Bumalik na sa Madrid ang dalawa at tumuloy ulit sa hotel room nila na inukopa noon. Naka reserve pa rin ito. Plano ni Maxime na magpaalam ng maayos sa underground na hindi na siya magtatagal sa bansa dahil mas gusto niyang manirahan sa Pilipinas kaysa mamuno. Katwiran ni Maxime ay mayroon naman silang Supremo na matagal na rin sa serbisyo. Sapat na sa kanya na nalaman niyang anak siya ni Pueblo na dating namumuno sa organisasyon at hindi iyon special sa kanya. Ayon sa survey niya, wala naman makakapagsabi kung sino ang pumatay sa magulang niya kaya mas pinili na lamang niyang kalimutan ang tungkol dito at mamuhay ng normal kasama ni Seibas. “Seibas, salamat ha. Gagawa lang ako ng pormal na anunsyo sa lahat. Ayoko na maging isang palaisipan na naman sa mga tao na bigla akong mawala at

