Ayon kay Shirley, isang nagngangalang Feno ang bumisita sa Casa de Puta na pag-aari ng kanyang asawa. Iyon lang ang ipinakilala na pangalan sa kanya at naglapag ng malaking halaga upang asikasuhin ang anak ng kanyang boss. Naghahanap umano ito ng nagbibigay aliw sa binata bilang pamamaalam sa buhay nito bilang isang easy go lucky person at reward sa bagong posisyon. Simpleng selebrasyon lamang daw iyon dahil CEO na nga ang kanyang customer. Nagtataka pa nga daw si Shirley kung bakit kinu kwento sa kanya nung Feno ang purpose samantala hindi na niya sakop para alamin pa ang bagay na iyon at napansin niya ang lagkit ng tingin sa kanya. Hindi namalayan ni Maxime ang pagpasok ni Seibas sa kanilang room. Nangingislap ang morenong balat dahil sa tubig na lumabas dahil sa pag eensayo, tumutu

