“Mauricio!” Bungad na sigaw ni Maurus sa kanyang bayaw sa kabilang linya. “ Ano na ang balita sa pinatatrabaho ko sa’yo? Natanggap mo na ang pera, siguro naman may resulta na.” usig pa ni Maurus sa kabilang linya. “Supremo, good news. Nalaman namin ang tunay na pagkatao ng babae na bumangga sa ’yo nung nakaraan.” excited na balita ni Mauricio. Sa boses pa lamang nito ay halatang ganado magkwento. Ngiting tagumpay naman hanggang tainga ang pinakawalan ng matanda sa kanyang mga labi. Hindi siya matatahimik hangga’t hindi niya nalalaman kung tama ba ang kanyang kutob tungkol sa babae. “Spill the beans, Mauricio. Tell me!” hindi na makapag hintay ang matanda sa nais sabihin ni Mauricio. Mahigpit ang pagkakawak niya sa kanyang tungkod habang naghihintay sa nais sabihin ng kanyang tauhan. “

