Disclaimer: This is work of fiction, Names, characters, businesses, songs, places, event, and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons Living or dead, or actual events is purely coincidental.
copyright(c) 2024 by:@c_sweetlady
Feb 20 - June 14 , 2024
Chapter 1
Garien Klein' s Pov
Nagising ako sa lakas ng pagkanta ni Gael. Siya ay 17 taong gulang, ang aming nag-iisang babae at pinakabata. Bunso, pero kapag tinopak, wala kang ligtas. Minsan talaga, nakakasira ng umaga ang "power" ng singing voice niya. Rinig ng buong compound ang boses niya. Tinakpan ko na lang ng unan ang ulo ko. Antok na antok pa ako dahil sa dami ng papeles na tinapos ko kagabi — gawa pa ng kapatid kong si Gaeri Klein. Si Gaeri ang pangalawa sa aming magkakapatid, 19 taong gulang. Hindi ko inaasahan 'yung isa na 'yon. Akala mo kaibigan mo lang, pero kung ano-ano pinapagawa. Ako ang panganay sa aming tatlo. Magtatapos na ako sa kursong Civil Engineering.
"Kuya, bumangon ka na diyan. Hinahanap ka na ni Lolo," sigaw ni Gael.
Hindi ko siya pinansin.
"Kuya, ano ba! Galit si Lolo. Pinapatawag ka sa mansyon," dagdag niya.
"Puwede bang umalis ka na? Inaantok pa ako," sigaw ko. Ang kulit talaga.
"Kuya, ano ang sasabihin ko kay Lolo?"
"Wag ka nang sumagot," sabi ko.
"Sagutin mo. Bahala ka diyan," sabay bato niya ng phone sa akin.
Napilitan akong tumayo. Tiningnan ko siya ng masama. Sinagot niya pa talaga 'yung tawag. Minsan hindi ko maintindihan ang utak ni Gael. Tinawanan niya lang ako.
Kinuha ko ang phone at maingat na sinagot si Lolo.
"Ano, apo? Bakit ang tagal mong sumagot? Sabi ni Gael, may kadate ka raw kagabi kaya napuyat ka?"
Shit! Si Gael talaga.
Ano na naman 'tong kalokohan niya? Seryoso akong tumingin kay Gael, na parang walang pakialam.
"Sige, Lo... inaantok pa ako," iyon lang nasabi ko, kasi alam ko na kung saan mauuwi 'yung usapan.
"Apo, umaga na." Napa-hilamos ako. Paano ako makakatulog ng maayos kung may mga ganitong hadlang sa buhay ko? Itong dalawang kapatid ko, pati si Lolo, sumasabay pa.
"Aalis na ako," sabi ni Gael, sabay tingin ko kay Gael na paalis na rin.
"Inaantok pa ako," bulong ko, inis na inis ako sa pangungulit ni Lolo.
"Apo, bumangon ka na. May pag-uusapan tayo," sabi ni Lolo. Kinabahan ako sa salitang "pag-uusapan." Anong pakulo na naman 'to?
"Fine! Maliligo na ako," sagot ko, sabay end call.
Inayos ko ang higaan ko para hindi na asikasuhin ni Manang. Bumaba na ako at nadatnan ko silang nag-aalmusal. Paglapit ko kay Gaeri, binatukan ko siya. Sumakit lalo ang ulo ko sa kanila.
"Ang gago mo, Kuya! Ano bang problema mo?" reklamo ni Gaeri. Tinignan ko siya ng masama. Si Gael naman, tawa lang ng tawa.
"Umayos kayong dalawa," sabi ko sabay harap sa kanila.
Nagkatinginan sila at sabay sabi,
"Wow! Ayos na kami, Kuya Garien! Ikaw ang hindi maayos, Kuya GK."
Hindi talaga nauubusan ng palusot. Napatingin ako kay Gael. GK ang tawag nila sa akin — usually, mga close friends ko lang ang gumagamit niyan.
"Kailan niyo ba ako titigilan sa mga kalokohan niyo? Bubugbugin ko kayong dalawa. Tulog pa ang tao, napakalakas ng boses mo. Hindi ka naman singer!" sabi ko kay Gael.
"Alam mo, Kuya, tumatanda ka na talaga. Hindi ka na marunong makisabay sa trip namin. Sikat na sikat kaya 'yung kanta ko!"
Hindi ko na lang pinansin si Gael. Napatingin ako kay Gaeri Klein, na abala sa pagkain at wala talagang pakialam.
"Anong balak mo ngayon?" tanong ko kay Gaeri, habang hinihintay ko siyang sumagot.
"Wala akong tulog," sagot niya, sabay tawa. Loko talaga.
"Anong oras ka ba nakauwi? Tulala ka diyan. Samahan mo ako, pupuntahan natin si Lolo."
"La! Ikaw lang ang pinapapunta doon, hoy! Idadamay mo pa ako. At isa pa, wala pa sa plano ko ang mag-asawa agad. Sa ating dalawa, ikaw ang panganay. Bigyan mo na kasi si Lolo ng apo para hindi ka na niya kinukulit," sagot niya.
Wala talaga akong mapapala sa mga kapatid ko. Nasaan na kaya ang mga magulang namin? Dapat sila ang gumagabay sa dalawang pilyong 'to. Nai-stress ako sa kanila araw-araw, kahit wala naman silang ginagawa kundi buwisitin ako.
"Sasama kayong dalawa," utos ko.
"Wag kami, Kuya. Sa pagkakaalam ko, ikaw lang ang pinapapunta ni Lolo. Ikaw kasi ang paborito niyang apo," sabay tawa nilang dalawa. Naiinis ako kay Gael.
"Tama. Kung sasabihin kong hindi ko kayo bibigyan ng mana?" pananakot ko.
"Whatever, Kuya. At least libre kami ni Gael. Sayo na 'yang mana ni Lolo, basta 'wag mo kaming kulitin," sagot ni Gaeri.
Ito ang gusto ko sa mga kapatid ko. Kahit parang wala silang pakialam, tinuro sa amin ng mga magulang namin na bawat sentimo ay mahalaga. Kahit maluho ang dalawa, hindi sila 'yung tipong humihingi. Hinihintay lang nila kung ano ang ibibigay sa kanila. Pero ngayon, kanya-kanya na sila. Si Gael, nadestino sa farm ni Lolo, habang si Gaeri ay nagtatrabaho sa isang kumpanya — GK Company.
Tahimik lang siya, abala sa pagkain, parang walang pakialam sa paligid.
Tahimik din ako hanggang sa umalis silang dalawa. Tinapos ko ang kinakain ko, tapos bumalik ako sa kuwarto para maligo. Pagkatapos, nagbihis agad ako. Napatingin ako sa relo ko, sabay mabilis na inayos ang gamit ko. Sa lalim ng iniisip ko, nakalimutan kong may lakad pa pala ako.
Nagmamadali akong pumunta sa mansyon ni Lolo.
Si Lolo, mag-isa lang nakatira. Kahit anong pilit ng mga magulang ko, ayaw niyang sumama sa kanila. Matigas ang ulo. Sabi nila, nagmana raw ako sa kanya. Sentimental si Lolo sa mansyon na iyon dahil marami raw magagandang alaala kasama si Lola. Ang tanging kasama niya ay mga kasambahay, na matagal nang tapat sa kanya. Mabait sila, kaya kampante kami na alaga siya.
Pagdating ko, hinanap ko agad si Lolo. Pinuntahan ko siya sa likod ng mansyon, kung saan madalas siyang tumambay sa ilalim ng malaking puno. Tahimik lang akong nanood sa kanya.
"Lo," tawag ko. Lumingon siya.
"Oh, apo, nandiyan ka na pala." Lumapit ako sa kanya.
"Nakikita mo ba ang paligid?" tanong niya. Kumunot ang noo ko.
"Mga dahon 'yan. Nakikita mo ba? Tingnan mo sa ibaba."
Ang gulo ni Lolo. Ano bang kinalaman ng dahon dito?
"Ganyan kami. Kusa na lang kaming nagpaparaya. Matanda na kami, hindi na kailangan diktahan. Parang ikaw, lumalaki na may sariling desisyon sa buhay," paliwanag niya.
"Ayos lang bumitaw, kasi pinalaki tayo na may pangarap. Hindi ibig sabihin na ang pagbitaw ay para maging malaya. Minsan, ang pagpapaubaya ay para matuto. Kahit mahirap, pinapahalagahan," sagot ko.
"Yan ang gusto kong marinig sa 'yo, apo. Pero, apo, may gusto akong itanong."
"Ano 'yon?"
"Naranasan mo na bang magmahal?"
"Bakit mo tinatanong?"
"Gusto ko lang na magkaroon ng apo na aalagaan," sabi niya.
Sabi ko na, ito na naman. Paulit-ulit na lang.
"Wala pa 'yan sa isip ko. Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yo na hindi pa ako handa? Wala pa akong natatagpuang babae na mamahalin ko."
"Apo, kung ipakikilala mo ako sa isang magandang babae, ibibigay ko sa 'yo ang mansyon na ito, at ikaw na ang mamamahala sa resort sa Paraiso. Pero may kondisyon ako. Hindi niya dapat malaman ang tunay mong pagkatao. Para malaman natin kung karapat-dapat siya sa 'yo."
"Lo, hindi ako sang-ayon sa sinasabi mo." It's unfair na hindi niya malalaman ang pagkatao ko. Ito ang magiging dahilan ng paghihiwalay namin, kung mangyari man 'yon. Parang wala akong tiwala sa kanya."
"Apo, ito lang ang paraan para makilala mo siya nang tunay."
"Hindi! Hindi ako papayag sa kasunduan mo. Sa ibang tao mo na lang ipilit. Hindi lang naman ako ang apo mo. Kung mahal ko, hindi ko hahayaang hindi niya malaman ang totoo kong pagkatao. Isa pa, hindi tama na husgahan ko siya agad."
Tinalikuran ko na si Lolo. Oo, bastos kung bastos, pero ayoko talagang pangunahan ako, lalo na pagdating sa buhay ko. Ayokong dinidiktahan kung anong dapat kong gawin.
Habang paalis ako, biglang may tumawag sa akin.
"Wattzup," bungad niya, walang ka-hello-hello.
"Anong ganap?" ‘Yon lang ang nasabi ko.
"Ico-confirm ko lang, may grupo na gustong pabagsakin tayo."
"Teka! Ano?" Nagulat ako sa narinig ko. Apat na taon na pala mula nang tinalikuran ko ang buhay ko noon sa school. Ngayon, iba na ako — mas seryoso na sa buhay mula nang ibigay sa amin ng mga magulang namin ang responsibilidad. Dati, easy-go-lucky lang ako. Wala akong ibang inatupag kundi makipagbugbugan sa kapwa gangster. Pero ngayon, maririnig ko na naman 'to? Pilit naming tinakasan noon ang madilim na mundong 'yon.
"Gago, nasaan ka ba?" tanong ko.
"Hindi ko alam kung nasaan ako."
Huminto ako sa gilid ng kalsada at tumingin sa paligid. Habang nagmamaneho, nakarating ako sa isang lugar na hindi pamilyar. Nakaramdam ako ng gutom, at nang tingnan ko ang relo ko, halos 1 p.m. na. Lalo lang akong nainis dahil sa paulit-ulit na pangungulit ni Lolo. Gusto ko sanang magpahinga ngayon, pero nakakainis talaga ang mga kasama ko. Hindi ko alam kung sinasadya nilang asarin ako o gusto lang talaga nila akong mabadrip.
"I just said I don't know," ulit ko, sabay tingin sa paligid.
"I think I already know. Hindi ko na itatanong kung anong nangyari," sabi niya pa.
"Tsk!" ‘Yon lang ang naisagot ko kay Jake.
Si Jake Apple, siya lang talaga ang pinagkakatiwalaan ko sa tropa. Sa pito naming magkakaibigan, siya lang ang totoo kong kasama. Yung iba, busy sa love life at business. Binigyan din sila ng mga magulang nila ng responsibilidad para sa kinabukasan nila. Kaya nga kahit magkasama kaming nag-aral sa isang university, ngunit tatlo sa amin ay nasa ibang exclusive school na ngayon. Simula nang magkagulo noon, nagkasundo ang mga magulang namin na paghiwalayin kami.
"Oh siya, bilisan mo diyan. Punta ka dito," utos ni Jake.
"Bakit?"
"Ano, bakit?!"
Napailing na lang ako. Alam ko na agad ang iniisip ng lokong 'to.
"No! I need to rest. Kita na lang tayo bukas sa school," sagot ko para matapos na ang usapan namin. Wala pa akong planong kausapin sila. Nangako ako sa sarili ko na babaguhin ko ang buhay ko, at hindi ko hahayaang sirain nila ito.
"Gago, huwag ka nang mag-alala," sagot niya.
"Jake, wala tayong gagawin. Hayaan mo sila. Alam mo namang hindi sila mananalo sa atin. Dapat tanggapin na lang nila na talo na sila," sagot ko sabay end call. Hindi ko na siya hinintay magsalita. Kilala ko si Jake — mainitin ang ulo, laging nagmamadali, walang iniisip.
Nagpatuloy ako sa pagmamaneho. Hindi ako umuwi. Alam kong hindi nila ako titigilan. Kaya dinala ko ang sarili ko sa paborito kong lugar — kung saan ang maririnig mo lang ay huni ng mga ibon. Ang sarap ng hangin.
May nakita akong malaking puno na puwede kong sandalan. Pinikit ko ang mga mata ko, hanggang sa nakatulog ako.