Biglang nagkagulo sa loob ng coliseum. Dumagsa ang tao malapit sa ring upang manood. Isa na rito sina Seibas at Maxime na excited din sa magaganap na laban ng apat na kababaihan. Muscle tone pa lang ng mga ito ay nakakamangha na. Halatang alaga sa work out upang ma achieve ang ganoong body tone at maging qualified para sa laban. Hindi gaya ni Maxime, kahit na dumaan siya sa iba't ibang uri ng trainining noong sa isla, hindi man lang tinubuan ng calves ang kanyang binti. Feminine na feminine talaga ang hugis ng kanyang binti maging ang kanyang mga braso. Pero walang may alam bukod kay Seibas at mga kaibigan niya kung gaano siya kalakas at maliksi kumilos. Upang maprotektahan si Maxime sa mga dumudimog na tao lalo na sa kalalakihan, niyakap ni Seibas ang dalaga sa likod at si Maxime nam

