MULA sa kakaunting liwanag na nagmumula sa labas ng bintana, tinitigan mabuti ni Prin ang mukha ng asawa niyang si Cally.
Tuwing gabi ay lihim niyang pinagmamasdan ang hubog ng mukha ni Cally.
Sa kanya ang lalaking ito, pero sa kabilang banda alam ni Prin na pinakasalan lang siya ni Cally dahil sa obligasyon na meron ito sa Dark Lords.
Nakakatabi niya si Cally sa pagtulog, nahahawakan, nakakasama araw-araw but she wanted more. Hindi pa niya naranasan ang maging makasarili sa buong buhay niya pero gusto niyang ariin si Cally ng buong-buo.
Para itong isang pangarap na mahirap matupad. Bakit nga ba may mga lalaking perpekto? Matalino ang asawa niya, mayaman, gwapo at magaling sa lahat ng bagay.
Kaya masisisi ba siya ng iba kung sakali na mahulog ang damdamin niya sa lalaking ito ng sobra?
Hindi niya napigilan na isayad ang hintuturo sa bawat parte ng mukha ni Cally. Mula kilay, pilik-mata, ilong, baba at sa labi. Para bang ginuguhit niya sa isip ang bawat parte ng mukha nito.
Natigil ang daliri niya sa labi ni Cally. Pinaranas nito sa kanya ang kakaibang halik sa opisina nito.
Parang regalo ng diyos ang napakasarap na halik na iyon.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon, mabait sa kanya ang langit at ibinigay nito ang gusto niya.
Iyon nga lang… Hindi sapat. Isang parte ng pagkatao niya ang naghihintay ng kasunod.
Binigyan niya muli ng nakaw na halik si Cally. Isang simple na katulad lang din ng ginagawa niya tuwing sa kalagitnaan ng gabi.
Nang aalisin na niya ang labi niya dito, isang malapad na palad ang pumigil sa batok niya. Nanlaki ang mata ni Prin.
Kumilos ang labi ni Cally at nilaliman ang sinimulan niyang halik. Napapikit muli si Prin para mas madama and halik nito. The taste of his lips was far more than she bargained for.
He is kissing her deeply. Sobrang lalim na halos makalimutan niya na kung ano ang pangalan niya. Wala rin naman siyang pakialam sa ibang bagay dahil nakatuon sa halik ni Cally ang buong pagkatao niya.
Natigil lang silang dalawa nang pakiramdam nila ay mauubusan na silang parehas ng hangin.
"You don't know how to kiss," tudyo ni Cally kay Prin sa pagitan ng paghinga.
Pinalo niya sa dibdib ang lalaki. Nakakahiya na nga na nahuli siya nito, ang lakas pa ng loob nito na sabihan siya na hindi marunong.
"Of course I don't! Kung makapagsalita ka akala mo ay marunong ka sa ganitong bagay. At least, I found something that you aren't skilled enough. You are a lousy kisser kaya kailangan kong tapatan ang paraan mo ng paghalik," sagot niya dito.
"Oh! Is that so? So are you telling me na kaya hindi ka marunong ay dahil hindi rin ako marunong mag-guide? Don't worry, we will practice because practice makes perfect. You should be ready because we will be having an assessment everyday."
Prin "...."
"Let's sleep.. Or do you want to continue the practice?" pangungulit ni Cally.
Namumula na ang mukha niya "Who wants to practice with you? I'm going to sleep," sabi niya saka pumikit dahil hiyang-hiya pa siya sa pagkahuli nito sa kanya.
Hinihiling na lang niya na sana ay hindi ito mag-isip ng masama sa kanya.
Cally pulled her closer to his embrace. Wala siyang pakialam kahit sabihan siya ulit nito na makapal ang balat niya.
Ang alam lang ni Cally, hindi niya inaasahan na mas masarap matulog ng katabi si Prin. Pinakakalma ang buong pagkatao niya ng amoy nito na maihahalintulad sa bulaklak ng cherry blossom.
BOTH of them have a good mood pagdating ng kinabukasan. Siguro dahil parehas silang nakatulog ng masaya at masarap.
"Be good," sabi ni Cally bago siya bumaba ng sasakyan nito.
"See you later," sagot ni Prin saka kumaway dito.
Nakangiti pa siya na pumasok sa loob ng school at parang nag-d-daydream habang patungo sa unang klase niya. Parang pakiramdam ni Prin kahit ma-late siya ay okay lang.
Napadaan si Prin sa open field kung saan may nagp-practice ng football. Napansin siya ni Luna na isa sa mga nanood ng practice.
"Sean!" tawag nito sa Star player ng football team.
"Yes my dear?" nakangiti na sagot nito saka lumapit.
Binulungan ito ni Luna...
Sa lugar ni Prin, paliko na siya para papasok sa klase nang masilayan niya ang bola ng football na mabilis na tinutungo ang pwesto niya.
Agad na gumana ang utak ni Prin sa tamang gagawin. Dalawang estudyante at isang may-edad na guro ang malapit sa kinaroroonan niya kaya kaysa iwasan iyon, agad na kumilos si Prin para umikot pailalim na parang cart-wheel at sipain pabalik ang bola sa kung saan man iyon nanggaling.
Sigurado siya na sa bilis ng bola na iyon, sinadya iyon na tirahin patungo sa pwesto niya. Hindi lang siya sigurado kung sino sa kanilang apat ang intensyon ng bola na iyon.
"Muntik na kami ng bola na iyon. Thank you Miss!" pasalamat ng isa sa dalawang estudyante.
"Sean!!!!" galit na sabi ng may-edad na guro.
Si Sean na tinawag ay hindi makapaniwala sa nakita. Parang bihasang football player ang kilos ng babae. Agad siyang lumapit sa mga ito para kunwari ay manghingi ng pasensya.
"Sorry po, Mrs Benett," kakamot-kamot ang ulo na sabi nito.
Masama ang tingin ni Prin sa lalaki na may pangalang Sean. Ganoon pa man tumuloy na lang siya patungo sa kwarto.
Nangako siya kay Cally na hindi siya gagawa ng kalokohan o gulo sa school na iyon kaya iiwasan niya ang lalaking ito ng mas maaga.
"MISS…" tawag ni Sean kay Prin pero hindi niya ito pinansin. Tuluy-tuloy lang siya para makapasok sa loob ng klase niya.
"Hey! Hey!" hinarang nito ang sarili sa pintuan nang akmang papasok na siya.
Tinaasan niya ito ng kilay. Ngumisi naman sa kanya si Sean. "You are new. Ngayon lang kita nakita."
"Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong bully-hin?" sagot ni Prin.
"Hello Sean," sabi ng mga kaklase niya sa loob.
Pansin niya na natutuwa ang mga kaklase niya at halatang gusto ng mga ito ang lalaki. Lumipat ang atensyon nito sa mga kaklase niyang babae.
"Hello, Girls…" kumaway pa ang binata sa mga kaklase niya na akala mo ay artista. Nakakita ng tyansa si Prin kaya nalusutan niya ito nang hindi nito naramdaman at nakapasok sa loob ng kwarto.
Tumuloy lang at umupo siya sa pwesto niya na parang walang nangyari.
Nabigla naman si Sean sa inakto niya. Para kasing magic na nawala siya sa harapan nito kahit nakaharang ang binata sa pintuan.
"Hey! I'm talking to you," sabi nito at sinundan siya hanggang sa mesa niya.
Hindi ito pinansin ni Prin at nilabas ang cellphone para i-text si Cally at sabihin sa asawa niya na maayos siyang nakarating sa klase.
'My Prince' ang pangalan ni Cally sa contact list niya at napangiti siya na makita na may mensahe siya mula sa lalaki.
[Arrived at the office] iyon ang mensahe nito.
Hindi nakalusot kay Sean ang mga inakto ni Prin, katulad ng pang-iisnab niya dito. Dahil nakaupo si Prin at matangkad ang lalaki. Nakita nito ang pangalan ng nagpadala ng bagong mensahe na nagpangiti sa kanya.
My Prince.
Napangisi na lang si Sean. Hindi siya naniniwala na isang prinsipe ang kung sino man na nag-text na iyon. Sa tingin niya ay endearment lang iyon ng babaeng nasa harapan sa nobyo nito. Pero mas na-intriga siya kay Prin.
Popular siya sa eskwelahan na iyon at wala pa ni isang babae ang kumuha sa interes niya bukod kay Luna.
Pansin ni Prin na nasa gilid niya si Sean at mukhang walang plano na umalis. "May klase kami dito, ano ba ang kailangan mo?"
"Gusto kong malaman, kung paano mo ginawa yung pagtira mo sa bola kanina?"
Tiningnan ni Prin mula paa hanggang ulo si Sean.
"Hindi ko kailangan na magpaliwanag. Hindi ka naman siguro tanga para hindi alam kung ano ang ginawa ko kanina. Football player ka 'di ba? Alam mo dapat iyon. Ako nga ang dapat na magtanong sa iyo e."
Naging seryoso ang lalaki. Bukod din kay Luna, wala pang ibang babae ang sumopla sa kanya.
"Hindi naman ako Bully. Nagkataon lang na patungo sa iyo ang bola ko," pagdadahilan nito.
Hindi na ito pinansin ni Prin. Sakto naman ang dating ng Professor nila at napuna nito si Sean.
"Mr. Sean!!! Anong ginagawa mo dito sa klase ko? Labas!" galit na sabi nito.
Binigyan pa siya nito ng huling sulyap bago lumabas na nakangisi sa kwarto.
GIGIL na gigil naman si Luna at pinagagalitan si Sean.
"Bakit hindi mo ginalingan sa pagtira ng bola kanina?"
Nakaramdam ng inis si Sean sa unang pagkakataon kay Luna. Sa hindi niya malaman na dahilan, bigla siyang napangitan kay Luna.
"You know what, gusto kong sabihin na hindi mo ako utusan," sabi niya dito.
"Akala ko ba magaling ka sa football, hmp! Isang babae lang pala ang kayang magpatumba sa iyo!"
Dumilim ang paningin ni Sean. Sa oras din na iyon, pakiramdam ni Sean ay napaka-pangit ng ugali ng babaeng ito sa harap niya.
"Alam mo Luna, Ngayon ko lang napagtanto na hindi ka talaga maganda," pang-iinis ni Sean.
"Bawiin mo ang sinabi mo!"
"Why? Now I know kung bakit inis ka kay Prin. Because she is definitely a beauty, there is so much insecurity in your body. I just can't believe na nagpabola ako sa isang tulad mo."
Lalong lumala ang pagka-gigil ni Luna sa binata.
"She is not pretty! Alam mo ba? I assumed she is a Mistress. I always saw a luxury car na naghahatid sa kanya sa school tuwing umaga but that guy never showed himself in public. Siguro isang mataba, matanda at uugud-ugod ang boyfriend niya kaya ganoon," sabi nito.
Naalala ni Sean ang pangalan ng boyfriend ni Prin sa cellphone nito. 'My Prince'
"I saw the car. You could be the President of MGM bago mo makuha ang ganoong klase ng kotse. Kahit ang kotse mo ay walang wala sa magarang kotse ng naghahatid sa kanya. So tell me? Sino sa amin ang mas maganda?"
"She is just merely a mistress! Samantalang, anak ako ng Mayor!" galit na sabi nito.
Napangisi si Sean. "Then, act like a mayor's princess dahil malapit ko nang isipin na isa kang huwad na prinsesa," ang sabi saka nito iniwasan si Luna at iniwan na ang babae.
"Let's see Prin, kung makaligtas ka sa susunod," sabi nito.