like, excuse me sir, hindi po ito strip show pero salamat na rin.
Tapos may isang segment pang love triangle choreography. Ako sa gitna, with Tyron sa kanan, Elliot sa kaliwa. Palitan sila ng tingin habang hinahabol ako sa galaw. May spins, may dips, may tension. Parang teleserye pero naka-dancehall beat. Gigil, landi, pain — lahat present. Ramdam ng audience 'yung narrative na parang, "Sino ba talaga ang pipiliin niya?"
And then the finale. Tumigil ang beat for a split second. Ako sa gitna, hawak kamay silang dalawa. The crowd gasped — like, legit, parang may mini soap opera na nangyayari onstage. Pero instead of choosing one, binitiwan ko sila pareho sabay slow backward step. Tapos freeze pose. Silence. Mic drop moment.
And then—boom! Applause. Shouts. Wolf-whistles. As in, arena-level energy. Ramdam ko 'yung adrenaline rushing through my veins.
⌞ After the Performance⌝
Paglabas namin ng stage, parang sumabog yung buong hall sa sigawan. Ang daming sumisigaw ng, "Team C! Team C!" Tapos may mga random pa na naririnig kong, "Ang galing ng choreography!" at "Solid 'yung ending!" Girl, swear, parang nanalo na ako ng Miss Universe. 'Yung adrenaline, ramdam ko pa rin sa buong katawan ko, at nanginginig pa 'yung kamay ko habang inaayos ko 'yung costume ko. Hindi ako naiiyak dahil pagod — hindi, iba eh. Naiiyak ako kasi parang... wow, we did it. After all the tension, the doubts, the kaba, and the drama, we actually pulled it off.
And hindi biro ha, kahit Sabado ngayon at dapat half-empty ang venue, grabe, puno pa rin siya. I could see familiar faces from the audience, may ibang professors, may students from other departments, even some outsiders na siguro alumni or supporters. Like, hello? May fanbase na ba ako bigla? Nakakatawa pero totoo because the energy in the room was insane.
Biglang tinawag kami ulit pabalik sa stage for the announcement of winners. I could feel my heart pounding inside my chest. Parang beauty pageant coronation night, swear. Nakapila kami, hawak-kamay pa 'yung iba naming teammates for good luck, tapos yung iba nanginginig yung tuhod, pero ako? Ako yung nagpipigil na lang ng deep breaths kasi baka mahimatay ako sa anticipation.
"And the champion for this dance battle competition is..." sabi ng emcee na sobrang pa-suspense. Tapos, kahit walang drums, nagka-drumroll effect kasi literal lahat ng tao sa audience nagsimulang mag-tap-tap sa mga upuan nila at palakpak nang sabay-sabay. Ang ingay. Grabe, parang concert.
"Team C!"
And then boom! Eksplosyon ng hiyawan. As in, tumili 'yung buong crowd, may nagtatayuan, may sumisigaw ng pangalan ko, at may nagpu-push pa ng banners na parang prepared sila. 'Yung moment na 'yon, parang slow motion sa utak ko. I saw my teammates jumping, screaming, hugging each other, and all I could think was, "This is it. This is my universe crown moment."
Bigla na lang akong nayakap ng lahat. Si Tyron unang yumakap, mahigpit, parang kuya na proud. Then sumunod 'yung iba, sabay-sabay kaming nag-group hug. Pero ang pinaka-plot twist? Si Elliot.
Out of nowhere, sinunggaban niya ako ng yakap na parang ako 'yung trophy. Hindi lang basta hug, ha. As in, binuhat niya ako. Girl, binuhat! Para akong bida sa romantic K-drama na kakapanalo lang sa finale episode.
"Told you we'd kill this," bulong niya sa tenga ko, confident pa rin 'yung boses niya kahit pawis na pawis na kami pareho.
I froze for like half a second. My brain was like, "Wait, bakit parang ang natural niyang buhatin ako? And bakit parang ang safe ko sa braso niya?" Napapikit ako bigla, not because I was shy, but because... I swear, it felt like flying.
"Put me down, Elliot!" sabi ko in a half-laugh, half-pleading tone. Pero habang sinasabi ko 'yon, deep inside I was like, "No, wag muna. One more second please." My face probably looked all chill and amused, pero sa loob-loob ko? Fireworks, confetti, and a full orchestra playing Canon in D.
And when he finally set me down, I couldn't help but grin. Wide smile, to the point na halos maiyak ako ulit. Hindi dahil kay Elliot lang but dahil sa lahat. This was more than just a dance battle. It was proof that I belonged here. That I wasn't just the "trans valedictorian" from my old school, or the "gold costume girl." I was Avery, and right now, I was a champion.
Pagkatapos ng competition, ang bilis ng lahat. Parang panaginip. Sigawan. Palakpakan. Lahat kami nagtitilian, niyayakap ang isa't isa. Hindi lang dahil nanalo kami, kundi dahil nabuo namin 'yung performance na punong-puno ng damdamin. Parang isang pelikulang tumagos sa audience.
Ramdam ko pa rin ang pintig ng puso ko habang bumaba kami ng stage. Lahat excited. Lahat masaya. Naghahagikgikan sina Tyron at ang iba naming ka-grupo, at si Elliot habang nagpapakuha ng picture. Ako naman, sandaling umatras para kunin ang pink aquaflask tumbler ko sa gilid ng stage. Saglit lang sana...
Dumaan ako sa madilim na bahagi ng backstage. Tahimik at parang biglang bumagal ang oras.
May naramdaman akong presensya. Isang lalaki, nakasuot ng itim na hoodie, nakayuko, may takip ang mukha. Hindi ko siya agad nakilala. Bago pa ako makakilos o makatanong, hinawakan niya ang braso ko. Hindi marahas, pero may bigat.
"Anong—?" Napaatras ako.
"Don't panic," malamig niyang bulong.
That voice... oh, my God. It's so familiar.
Like literally, my heart stopped for a second. Yung tipong parang biglang nag-lag 'yung internet connection ng soul ko. I couldn't scream, I couldn't move, parang na-freeze lahat ng system ko. And hindi ito yung usual kilig na freeze, ha. This one was cold, eerie, and spine-chilling.
I tried so hard to see his face, pero girl, wala. As in zero visibility. Madilim lahat, parang deliberately hidden. Pero the weirdest part? Alam ko na may something... may vibe na parang I've seen him before, or at least heard that voice somewhere. But where? Like, saan ko siya narinig? Sa corridor ba? Sa audience? Sa dorm? Or... sa panaginip?
"W-Who are you?" nanginginig kong tanong, halos hindi na lumalabas 'yung boses ko.
Wala. Silence. Parang mas naramdaman ko lang 'yung presence niya na sobrang heavy, na parang kahit walang sagot, sapat na para ma-feel kong hindi siya basta-basta.
So I turned, ready na sanang tumakbo pero, swear, ang drama. Bigla akong nanghina. As in legit parang may nag-drain ng lakas sa katawan ko. My knees gave out, my vision blurred. Para akong nalulunod sa sariling utak ko. Everything was spinning, the lights were dancing like disco lights gone wrong.
Then ayun na. Just before I blacked out, may sigaw akong narinig. Loud, urgent, and familiar.
"Avery!"
Shit. Sino 'yon?
May narinig akong mabilis na hakbang, may gumalaw, may tumulak. Lahat mabilis, chaotic, pero crystal clear yung urgency. Then arms — warm, steady arms — caught me before I completely hit the ground.
And the last thing in my head, right before everything went black, was this overwhelming question na nag-echo...
Sino? Who saved me?