Naglakad sila ng hagdan hanggang sa makarating sila sa seventh floor. Doon na sila sa mas mataas na pwesto upang matanaw nila kung may paparating na kalaban sa baba kung sakali. Naghanap sila nag maayos-ayos na room. At mayroon silang nakita kung saan may kama na gawa sa papag. Lumang-luma na ito. Maalikabok na rin ang kama. Napangiwi si Maxime nang makita iyon. "Diyan ba ako hihiga?" tanong ni Maxime kay Seibas. Tumango si Seibas habang pinapagpagan ang higaan. "Oo. Huwag ka ng mag-inarte pa diyan. Pinagpagan ko na itong higaan. Maalikabok lang naman siya." Mariing napapikit si Maxime. Sa itsura kasi ng kama ay para bang matagal na itong nanatili sa lumang building na kinaroroonan nila ngayon. "Bakit ganyan ang mukha mo? Is there something wrong?" tanong ni Seibas matapos nitong pagp

