M03: Customer

2791 Words
Siya ang magiging Boss ko? Bakit ang gwapo naman yata? Kausap ni Maxime ang sarili, panay lunok dahil sa hindi mapakali kanina pa. Hawak pa ni Maxime ang dibdib habang humihinga ng malalim, pawisan din ang noo. Agad na nagtungo siya sa kusina at nagsalin ng tubig sa baso. Nilagok niya ang laman ng isang deretso saka tulalang napaupo sa harap ng mesa. Palibhasa hindi expose ang mga anak ni Mr. Aragon kaya hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Bukod pa rito, hindi si Aragon ang target niyang maging boss kundi ang pangulo. Nagkadalestse letse na ang plano ni Maxime. Napagtanto niya na tama nga ang mga kaibigan niya. Panahon na upang mabago at kalimutan na lang ang pakay niya. Naisipan ni Maxime maligo upang maalis ang amoy pawis sa katawan. Kasalukuyan siyang nagpapatuyo ng buhok nang biglang may nagdoorbell sa kanyang pinto. Kunot ang noo na napatitig siya sa door knob. Bigla niyang naalala, may order nga pala siyang pizza bago naligo. Sumilip muna siya sa peephole at sinigurong pizza delivery nga ito. Nang makumpirma ay binuksan niya ang pinto. “Salamat, heto ang tip,” inabot ni Maxime ang twenty pesos. Malapad naman ang naging ngiti ng delivery guy. Habang kumakain ng pizza ay tulala pa rin si Maxime, malalim na nag iisip. Umalingawngaw sa utak niya ang anak ng Bise-Presidente ng bansa. Imbes na maging komportable ay lalo lamang natuliro ang isip niya. Parang ayaw na muna niyang maging Lunes. Pakiramdam niya ay hindi pa siya handang magtrabaho lalo na nakita na niya ang magiging boss niya. What the heck? Kailangan ng pera Maxime! Nagulantang si Maxime sa pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali niya itong dinampot at hindi na natingnan kung sino ang tumatawag. “Hello?” pamilyar kay Maxime ang boses ng babae sa kabilang linya kaya napatili siya. “Shirley!!!!!” nabitiwan niya ang pizza na hawak. Mabuti na lang at sa kahon nitois.o bumagsak. Binuhat ni Maxime ang box ng pizza, lumipat siya sa living room. Kapag si Shirley ang kausap niya tiyak ubusan ng charge ng battery ang labanan. Nag kamustahan ang dalawa, tawanan at kulitan matapos maiparating ni Shirley ang pakay. Si Shirley Delos Reyes ay nakilala niya sa isang bar at nagtatrabaho bilang waitress. Isa ito sa tumulong sa kanya upang magkaroon ng extra income bago pa niya tuluyang mahanap ang mga kaibigan na sina Maverick, Matilda, at Margaux. Nagdesisyon na magkikita ang dalawa sa isang coffee shop kaya kahit gabi na ay nagkita pa rin sila. “Ay, naku. Mahabang kwento talaga kaya sa ngayon, kailangan ko ng sasalba sa kumpromiso ko. Please naman, tulungan mo ako. Naka-oo na kasi ako sa isa kong customer. Legit ‘to at malaki ang bayad. Kung sugapa lang ako, hindi kita hahatian kaso isa lang ang katawan ko.” may himig ng panghihinayang pang sabi ni Shirley. “Ano ba kasing trabaho iyan?” kunot noo at “E kasi iyong anak ng kakilala ng boss ko, sabi mag ce-celebrate daw. Open naman ako kay Sir kung ano ang trabaho ko noon. Ngayon tinanong niya ako kung kaya ko daw ba ang trabaho na i-o-offer niya? Sayang dahil sideline ko naman talaga ang mag-entertain kaso fully booked na ako.” mahabang paliwanag ni Shirley. “Fully book saan? Ang pepe mo fully book na sa etits, ganun ba?” walang preno ang bibig ni Maxime sa kaibigan. Hindi naman ito pang iinsulto at hindi rin naman pangungutya sa klase ng sudeline ng kaibigan. Sadyang ganyan lang talaga siya magsalita. Isang pasada at on point lagi. “Ang harsh mo naman, Max. At Least hindi ako nagmamalinis ha. Tagapalit lang naman ako ng brief nila, pero syempre, bago ko palitan huhubaran ko muna at alam mo na iyon.” wala ring gatol na sagot ni Shirley. Seryoso ito pero naka-smile naman. Sanay na sila sa isa't isa kaya walang kiyeme kung sensitibo man ang topic. Gustong matawa ni Maxime pero totoong praktikal ang kaibigan niya. Saka wala siyang karapatan na sakupin ang sariling desisyon ni Shirley. Gaya niya, kumain din siya ng galing sa maruming paraan, pumapatay siya para mabuhay. Mas malala pa nga siya kay Shirley kung tutuusin. Si Shirley ay nagbibigay lang ng panandaliang aliw sa mga mapeperang pulitiko. Kumpara naman sa kanya na mas worse pa. Bago pa man siya makapagbigay ng aliw ay pinapatay na niya agad ang target. Ito ang dahilan kung bakit birhen pa siya. Kaya pala pinagbabawalan din siya noon ni Lukas na magpagalaw dahil ito ang may balak. Sa panahon nga naman ngayon, kapag puro pride at ego ang paiiralin, walang mangyayari sa kinabukasan nila lalo na siya na malaki ang pagkakautang sa mga kaibigan. Hindi man siya sinisingil ng mga ito ngunit mas mapapanatag ang loob niya kung maibabalik niya ang pabor o ang perang nagastos ng mga ito sa kanya. “Biro lang,” kunwaring malungkot siya at huminga ng malalim. “So, magkano ba ng hatian?” diretsong tanong ni Maxime. “Naku, iyong iyo na ang kita diyan, saka alam mo, hindi mo naman kailangan magpalit ng brief ng customer. Entertain mo lang sila, sayawan, tapos! Pera na agad.” excited at masayang paliwanag ni Shirley na kala mo ay napakadali lang ng gagawin. “Bukas ng gabi, 8 o'clock. Ang driver na bahala na maghatid sayo sa lugar kung saan gaganapin ang okasyon.” “Ano pa ba magagawa ko, tama ka praktikal lang tayo. Saka kailangan ko rin talaga ng pera. Salamat ha.” medyo naging emosyonal si Maxime. Hindi rin biro ang naitulong sa kanya ng kaibigan kahit hindi man niya ito matagal na nakasama. Masayang naghiwalay ang dalawa. Pakiramdam naman ni Maxime ay magaan ang loob niya sa inalok na trabaho ng kaibigan. Magiging stripper siya para sa isang private party. Kahit birhen pa si Maxime, sanay siyang maghubad sa harap ng mga tao o kalalakihan. Eto ang trabaho niya noon, gamitin ang katawan upang pumatay ng target kaya mani na lang sa kanya ang misyon bukas. Pagdating sa bahay ay nilabas niya ang isang kahon na naglalaman ng iba't ibang klase ng mahahalay na damit. Collection ito ng mga erotic lingerie kung saan ginagamit niya upang sa kanya lang mafocus ang mata ng target. Napili niya ang halos u***g at hiwa ng kanyang p********e ang natatakpan. Kahit paano mamimiss niya ang magsuot ng mga ganitong uri ng kasuotan dahil ang trabaho niya sa susunod na linggo ay balot na balot ang kanyang katawan. Hinanda niya ang mga pwede niyang ilabas ngayong gabi upang bukas ay relax na siya at makapapagperform ng maayos. Kailangan niyang mapasaya at masatisfy ang customer. Hindi biro ang two hundred fifty thousand, isang gabing kita. Excited na kinakabahan si Maxime. Sanay na siya sa ganitong halaga. Kung si Shirley nga na hindi na birhen ay may ganito kalaki ang offer, kung private stripper na lang ang magiging trabaho niya tiyak na kalahating milyon pwede niyang kitain bawat serbisyo. Napakibig balikat si Maxime bago hinila ang kumot upang ihanda ang sarili sa pagtulog. Pangarap niyang maging masaya at magkaroon ng tahimik na buhay pagkatapos ng misyon niya. Gusto niya rin na matahimik na ang kaluluwa ng magulang at magkaroon siya ng peace of mind. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam ang posibleng mangyari bukas ng gabi. Kapag pinwersa siya tiyak manlalaban siya at posibleng makapatay na naman siya. Kailangan relax lang siya upang hindi siya magkamali sa kilos. Last na ito! Kung sakali. Naisip niya na kung magkakaproblema ay last na niyang gagamitin ang teknik. Advance na masyado ang isip ni .axime at hindi na niya namalayan ang oras hanggang dalhin na siya ng kanyang diwa sa kawalan. DAHIL nag-alarm si Maxime, saktong alas diez ng umaga ay bumangon na siya. Nagkulay siya ng buhok upang maging kaakit akit at maging matingkad siya sa lahat. Wala naman siyang idea kung ilan lahat ang audience pero kailangan stand out pa rin siya. Hindi niya alam kung ilan silang stripper, basta ang goal niya, mapasaya ang customer. Habang nagpapatay ng oras at hinihintay ang tawag ni Shirley nanood ng balita si Maxime. Nakita na naman niya sa TV ang bise presidente ng bansa pero this time, malikot ang mga mata niya. May hinahanap siyang tao. Bigla siyang malungkot nang hindi makita ang nais makita. Wala si Siebas at gaya ng dati, hindi naman talaga sumasama sa mga TV exposure ang anak ni Mr. Aragon na si Siebas. Ano ka ba Maxime? Bakit disappointed ka? Namula ang mukha ni Maxime sa sariling naisip. Aminado siya, parang nagbago ang t***k ng puso niya nang makita niya sa sementeryo ang anak ng bise presidente. Mabuti na lang at nabanggit sa kanya ng mga kaibigan ang tungkol sa batang CEO ng mga Aragon. At least nagka-idea siya at paghahandaan niya ang trabaho para sa Lunes. BANDANG alas tres ng hapon nang tumawag si Shirley upang sunduin siya ng driver ng customer. “Goodluck, balita ko ay bata pa ang customer. Swerte mo, ako madalas damatands na. Pero ayos lang, amoy matanda man sila, hindi ko ipagpapalit ang amoy ng pera. Malansa pero masarap talagang amuyin.” kwelang bida ni Shirley. “Loka. Siya nandito na yata kami sa bahay ng customer.” “Mag-ingat ka, hayaan mo, ihahatid ka rin ng driver pagkatapos ng serbisyo. Sanay na iyang driver, sabi ng boss ko, ni Sir pala.” humagikhik pa sa kabilang linya si Shirley. Hindi man tanungin ni Maxime ang kaibigan,ukhang kabit ng isang matandang mayaman si Shirley. Mukhang nakajackpot ng bigtime. Pero buhay naman ni Shirley iyon, magkaibigan dila at ayaw niyang maging pakialamera sa buhay nito. Nasa tamang edad na sila kaya pareho nilang alam ang kanilang mga ginagawa. “Miss, pagpasok mo sa bahay, hanapin mo si Miss Jakul, bakla iyon. Siya ang mag-aayos sa'yo at nakakaalam ng lahat ng set up. Mamayang gabi, tawagan mo ako sa numerong ito kapag gusto mo ng umuwi.” inabot ng driver ang kanyang calling card. Shala. Driver may sariling calling card. Sana all na talaga sa mga may bigating boss. Napakalawak ng bahay, isa itong mansion at maraming pinto at pasilyo. Hindi niya matandaan kung saan siya dinala ng ginang na sumalubong sa kanya na maghahatid sa kanya sa kanyang hairdresser at makeup artist. Napakasosyal nga dahil sa mga small time stripper, sila lang nag aayos ng kanilang sarili. Pero kapag ganitong private deal at dinadala sa mayayamang customer, may make up artist na sarili. “M-Mis-...” hindi malaman ni Maxime kung tatawagin itong Mister o Miss dahil ayon sa driver bakla ang mag aayos sa kanya pero tunay nga naman na napakaganda ng bakla at mukha itong babae. Bukod sa nakasuot ito ng damit pambabae, tinalo siya sa suot nitong five inches high heels. Ngumiya ito ng bubble gum habang busy sa cellphone nang tawagin ng kasama niya na matandang babae ang bakla. “Raine, nandito na ang star ng okasyon.” paala nito sa kanya. Tumaas lang ang kilay ni Raine. “Manang, sigurado ka na siya? She looks innocent. Kaya mong maghubad?” duda pa nitong tanong sa kanya. “Ahahaha. Mukha lang akong inosente pero sanay ho ako maghubad.” paliwanag naman ni Maxime. Madalas talagang napagkamalan na wala siyang alam sa trabahong stripper. Napakaamo ng kanyang mukha dahil sa kapag ng kilay ngunit may korte naman ito, medyo maninipis na labi, tamang lubog ng talukap ng mata at medyo bilihin na hugis ng mukha. Isa ito sa nagbibigay ng innocent look niya. “I am Keith. Nice to meet you, Raine.” inilahad ni Maxime ang palad. Nais niyang makipag kamay sa bagong kakilala. “Sabihin mo muna ang totoo, nagandahan ka sa akin o hindi?” seryosong tanong nito kay Maxime. “Well, ang totoo niyan, hindi ko inaasahan na trans ka. I mean, ang ganda mo at daig mo pa ang natural na babae.” totoo ang sinasabi ng papuri ni Maxime. Ayaw niyang nagkaproblema sa kausap pero totoong speechless din siya sa appearance nito. “Ay! Bongga ka sist. Iyan talaga ang gusto kong marinig. Pagandahin kita at ngayong gabi, ikaw ang star at sayo lang titingin ang mata nila. “Totoo naman ang sinabi ko. Ang totoo niyang hindi ko alam. Sinabi lang ng driver.” paliwanag ni Maxime, natatakot na baka masamain ang kausap ang sinabi niya. “Let's start na. Excited ako sa totoo lang. Ang laki ng binayad sa akin ng boss ko dahil nga sa isang sikat at mayaman na tao ang pagsisilbihan ko kaya masaya ako.” kwento nito habang isa isang nilalabas sa isang maleta ang kanyang mga make up tools. Hindi na lang umimik si Maxime at maayos na siya ng umupo sa vanity chair. Tahimik lamang sila hanggang sa matapos ang halos dalawang oras. Mula ulo hanggang paa, maraming naging bago sa itsura ni Maxime. Tunay ngang napakagaling na make up artist ni Raine. “Ihanda mo na sarili mo, malapit ng magsimula. Get inside the box and wear this.” paalala ni Raine sa kanya. Hindi niya inaasahan ang blindfold pero mas okay na rin na ganito. “Pasok na sa box,” utos ni Raine. Siya na rin ang naglagay ng blindfold kay Maxime. “Huwag na huwag mong alisin ang blindfold mo. Kung ano ang utos sundin natin dapat kung gusto mong maiuwi ang pera.” kabilin bilinan ni Raine sa kanya. Mukhang napasubo na nga siya sa alok ng kaibigan kaya tumango na lang siya. “Salamat sa paalala.” isang ngiti lang ginawa ni Maxime hanggang sa piringan na siya ng bakla. Nakiramdam lang siya. Narinig niyang may kinausap si Raine para ihatid siya sa venue. “This way mam, just walk normally, carpeted ang floor kaya nothing to worry.” paalala pa ng babaeng may akay sa kanya. Pakiramdam niya ay mabait ang babae base sa paraan ng pagsasalita nito. Tiwala na nga pang talaga ang naging puhunan ni Maxime sa mga oras na iyon. Hindi niya maipaliwanag ang sarili, ngayon ay may kakaibang kabog ang dibdib niya. Parang umiinot ang mukha niya. Sanay na siya sa ganitong klaseng trabaho pero ngayon bigla siyang nakaramdam ng hiya. Hiya? Bakit ako mahihiya? Masyadong expose ang suot niyang saplot pero hindi iyon big deal. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang nadarama na hiya. Naisip niya bigla si Mr. Siebas Aragon. Fuck! Bakit ko ba siya naiisip sa ganitong sitwasyon at kasuotan? Hindi maintindihan ni Maxime ang sarili kung bakit kailangan niyang mahiya. Una hindi naman niya kasintahan ang lalaki. Kasintahan? Biglang nalungkot si Maxime. Paano nga kaya kung si Siebas Aragon ang lalaking gusto niya tapos ganito ang klase ng trabaho ang meron siya. Paano kapag nalaman ng magiging boss niya na isa rin siyang private stripper? “Stay here. Darating si Sir sa tamang oras. Huwag na huwag kang mainip. Bugnutin si Sir at maikli ang pasensya. Never open the box and look around. Huwag na huwag mong alisin ang blindfold mo. That is against the rule kapag may private party si Sir.” mahabang paalala ng babae. “Ah, M-Miss, pwede ko bang malaman kung nasaan ako?” naisingit na tanong ni Maxime. “I am sorry. I am not allowed to disclose to anyone kung ano ang lugar na ito, nasaan ka or ano ang okasyon. Just do your job. Play your part. ‘Iyon lang, makakaalis kang safe sa bahay na ito.” tinapik pa ng babae ang kanang balikat niya. Safe? Ano ang ibig niyang sabihin? “Get in to the box, just step closer. Try to manage na hindi masira or magulo ang ayos mo. Sit properly. The chair inside the box is comfortable para hindi ka mangawit. After thirty minutes, darating sila.” Nararamdaman niya pa nung itinulak na ang kanyang sasakyan na box. Ni hindi niya alam kung meron o wala man lang itong butas pero hindi naman naapektuhan ang kanyang paghinga. Umalis na ang babae at naiwan si Maxime na puno ng pagmumuni-muni si Maxime. Hindi dahil sa trabaho niya ng mga oras na iyon kundi pakiramdam niya ay wala siyang ihaharap na mukha kay Siebas Aragon kapag nagsimula na siyang magtrabaho. Nakakahiya kapag nalaman ng batang CEO na may sideline siyang ganito. Come on, Maxime. Bakit ba affected ka sa lalaking iyon? Hindi nga nagkamali ang babae, mamaya maya ay dumating na ito na sa tantya niya ay kalahating oras na ang lumipas. Huminga ng malalim si Maxime upang ihanda ang sarili. “CONGRATULATIONS, SIEBAS! IKAW NA ANG BAGONG CEO. ILANG TAON NA LANG, SUSUNOD KA NA RIN SA YAPAK NG DADDY MO. WITH THAT, I HAVE A SURPRISE FOR YOU RIGHT HERE.” Tinapik ng lalaki ang kahot kung saan naroon si Maxime. Siebas? Joke ba ito? O kapangalan lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD