Masayang nilisan ng dalawa ang dagat, gabing-gabi na at wala na halos tao. “Seibas, mag palit na kaya ako ng damit sa sasakyan, may pamalit naman ako.” pakiusap ni Maxime dahil kanina pa siya hindi mapakali sa suot niya. “Let's go then.” aya ni Seibas sabay bukat kay Maxime na hawak ang sariling high heels. Napatili si Maxime sa pagkalula at labis na tuwa. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang saya niya ngayong gabi. Basta ang alam niya, maraming magagandang nangyari nitong mga nakaraang araw kahit na medyo may nakakaekwentro silang problema. Si Kurna ay madaling i-handle pero ang mga sumusunod sa kanila lately ay kailangan niyang pagtuunan ng pansin. Hindi niya alam kung kaninong kalaban ang madalas na sumisimple sa mga bodyguards nila kamakailan. Sumakay na sa kotse ang dalawa a

