NAGHIWA-HIWALAY ang mga Dark Guards nang makarating sa palapag kung nasaan ang ballroom.
"You, MB35, South Door 1. MB16, South Door 2. GW0025, east Door 3…" at binanggit ng isa pang leader kung saan poposisyon ang iba pang Dark guard.
Nabanggit na ni Cobra ang bawat pintuan ng yate habang nasa ibabaw sila ng truck.
"Huwag nating hayaan na may makalabas ng Ballroom kahit sino bukod kay Leader Kai, Okay!" pagkasabi nito ay nagsipagtakbuhan na ang lahat kung saan sila poposisyon.
Gayunpaman, may mga parokyano nang nakalabas mula sa loob at hindi na nila ito napigilan. Nagkakagulo ang mga ito dahil sa gulong naganap sa loob. Iba-iba ang mga taong lumabas mula sa loob. May naka-underwear, naka-formal suit at gown. Hinayaan na lang nila dahil wala naman sa mga ito ang pakay nila sa gabing iyon kung hindi ang tatlong mastermind ng sindikato.
Samantala, si Major Jaime ay nanggigigil. Naghiwa-hiwalay silang tatlo nila Hitomi dahil kailangan niyang makuha ang case sa cabin niya kung saan naroon ang lahat ng natitirang drug pills na hindi pa naipapamahagi sa mga tulak.
Sa ilalim o sa basement ng yate, parehas ang pakay ng grupo ni Zuki kaya iniisa-isa nila bawat cabin. 35 rooms ang lahat ng nasa basement at dahil mapa lang ng yate ang nakuha nila mula kay Cobra, kailangan nilang isa-isahin ang lahat ng kwarto.
Sa Ballroom hall naman, magkatalikuran si Prin at Cally dahil naubusan na sila ng bala at ganoon din ang limang tao ni Major Jaime na nakapalibot sa kanila at pare-parehas na patalim ang hawak.
"Honey, 'yung slit ng gown mo ay sobrang sira na," puna ni Cally sa likuran.
Hindi alam ni Prin ang isasagot, nagagawa pa nitong pansinin ang kasuotan niya. May suot naman siyang maiksing cycling na itim na kita na dahil umabot na sa bewang ang slit ng gown niya. Masakit na rin ang paa ni Prin dahil sa takong na suot.
Kapwa maaangas ang lima at ilang saglit lang ay sabay-sabay na nagsisuguran ang mga ito sa kanila.
"Wrahhhh!" angil ng mga ito.
Winasiwas ng isa ang patalim na hawak kay Cally, hinuli naman nito ang kamay na may patalim saka binali ang braso gamit ang tuhod. Tinulak niya ito sa dalawa pang kasama na pasugod din sa kanya. Nang makabawi ang tatlo, sabay-sabay na sumugod muli ito sa kanya.
Si Prin sa likuran ay pinatid ang isang lalaki, nang mapahiga ay tinapakan niya ito sa dibdib tapos diretso siya na sumampa sa balikat ng isa pang kasama nito at niyakap ng mahigpit ang ulo nito na parang bola. Nagkakawag ang lalaki at pilit siyang pinatatamaan ng patalim. Nadaplisan siya nito sa binti kaya nagkaroon ng 2 inches na guhit ang binti niya.
"yahhh!!" she growls.
Pinilit niyang pigilan ang kamay nito gamit ang isang kamay habang iniipit ng mga binti niya at isa pang braso ang leeg nito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito patungo sa tenga ng lalaki. Nagtatagisan sila ng lakas
Nang makabawi ang isa pang lalaki, tumayo ito at tumungo sa kanila. Ubod-lakas niyang sinipa ito para matumba muli ito.
Pinilit na yumuko ng lalaki para mahulog si Prin sa balikat nito. Umikot siya sa ibabaw ng lalaking iyon paharap saka ito sinuntok sa panga para mawala ito sa balanse. Narinig niya na nabasag ang ilang ngipin nito kaya nagdugo ang bibig ng lalaki. Saka siya gumulong pabaliktad.
Sumugod naman sa likuran niya ang isa pa at niyakap ang leeg niya. Naaamoy niya ang mabahong hininga nito na halos masuka na siya sa amoy.
"Kinalimutan mo pa ang mag-toothbrush. Yahh!!"
Nanggigigil na hinablot niya ang balikat nito para i-one sided back throw . Nakadagdag sa inis niya ang pulang sapatos na may takong kaya hinubad niya iyon at pinukpok sa ulo ng napahigang lalaki. Nawalan na ito ng malay pagkatapos.
Hinihingal na si Prin na hinarap ang isa pa, may nadampot siya patalim sa lapag kaya kinuha niya iyon. Nag-aapoy na ang mata niya at gusto niya nang tapusin ang laban para mahabol ang demonyitang si Hitomi.
Ipinilig niya pa ang ulo sa kanan at kaliwa saka umabante patungo sa isa pang lalaki. Inilagan niya ang patalim na hawak nito saka niya tinusok ng patalim ang leeg ng lalaki. Sumirit agad ang dugo mula sa leeg nito.
Nakita niya si Cally na tapos na rin ito sa tatlo pang lalaki. Hinagis niya ang nag-iisa pang sapatos sa sa kung saan saka sila lumabas ni Cally sa pintuan kung saan din lumabas ang tatlong 'big time'.
Naghiwalay sila ni Cally nang makalabas sa ballroom. Sa pagtakbo ni Prin nakita niya ang Daddy niya sa hallway na nakabantay kay Hitomi. Nasa kabilang bahagi si Kai habang bitbit si Bella para ma-corner ang babae. Parehas na nanlilisik ang mata ni Rob at Kai habang nakangiti nang may pagka-demonyita si Hitomi.
"Hmm. ha ha ha!" parang demonyita talaga na tumawa ang gurang na babae.
"Wala ka nang malulusutan, kaya ba tumatawa ka na lang?" sarkastikong tanong ni Kai dito.
"Tsk tsk! No, no, no Second Young Master. I am just happy to see you rescuing your girlfriend," nakangiting sagot nito. Alam ni Prin na may pagka-lunatic ang babaeng nasa harapan nila at alam niya na may tinatagong patalim ito sa binti o kung saan man.
"So, you knew she was my girl and you still dared to touch her?" matalim ang tingin ni Kai dito.
"Ayoko sana e, but Miss Su-wei asked me to sell her tonight," pagbibigay-alam nito. Nakatingin pa sa naka-manicure na mga kuko si Hitomi na parang walang pakialam kahit mamatay ito doon.
Natigilan si Kai nang malaman na may kinalaman ang Mommy niya sa nangyari na iyon kay Bella.
NATIGILAN si Kai sa nadinig. Humigpit ang kapit niya kay Bella na nanatiling tulala. Sa dinami-rami ng taong pinagkakatiwalaan niya, hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng Mommy niya.
Naramdaman ni Prin na may tao sa likuran kaya hinila niya ang fire extinguisher na nakasabit sa pader. Pinaputukan sila ng dalawang babae na nakita niya na bodyguard ni Hitomi.
Naging daan naman iyon kay Hitomi para makakuha ng tiyansa na makalusot kay Kai na natigilan. Dumaan pa ang babae sa kanya nang nakangisi.
"Ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Rob saka sumunod kay Hitomi.
Tumango lang si Kai pero sumunod siya kay Rob para mailabas din si Bella sa lugar.
Nangigigil si Prin na lumapit sa dalawang babae ginamit niya ang fire extinguisher para masalag ang mga bala na pinapaputok nito sa kanya. Nabutas na ang lagyanan ng bitbit niya kaya may lumalabas ng malamig na puting hangin (nitrogen) doon. Nang makalapit sa mga ito ay sinampal niya sa mukha ng isa ang lagyanan kaya tumabingi ang mukha ng isang babae. Saka niya tinalon ang isa pa at pinigilan ang kamay nito na may hawak na armas. Mabilis niya itong tinulak sa pader.
Hawak-hawak niya ang kamay nito na pilit na itinututok sa kanya ang baril na hawak at pinipigil naman ng braso niya ang dibdib ng mukhang sanggano na babae. Nagpaputok ito at tumama iyon sa kisame. Ilang beses pa itong nagpaputok ng baril at kapwa sila nangigigil sa isa't-isa. Binigyan niya ito ng headbutt sa noo.
Bumangon naman ang isa pang babae at hinimas ang tumabinging panga saka muling sumugod. Naramdaman niya iyon sa likuran kaya pilit niyang itinutok ang hawak na baril ng pinipigilan niyang babae dito.
*bang!* tinamaan sa noo ang bagong tayong babae.
"Tapusin na natin ito!" angil sa sabi niya.
"wrahhhh!!!"
Siniko niya sa mata ang babae saka niya hinampas ang ulo nito sa kabilang pader at nangigigil na tinulak pasulong ang mukha nito sa pader. Saka niya hinampas muli ang ulo nito sa kabila pang pader. Nawalan ng malay ang babae.
Hinihingal si Prin pagkatapos. Dinampot niya ang baril nito saka tumakbo siyang muli pasunod kay Rob.
Si Cally sa kabilang banda ay walang kahirap-hirap na nahuli si Mr. Sy.
Si Kai naman ay bitbit si Bella na palabas na ng yate. May mga kasabay siyang ordinaryo na nagsisipagtakbuhan palabas pero hindi na niya pinansin pa ang mga ito. Ang nasa isip ni Kai ay ilayo ang nobya niya sa lugar.
Wala siyang pakialam kung masuspinde siyang muli dahil iniwan niya ang misyon.
"I'm going guys, ihahatid ko na si Bella," sabi niya. Bago pa niya marinig ang reklamo ng mga kasama, tinanggal niya na ang ear piece at hinagis iyon sa dagat.
Halo-halo ang nararamdaman ni Kai sa mga oras na iyon habang naglalakad sa madilim na bahagi ng port na bitbit si Bella. Sama ng loob, pagkainis, awa at pagkamuhi ang nararamdaman niya.
Malapit na siya sa motor na gamit nang madinig niya sa unang pagkakataon si Bella.
"Kai…" mahina at namamaos na tawag nito.
Huminto siya saglit ay nilapag si Bella sa semento. "Yes , My Angel?"
Nakita niya na nagluha ang mata nito. "I'm... thirsty..."
Nakaramdam siya ng awa sa nobya.
"Hahanap ako ng tubig for you. Saglit lang ha." Inikot niya ang paningin. Naalala niya na may tubig ang van na gamit ni Cobra, kaya bitbit si Bella ay dinala niya ito doon. Laking pasalamat niya at hindi na-lock ni Cobra ang van.
Pag-aari iyon ni Rob na konektado sa computer ni Mat-mat. Nasabi na sa kanya ni Prin na may mga armas ang sasakyan na iyon.
Dahan-dahan niyang inupo si Bella sa likurang bahagi ng sasakyan saka naghanap ng tubig sa loob ng van.
"Here," tinapat niya sa bibig nito ang tubig pero hindi nito mainom ng maayos.
Wala siyang choice kun’di inumin ang tubig saka isalin sa bibig nito iyon. Napansin niya na nakakabawi na ng lakas ang dalaga at hindi na tulad ng una na tulala lang ito na parang hindi siya nakikita.
"Matamis ang tubig..." komento nito.
Hindi napigilan ni Kai na halikan ang nobya niya sa mas malalim na paraan.
Hindi niya alam kung ano ang pinakain sa kanya ng babaeng ito at kaya niyang iwan ang misyon ano mang oras na hindi niya pa nagawa sa ilang taon niya bilang Dark Guard. Bella is like a beautiful potion who brings happiness inside his heart.
Ilang buwan pa lang sila na magkasama pero alam niya sa sarili niya na wala nang ibang Bella pa na dadating sa buhay niya. Kaya niyang iwan ang posisyon niya bilang Leader ng Dark Guard o kahit ang tagapagmana ni Master Chen para sa babae.