BUMABA si Cloud Han, ang daddy ni Cally sa isang itim na Maserati Ghibli M157 kasabay ni Rob Matsui na pasahero niya sa tapat ng isang Casino Hotel kung saan nag-o-operate ang Black Dragon.
Isang ginintuang gusali iyon na may apat na palapag at sinasakop ang walong ektarya ng lugar. May walong daan ang kabuuan ng guest rooms at suites. Ang casino naman ay matatagpuan sa B Wing ng eleganteng gusali. Nabalitaan nila na nasa loob ng Casino na iyon si Mr Sy.
Matikas ang tindig nilang parehas na pumasok sa loob ng hotel. Binati sila ng guwardiya sa bungad dahil nakikilala sila nito.
"Master Cloud… Boss Rob…"
"Bring us to Mr. Sy.” ang utos ni Rob.
Tinawag nito ang hotel manager at ito ang nagpa-anyayang maghatid sa kanila. Apat na lalaking naka-itim at ang manager ang nag-escort sa kanila para ihatid sila sa matandang intsik.
Agaw-pansin silang dalawa lalo at hindi maiwasan na magtanong ng iba kung bakit kusang loob pa silang sinamahan ng manager.
Parehas na seryoso na halos walang bahid ng emosyon ang mga mukha nila at halata na wala silang pakialam sa mararamdaman ng kung sino man habang naglalakad.
Umakyat sila gamit ang elevator at lumapag iyon sa pinakamataas na bahagi. Naglakad sa pulang carpet ng may pagmamadali patungong B wing.
Sa VIP Suite…
Nangangamoy usok mula sa yosi at tabako ang buong paligid ng kwarto. Isang Business Tycoon at dalawang Mayor ng probinsiya na pare-parehong malalaki ang tiyan ang kalaban ni Mr. Sy. Nakapalibot ang apat sa bilog na mesa na naglalaro ng cards.
Maganda pa ang pagkakangisi ng intsik nang bumukas ang pintuan ng VIP room kung saan sila naglalaro. Sabay-sabay na napalingon ang apat sa pintuan dahil mahigpit ang bilin nila na bawal ang istorbo.
Unang bumungad ang manager sa kanila.
"I apologize for this intrusion, gentlemen, but Mr. Rob Matsui wants to talk to Mr. Sy,” sabi nito. Matapos na sabihin ang pakay ay magkasunod na pumasok si Rob at Cloud.
Nagliwanag ang mukha ng mga manlalaro lalo nang makita si Cloud Han na kasama si Rob. Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga lalaking malalaki ang tiyan na sunggaban ang oras na makita ang dalawa.
"Master Cloud, what a beautiful night! Gustong-gusto talaga kitang makita noon pa man para pag-usapan ang business. Ahh. Ito po ang card ko, baka gusto niyo pong mag-invest.”
"Master Cloud, 'eto, heto po ang akin, maaari ka rin na magpunta sa probinsiya ko kung gusto mo na magpalipas ng oras."
"Master Cloud--"
Pinutol na ito ng Manager ang tatlong lalaki.
"I'm sorry gentlemen. But they are not here for business. May you please excuse us?" binuksan nito ng malaki ang pintuan at sumenyas na maaari na silang magsipaglabasan.
Walang nagawa ang tatlo pang kalaban ni Mr Sy kun'di ang sumunod. Naiwan sa kwarto ang intsik pati na ang tatlo pang bodyguard na kasama nito
Malapad naman ang pagkakangiti ni Mr. Sy na makita si Rob nang harapan. Bonus pa na kasama nito ang matalik na kaibigan na si Master Cloud.
"Boss Rob, mukhang pinagpapala ako ngayon na makita ka. Sit.. Sit.."
"Hindi kami magtatagal." matigas na sagot mula kay Rob pero umupo sila ni Cloud sa magkatabing silya.
"Gusto ko lang balaan si Mr. Sy dahil mukhang masyado siyang nag-eenjoy sa labas ng kulungan." makahulugan na sabi.
Kumunot ang noo ng matandang intsik. "A-ano ang ibig mong sabihin?"
"My daughter… Your men dared to touch my daughter! Inutusan lang naman ng kabit mo ang mga tao mo na dukutin ang anak ko. At alam ko na hindi iyon lingid kay Mr Sy. I think... that is your biggest problem right now." matigas na sabi ni Rob.
Napangiwi ang intsik. May hinala na ito na si Luna ang tinutukoy ni Rob.
Sinalubong nito ang mga mata niyang nag-aapoy. Malaki-laki na ang nagastos nito sa babae na si Luna. Isa pa, hindi lingid sa kanya ang plano nito na dukutin ang babae kaya halos ayaw nitong magpatalo sa banta ni Rob.
"Binabantaan mo ba ako Rob Matsui? Hindi ka ba natatakot na dadalawa lang kayo ni Master Cloud ang basta na lang sumugod dito? I have my men here. Mayroon silang mga armas at maaari na hindi na kayo makalabas ng buhay dito sa kwarto."
Tumawa ng malakas si Rob.
"Mr Sy, akala ko ay drug lord ang trabaho mo, I never thought na Joker ka na rin pala ngayon. How many men do you have? Fifty? A hundred? At sa palagay mo ba ay matitinag ako ng tatlong pipitsugin na 'to kahit may armas pa silang dala?" tiningnan pa ni Rob isa isa ang tatlong lalaki na parang nanghahamak.
Sa talim lang ng titig ni Rob sa tatlo ay halata ng kinabahan ang mga ito. Hindi lingid sa kaalaman nila na isang legend ang nasa harapan nila ng mga oras na iyon.
"Did you forget who I am?" tanong ni Rob kay Mr Sy.
Walang nagawa ang tatlo nang senyasan ni Mr Sy. Itinutok nito ang mga armas kay Cloud at Rob.
Napapailing si Rob. "Oh! mukhang seryoso si My Sy?" sabi ni Rob na iiling-iling.
"Too bad… because you didn't see what I see." makahulugan na sabi.
Noon lang napansin ng apat na may mga pulang ilaw na nakatutok sa noo ng mga ito. Isang laser na nagmumula sa mga armas sa itaas na bahagi ng pader. Naririnig lang nila na may armas ang casino VIP rooms sa hotel na iyon at hindi nila akalain na totoo.
Aakalain ng kung sino man na makakakita na isa lang iyong CCTV sa loob ng kwarto kaya binalewala nila.
"Mr Sy, did you forget who is the Master of Black Dragon who operates this hotel? My mom's friend and one of the Yakuza leaders. I don't give a f*ck to anyone who underestimated me. You dared to touch my daughter and that's it."
Sumenyas lang si Rob at isa isang tinamaan ang noo ang tatlong lalaki. Isang maliit na butas lang ang kumitil sa mga buhay ng mga ito.
Nanghilakbot sa takot si Mr Sy.
Tumayo si Rob at tinitigan ng diretso sa mata ang intsik. "I want you to get out of this country! Bring your business outside the Philippines because we don't need you here. Hindi naman siguro sisirain ni Mr Sy ang nais ko, tama?"
Halata na pinagpawisan ang intsik. "Y-yes. Tonight! Tonight! Babalik ako sa China tonight!"
"Good! Have a good night's sleep!" saka sila lumabas ni Cloud ng kwarto.
NAGDADALAWANG-ISIP si Kai kung babalik sa Pilipinas nang hindi pa tapos ang isang buwan na parusa na ginawad sa kanya ni Cally.
Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya magdedesisyon ng sobrang lalim at hindi niya alam ang gagawin.
Nag-aalala siya sa kaligtasan ni Bella pero hindi kaya ng konsensya niya na parusahan si Cally dahil babawiin nito ang parusa niya.
Hindi rin naman maaari na magpadalos-dalos na mag-quit siya bilang Dark Guard. He spent half of his life as a Dark Guard. Para siyang mababaliw na nagkulong sa kwarto.
Kinuha niya ang cellphone at bumungad sa kanya ang wallpaper na picture ni Bella. She's very pretty in that photo. She asked him to took most of her pictures nang magbakasyon ito doon. During those times he believed that taking pictures was part of a boyfriend's duty.
Kaya naman kusang loob siya na kinuhanan ang babae kahit saan pa sila namasyal. Matiyaga siyang kinunan ito ng larawan kahit saan nito gustong magpakuha. Hindi pa nga niya alam ang gagawin ng una but he secretly googled how to take a professional picture using a smart phone nang magpaalam ito na magpupunta sa palikuran.
Ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang larawan nito sa rainbow village.
Her smile was like a ray of sunshine or a colorful rainbow, kaya hindi siya nakatiis na nakawin ang larawan nito sa cellphone. He touched his phone screen na para bang pisngi ni Bella ang hawak niya. Para siyang nababaliw na napapangiti ng mag-isa.
Nitong mga nakaraan, nag-aaral siya kung paano ilalagay ng maayos ang clip na gawa sa jade sa mahabang buhok ng isang babae. Because he bought something for her habang naboboring siya sa bahay na iyon.
May gagawin pa ba siyang iba bukod sa maglibot-libot? Kaysa naman pilitin siyang makasama ang Lingling na iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling. Pinipilit siya ng Mommy niya na samahan ang anak ng kaibigan nito na hindi niya sinunod kahit isang beses.
Binuksan niya na lang ang application ng Twit Twit.
Inisa-isa ang lahat ng moments nila ni Bella. Simula sa unang post niya na picture nang manood sila ng sine at nang panahon na ginawa niya ang account na iyon.
Hanggang sa mga post niya nang mga panahon na nagsisimula na siyang tawagin itong 'My Angel'.
At ang mga huling larawan na na-share niya nang imbitahan niya si Bella doon sa Taiwan. He looked at their pictures kissing in a middle of sunflowers field.
She was so cute wearing a floral dress na pinatungan ng maong na jacket. Her blooming and small face is blended with those flowers.
"Aughhhh!" He couldn't take it anymore!
Honestly, his main problem right now is his relationship with her. Hindi niya alam kung paano hahatiin ang sarili bilang Dark Guard, bilang nobyo nito at bilang taga-pagmana ni Master Chen.
Alam ni Kai na may oras siya kay Bella sa ngayon dahil nagkataon na sabay ang duty niya na bantayan si Prin bilang Dark Guard. Pero paano kung ang susunod na misyon niya ay pumunta sa UK para magsanay at kung ano pa?
They will soon be having in a long-distance relationship. Tatanggapin ba ni Bella ang duties niya sa buhay?
Kahit ang kasamahan niya na si Joen ay nasaktan ng labis dahil pinagtaksilan ito ng girlfriend nito. hindi kinaya ng babae na halos nasa Japan lang si Joen at nagt-training.
Nasuntok ni Kai ang unan niya. Ayaw niyang mauwi sila ni Bella sa gano’n. Punyetang pag-ibig iyan!
Gusto niyang maghanap ng susuntukin sa mukha dahil parang dumadami yata ang problema niya na hindi niya naiisip kapag kasama ang kanyang Angel. Napakislot na lang siya nang mag-ring ang cellphone na hawak. His Angel is calling.
Tumikhim muna si Kai. "Hello, My Angel! Kamusta? Nakausap ko na ang tao ni Cally sa Maynila. Natagpuan na nila si Prin at papunta na sila doon para iligtas siya."
Halata na nakahinga ng maluwag si Bella. "Okay lang ba talaga si Prin?"
"Kaya nga huwag ka ng mag-alala. Hindi mo kasalanan kung bakit siya nakuha ng mga lalaking iyon, okay?" Tumingin siya sa relo. May ilang oras na rin nang dukutin si Prin.
"gabi na ah, bakit hindi ka pa matulog? Saka mahal ang tawag sa ibang bansa di ba?"
"Ehh… na.. nami-miss na kasi kita e,” sabi nito sa kabilang linya. Parang dinala sa langit ang buong pagkatao ni Kai nang madinig iyon sa dalaga. Nakalimutan niya tuloy na malalim nga pala ang iniisip niya.
"Hmm… I miss you too.” 'kung alam mo lang Bella na hindi nga ako makapaghintay na makita ka.' Pero hindi niya masabi sa babae na nagkakaproblema nga siya sa mga oras na iyon dahil kailangan niyang mag-focus at mag-isip ng mabubuti kung ano ang tamang desisyon.
"Bella… ngayon na malayo tayo, are you still willing to wait for me?"
"Why not? W-wala ka na bang planong bumalik? Are you... breaking up with me?" Nahalata niya na nataranta ito sa kabilang linya.
"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. what I mean, are you still willing to wait for me? Paano kung inabot ako ng taon bago mo ako makita?"
"At least makikita pa rin kita. Panghahawakan ko kung sasabihin mo sa'kin na babalik ka." Napangiti si Kai.
"Huwag kang mag-alala because I will find ways na parang 'Bangko de Oro' to see you kahit buwan buwan pa, dahil hindi ko kakayanin na hindi ka makita."
"Ahmm… wait lang!"
Akala ni Bella ay na-mute niya ang tawag. Bigla na lang siyang tumili sa kabilang linya dahil sa sobrang kilig. Kumunot ang noo ni Kai at napatayo bigla. Muntik na siyang mag-alala pero nakabalik naman agad ang nobya niya sa linya
"Ehem! Nice to hear kung ganoon,” sabi lang nito sa kabilang linya.
They are both smiling na parang tanga sa magkabilang bahagi ng mundo.