Chapter 3
GK's POV
Napaatras ako nang bigla akong yakapin ni Gael. Nakatingin lang ako sa kanya. Pagkababa ko pa lang ng sasakyan, bigla niya na akong niyakap.
"Congratulations, Kuya GK! Engineer ka na?" Ngayon ang araw ng pagtatapos ko sa Guavas University. Wala na ang mga kaibigan ko — nagsimula na silang magpaalam, may kanya-kanya silang lakad.
"Sabihin mo, lumayo ka sa akin." Ngumiti lang si Gael habang hinihila ako papasok. Sinunod ko na lang ang kalokohan niya. Pagpasok namin sa loob, napatigil ako sa sobrang gulat. Hindi ko inaasahan ito. Simple lang ang gusto ko — party kasama ang pamilya. Kaya pala ang weird ng kilos ni Gael kanina. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ayaw nila akong pakawalan agad. Tiningnan ko si Gael, tuwang-tuwa siya.
"Congratulations, GK!" Nabingi ako sa mga sigawan nila. Nandito pati mga pinsan ko. At laking gulat ko nang makita ko ang mga magulang ko — masasabing milagro ang pag-uwi nila. Si Lolo lang kasi ang palaging dumadalo sa mga importanteng event namin, siya lang talaga ang laging nandiyan para sa amin.
"Ang tanga mo, Kuya. Hindi ka man lang nagulat, wala ka man lang reaction," sabay akbay ni Gaeri sa akin.
"Tsk. Babatukan kita." Hanggang ngayon, sakit pa rin sa ulo ang isang 'to. Paano ako magiging masaya? Sinabi ko na sa kanila na ayoko ng party. Paulit-ulit ko nang sinabi, ayoko ng ganito dahil plastik lang ang mga tao. Nakilala ka lang dahil anak ka ng mayaman, at lumalapit lang kung may kailangan.
"Oh siya, kain na tayo. Mukhang gutom na ang Kuya GK mo." Nakatingin lang ako kay Mommy. Sigurado ako, siya ang nagplano ng lahat. Hindi na ako magugulat kung may business guests din siya dito. Tumahimik na lang ako, bored na rin. Wala na rin akong magagawa, nangyari na.
"Maligayang graduation, anak." Dumating na rin si Daddy at binati ako. Tiningnan ko lang sila, napabuntong-hininga. Kaya nga hindi ko sinabi sa kanila. Alam ko kasing ganito rin ang kalalabasan. Hindi rin naman ako pinakinggan ng mga kapatid ko, ginawa pa rin nila ang gusto nila.
"Apo! Ang lalim ng iniisip mo." Nagulat ako nang biglang humarap si Lolo sa akin. Kinabahan na naman ako. Isa lang naman ang madalas na paksa niya: ang mag-asawa at bigyan siya ng apo.
"Lo," ‘yon lang ang nasabi ko. As much as possible, ayokong masira ang araw ko, parang wala silang pakialam sa nararamdaman ko.
"Naghihintay na sila sa loob." Sa huli, sumunod na lang ako kahit ayaw ko. Pinalaki kasi kami na hindi bastos, kaya hinarap ko na lang ang mga bisita. Umupo ako sa tabi ni Gaeri. Seryoso silang lahat, lalo na si Lolo na pasulyap-sulyap sa akin. Kinabahan ako, alam ko na naman kung saan papunta ‘to.
"Apo, kailan ka mag-aasawa?" Nakakunot ang noo ko, nakatingin sa kanila habang nagtatawanan ang mga pinsan ko.
"Lo, tamang-tama, graduate na rin si Kuya. Mukhang paghahanap ng girl ang aatupagin niya." Sa inis ko, binatukan ko si Gaeri. Gago talaga 'to, gagatungan pa ang kalokohan ni Lolo. Kaya ayoko ng ganitong set-up.
"Lo, tingnan mo si Kuya, nanakit!"
"Well, kung ikaw kaya ang mag-asawa at bigyan mo si Lolo ng apo?"
"La! Bakit ako? Hindi pa nga ako tapos. Tsaka ang dami ko pang pangarap sa buhay," sabay kindat pa ng gago sa akin.
"Isipin ko tuloy, Kuya GK, baka bakla ka," dagdag pa ni Gael. Kailan ba nila ako titigilan? Mukhang kailangan ko na patulan ang sinasabi ni Jake. Tama, aalis ako nang hindi nila alam. Gusto kong mabuhay na walang gumugulo sa akin. Isa rin itong paraan para mahawakan ni Gaeri ang negosyo namin. Kahit gago siya, maaasahan naman — ‘wag lang madadala sa barkada. Bata pa kasi mag-isip minsan.
"Anong ginagawa mo? ‘Wag mong madaliin ang kapatid mo. Kain na tayo," sabay kindat ni Daddy sa akin. Kami lang ni Daddy ang medyo magkasundo, pero wala rin kaming oras magkasama dahil abala siya sa negosyo. Kaya ako ang napapasa-stress sa mga kapatid ko. Dagdag pa si Lolo, na araw-araw walang ginawa kundi paalalahanan akong maghanap ng mapapangasawa.
Kumain lang kami, habang busy ang mga magulang ko sa usapang negosyo. Nagpaalam na ako pagkatapos, pumasok sa kuwarto, at nagbihis ng pambahay. Habang nakatingin sa langit, iniisip ko pa rin ang plano ko. Nakakabaliw kasi, lalo na’t binigyan ako ni Jake ng bagong iniisip.
Sa haba ng iniisip ko, napagdesisyunan ko na aalis ako pagdating ng exams. Malalim ang iniisip ko nang biglang may tumawag. Tiningnan ko ang phone ko. Si Jake.
Problema na naman. Minsan naiisip ko na hindi gagawin ni Jake ang isang bagay nang walang dahilan. Sanay na ako — bigla na lang mawawala, tapos bigla rin magpapakita. Ilang beses na niya ‘tong ginawa.
Sinagot ko na lang ang tawag.
"Wazzup, men."
"Anong wazzup, bakit ang ingay?" Huwag niyang sabihing nasa galaan siya.
"Gago ka ba? Nauntog ba ulo mo? Graduation na natin, ‘di ba? Celebration with my family and relatives. You know, I called because I was worried about you."
"Bakit naman?" Napakunot lang ang noo ko sa sinabi ni Jake. "Gago, lasing ka ba?" ‘Yun lang ang nasabi ko. Sabi niya, nag-alala siya sa akin. Inulit ko pa sa isip ko.
"I'm not drunk, GK. May lasing ba na 10 p.m. pa lang? Nagsisimula pa lang magsaya." Napatingin ako sa relo ko. Malalim na ang gabi. Parang ang dilim sa paningin ko.
"So, bakit ka napatawag?"
"Gago, kilala kita. Anong ginawa sa’yo ng lolo mo?" Natahimik ako sa sinabi ni Jake. Parang kilala na kilala niya ako.
"See? Sabi ko na! Mag-isa ka yata ngayon sa kuwarto mo. Tinakasan mo sila! Hindi ka humarap sa mga bisita ng magulang mo. Alam mo namang nasa tabi mo ang true love mo."
"Gago, tumawag ka para buwisitin din ako?" Tinawanan lang ako ni Jake.
"Kung ako sa’yo, sumama ka na lang sa akin. Masaya dito. I promise you'll enjoy it."
"Bakit mo gustong umalis?" Hindi ko napigilang tanungin siya.
"Gusto ko kasi mamuhay ng tahimik, tulad mo. Nakakasawa sa bahay. Lagi akong kinukumpara sa mga kapatid ko. Ang tanga ko raw. Basag-ulo raw ako." Nanahimik ako sa sinabi ni Jake. Ganyan kami kaastig noon — walang araw na di kami napapaway para lang maprotektahan ang sarili namin sa mga bully sa school. Habang siya, ang kambal niya ang laging pinoprotektahan niya, kaya sumama si Jade sa grupo namin kahit ayaw namin noong una dahil delikado para sa kanya. Pero nagpumilit siya para sa kapakanan ng kambal niya. Hanggang sa nabuo ang grupo namin.
"Ang tanga mo, hindi mo rin ba gustong maging malaya at mapag-isa?"
"Sino bang ayaw mag-isa? Malaya ka sa lahat ng galaw mo, wala kang bodyguard na kasama. Nakiusap ako sa magulang ko na bigyan ako ng pagkakataon mabuhay nang walang bodyguard."
"Bukas na lang tayo mag-usap?"
"Bakit, e nag-uusap naman tayo ngayon?"
"Personally. Ang hirap makarinig dito. Tsaka enjoy your day. Isa pa, hindi ka naman nila ikukumpara sa mga kapatid mo. Pinaaalala lang nila sa’yo ang buhay na gusto nilang tahakin mo." Para ba kay Jake ‘yon, o para sa sarili ko?
"Mukhang personal ang usapan natin." Narinig ko pang tumawa ang loko.
"Oo. Kaya wag kang maglasing, baka mauwi ka sa drama." Pang-aasar ko sa kanya.
"Gago. Baka ikaw pa ang mag-drama. Sabihin mo na lang, makikiramay kami sa’yo. Ano, tatawagan ko na ang mga tropa. Speaking of, nandito na ang mga loko. Ikaw lang ang wala. Punta ka na."
"Gago. Shut up. Pero seryoso ka bang aalis?" Narinig kong tumikhim si Jake. Parang may nakarinig sa usapan namin. Ilang segundo akong naghintay bago siya nagsalita. Papatayin ko na ang tawag, nang magsalita siya ulit.
"’Yun ang realidad, tanggapin mo na lang na hindi ka nila magugustuhan sa lahat ng oras. Ikaw ang paborito. May mga pagkakataon na iisipin mo ang sarili mo, pero ganito talaga ang buhay sa paningin nila."
"Sige, bukas na tayo mag-usap. Kailangan mong magpahinga, tanga. Tinamaan ka na." Tinawanan lang ako ni Jake. Hindi ko na hinintay na sumagot siya. Pinatay ko ang phone ko. Lalong gumulo ang utak ko. May isa pa akong problemang dapat isipin — problema ni Jake. Ayoko siyang makita na tumatakas sa masalimuot niyang problema. Hindi solusyon ang tumakas. Mag-eenjoy ba siya? Pero hindi ko rin pwedeng pakialaman ang buhay ni Jake.
Nabato ko ang unan sa inis. Hindi ako makahingi ng tulong sa iba dahil malalaman nila ang problema ni Jake. Ayokong pangunahan siya, tulad ng hindi niya pangungunahan ang buhay ko.
Kakausapin ko siya bukas. Tama, bukas. Kakausapin ko siya, at handa akong takasan ang buhay na kinalakihan ko. Gusto kong subukan ang buhay na hindi ko nakasanayan. Hindi sa ayaw kong ibunyag ang estado ko — gusto ko lang iparamdam sa kanila na hindi ako iba.
Sinampal ko ang sarili ko sa inis sa mga naiisip ko. Matutulog na sana ako nang may kumatok.
"Kuya, hindi ka ba lalabas? Hinahanap ka na nila sa labas. Hinihintay ka na ng mga pinsan natin. May ibibigay daw sila sa’yo."
"Masama ang pakiramdam ko, Gael. Pakisabi sa kanila, salamat." Ayoko lang talaga silang kausapin. Hindi naman kami gano’n ka-close ng mga pinsan ko. Sanay akong kasama ang tropa, kahit sa iisang university lang kami.
"Okay ka lang, Kuya?" Hindi ko pa nakikita ang mukha ni Gael pero ramdam ko na ang pag-aalala niya.
"Okay lang ako."
"Sige, Kuya. Magpahinga ka na. Huwag mo na isipin sina Lolo at Kuya Gaeri. Alam mo namang iniinis ka lang nila kasi alam nilang mabilis ka mainis. Kaya ka siguro nagkasakit." Ayoko nang magsalita. Ayoko nang pahabain pa ang usapan.
"Gusto mo, dalhan kita ng gamot?"
"Ininom ko na ‘yong gamot. Itutulog ko na lang." Kahit peke lang ‘yon, para lang umalis si Gael.
"Oh, sasabihin ko sa kanila na masama ang pakiramdam mo." Narinig kong humakbang palayo si Gael. Pwede na akong mag-artista — pinaniwala ko siya. Pero himala, hindi niya ako kinulit ngayon. Madalas kinukurot pa niya ang pisngi ko.
Kahit anong pilit ko matulog, hindi ko magawa dahil sa lakas ng kanta ni Gael sa labas. Sadyang pinalakas niya.
Isa pa, iniisip ko pa rin ang sinabi ni Jake — ang sarili niyang hangal na desisyon. Dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko. Matutulog na talaga ako.