Chapter 2 - Her Weird Dream

2772 Words
Mabilis lumipas ang mga oras at uwian na. Nanggigigil si Steph sa inis dahil lagi siyang naiisnob ni Jay kaya laging siyang gumagawa ng paraan para mapapalapit lang nito. Kaya noong makita niya nagiimpake ito ng gamit, “Hi Jay, kumusta naman ang unang araw mo dito?” sabay hawak ni Steph  sa braso nito. “Sana magustuhan mo ang mga tao dito kahit hindi ganun kagaling magsalita ng Tagalog.” Nailang naman si Jay sa iginawi ng babae kaya kinuha niya ang kamay nito na nakalambitin sa braso niya. “Of course! It was all good. I think language wouldn’t be a problem besides I can understand and speak Visayan a little. Well, thank you for your concern but I really have to go,” sabay dampot sa mga gamit at umalis na agad. “Jay, wait up! Baka naman gusto mong itour kita sa buong campus bago umuwi. Maaga pa naman eh…hey!” dere-derecho parin si Jay kaya inis na inis si Steph. “Kainis! Hindi man lang lumingon ang mokong! May araw ka rin sa akin lalaki ka! Hindi kita titigalan hanggat hindi ka mahuhulog sa akin,” sabay evil grin niya. At sa kabilang banda, si Cissie ay naunang umalis ng hindi man lang nagpa-alam kay Jay dahil naisip niya baka magkaroon ng maling impression siya sa lalaki. Nagmamadali din siya dahil marami pa siyang gawain sa bahay na pinagtatrabahuan niya. Habang naglalakad sa kalye ay may biglang kumalabit sa balikat niya. “Ay kabayo! Ano ka ba? Papatayin mo ata ako sa gulat eh. Akala ko hold-uper na,” habol-hininga niya. “Patay agad? Hindi ba puwedeng himatay muna?" natawa pa ito sa sinabi ni Cissie. "Sorry naman. Nakita kasi kitang seryosong-seryoso sa paglalakad. Ni hindi mo nga napansin na tumatawag ako sa'yo eh,  kaya ginulat kita,” ang depensa ni Jay. “Pasensiya na, marami kasi akong iniisip na trabaho pagdating ko. Marami pang assignments kaya minsan nawawala ako sa ulirat sa kakaiisip kung alin ang uunahin ko. Eto pa, may upcoming rehearsal pa. Hay naku, kailan pa kaya ako makakapagrelax? Hindi kasi ako ipinanganak na mayaman,” linitanya niya. “Akala mo ba walang problema ang mga mayayaman?—Meron! Namomroblema sila Kung paano nila ubusin ang pera nila,” nagbiro si Jay. “Ay ikaw talaga oo! Akala ko pa Naman tahimik ka. Kasi kanina hindi ka man lang nakikipag-usap sa ibang classmates natin, iyon pala kalog ka din. ” “Not really, tahimik talaga ako at namimili ako ng mga taong kinakausap ko. Puwede naring kalog, pero sa mga close friends ko talaga. I seldom give attention sa mga taong papansin.” “Oh really, mukhang ironic naman ata. Kasi sa mga tipong gaya mo na mayaman at may hitsura, mukhang 'di makatutuhanan.” “Hindi ah! If you would know me, you would definitely like me.” “I’m sorry?” nashock si Cissie sa sinabi ng binata dahilan para hindi niya mapigil ang bilis ng pagtibok ng puso niya. “Whoa, I mean, you would like me as a friend. Ikaw naman oh, sensitive masyado. By the way, malapit na pa la ang bahay namin. Diyan lang sa tabi ng tennis court, ikaw?” “Ah malapit lang din ako, diyan lang sa kasunod ng street niyo. O paano, sa unahan pa ako. Nice meeting you uli.” “Nice meeting you too. Mabuti magkalapit lang pala tintirhan natin. Hindi tayo magkakaproblema sa rehearsal dahil puwede kitang puntahan sa inyo.” “Naku, hindi pwede, magagalit amo ko. Bawal akong magtengga-tengga baka tuluyan na akong palayasin,” “Hindi iyan, magpapaalam naman tayo sa kanila at hindi naman lagi tayong tutugtog eh. Kaya ko na ‘yang maniobrahin.” “Bahala ka, sabi mo eh. Try mo lang para ikaw din ay maisasabit ng amo ko sa ceiling. O siya, bye na,” paalam niya dito. “Kalog ka rin eh, sige na nga. Bye! See you tomorrow,” nakangiting wika nito. Hindi naman maiwasang ngumiti ni Cissie habang naglalakad. Hindi niya mawari’y kung bakit siya nakangiti. Dahil ba sa biro niya dito o sa moment na nagkasabay sila sa pag-uwi? First time lang nangyari sa buhay ni Cissie na may kasabay siyang lalaki pag-uwi at hindi niya maitatangi na nagenjoy siya dito. Hindi niya alintanang nasa harapan na pala siya ng pinto at nauntog siya dahil hindi niya napihit ang door knob. “Aw! Ang sakit naman!” “Kung 'di ba naman tanga eh! Alam ko ang ngiting iyan ah! Sige, magtanga-tangahan ka sa lalaki at kapag mabuntis ka’t iwanan, sa kangkongan ka pupulutin,” ang mataray na wika ng Mayor-doma-to be. “Buntis agad? Hindi niyo pa nga po alam kung bakit ako nakangiti eh. Ang judgemental niyo naman.” “Ako pang lolokohin mo! Papunta ka pa lang, pabalik na ako. Sa edad kong 'to? ang dami ko ng karanasahan sa buhay at marami ka pang kakaining big...” “Halata naman po eh, dalagang ina,” bulong niya. “Ano ka’mo?” galit na wika ng Mayor-doma-to be. “Wala po, sabi ko ‘hindi naman eh’..salamat po sa paala-ala.” “Bilisan mo’t makapagluto ka na at marami ka pang plantsahin. Pauwi na ako, bahala ka na rito.” “Sige po.” Ang buhay ni Cissie ay umiikot lang sa eskuwela-trabho, trabaho-eskuwela. Ni hindi man lang siya makakapamasyal kung saan-saan. Tuwing umaga, madaling araw siyang nagigising para magluto at maglinis, pakatapos magpakain ng matanda bago siya papasok. Umuuwi din siya tuwing tanghali para tumulong sa kusinero at maglinis. Kinahapunan pagkatapos ng eskuwela ay tumutulong uli siya sa paghahanda ng hapunan at pagkatapos ay mamamalantsa. Madalas makagagawa siya ng mga assignments at projects niya mga 9 pm na kaya inaabot siya ng mga 12am bago makapagpahinga. Kung hindi lang sa pagnanais niya na makakapagtapos ng pag-aaral dahil sa hirap ng buhay, baka hindi na siya magtatagal sa bahay na iyon. Makakayanan niya ang trabaho pero ang hindi niya makayanan ay ang malademonyong ugali ng amo niyang beteranong sundalo. Kung tratuhin sila ay parang mga kadete at laging nalolow moral. Gayunma’y naging iba ang araw niya ngayon. Kung dati’y laging siyang naiinis tuwing uwian, pero ngayon ay hindi niya maipaliwanag ang saya na raramdaman niya. Hindi niya napansing 11pm na pala. “Huwag kang kikilos kung ayaw mong mamatay!” ang matigas na sabi ng lalaking nasa likuran niya. “H-huwag po. Wala akong perang maibigay sa inyo, working student lang po ako,”  mangiyak-ngiyak na wika ni Cissie. “Alam ko! Hindi naman pera ang habol ko sa iyo eh. Huwag ka na lang papalag kung ayaw mong mapaaga ang kamatayan mo. Sumakay ka sa kotse!” sabay piring ng lalaki sa mga mata niya. “Saan niyo po ako dadalhin? Maawa naman po kayo sa akin, marami pa akong kailangan gawin, may tita pa akong hindi ko pa nakikita. Maawa na po kay o,” pagmamakaawa niya. “Huwag ka ng maraming satsat, malalaman mo rin kung makarating na tayo dun. Masyado kang maingay. Tumahimik ka!” Walang magawa si Cissie kundi umiyak nang umiyak dahil sa kawalan ng pag-asang makatakas. May kalayuan na ang tinakbo ng kotse Habang nananalangin siya biglang huminto ang kotse at may narinig siyang pamilyar na boses ng lalaki. “Sa wakas ito na ang araw na hinihintay kong mapasa’kin ka, Cissie!Baldo, Ready na ba ang lahat?” “Opo boss, ayos na ang lahat.” “Palabasin mo na siya.” “Lumabas ka na diyan, bilisan mo!” sabay hila nito sa kaniya. “ Huwag po, maawa po kayo sa’kin, please,” pagmamakaawa niya habang nanlaban sa lalaking kumakaladkad palabas sa kaniya. “Huwag ka ng manlaban, masasaktan ka lang! Labas na!” Dahil sa hindi niya makayanan ang lakas ng lalaki, nakaladkad siya nito palabas ng koste. Pagkapihit sa door knob ay ipinasok siya nito sa loob ng solid sabay tanggal sa piring ng mga mata niya. “Mary? Anong ginagawa mo dito? Pinagkatiwalaan kita at tinuring kitang kapatid, kasabwat ka ng nagpadukot sa akin? Bakit mo nagawa sa akin ‘to? Bakit?” mangiyak-ngiyak na wika ni Cissie. “Wala  akong  magagawa eh, napagutusan  lang.  Sorry ha, sana maintindihan  mo.” “Ang kapal ng mukha mo! Walang utang na loob! Naging mabuti naman akong kaibigan sa’yo ah. Lagi kitang pinapakopya sa exam, pinagtatanggol kita tuwing binubully ka tapos ganito lang gagawin mo sa’kin? Ahas ka!” hinanakit niya. “Sorry talaga biktima din ako dito at... Oi Mayor, buti nalang dumating na po kayo, hindi ko na alam ang gagawin ko eh,” ani ni Mary. Habang papasok ang bihis na bihis na Mayor, may dala pa itong Bibliya at attaché case. “Pasensya ka na Mary nahirapan kasi kaming hanapin si Lourdee para  kasama mong magiging witness. Saan na ba si...” “Wow nagdala pa kayo ng Bibliya? Kilabutan naman kayo! Dinadamay niyo pa ang Bibliya sa kasamaan niyo,” sabad ni Cissie. Nagitla si Cissie ng may pumasok na lalaki na hindi niya maaninag ang mukha dahil sa puti nitong kasuotan. Biglang may tumugtog na awiting pangkasal na 'Here Comes The Bride'. Palapit ito nang palapit sa kaniya hangang mapagsino niya ang lalaki. “What! Jay! Pati ikaw kasabwat ka rin nila? My goodness! Anong nangayayari sa mga taong pinagkatiwalaan ko? Bakit lahat kayo’y inahas ako? May nagawa ba akong mali sa inyo?” “Mayor, nagbihis lang po ako sandali, puwede na nating simulan ang kasal,” ang nakangiting wika ni Jay. “What! Kasal? Sinong ikakasal? Ano ba talagang nangyayari dito ha? May dumukot sa’kin bigla pagkatapos ang mga pinagkakatiwalaan kong mga tao ang may pakana. At heto na naman, may kasalang dito? Ano bang talagang nangyayari?” ang nalilitong bulalas ni Cissie. “I’m sorry for the inconvenience pero ako ang may pakana nito. Pinakiusapan ko sila na dukutin ka at kinuha ko si Mayor para siya ang magkakasal sa atin. Takot akong maunahan ng iba kaya inunahan ko na sila,” ang seryosong tugon ni Jay. “My goodness! This is ridiculous, No...No, I can’t! Nababaliw ka na. Ni hindi ka nga nanligaw sa akin tapos bigla ka na lang mangidnap at kasalan agad? Ayoko! Ayoko! Ayoko!” Biglang nag-alarm ang orasan niya dahil 4 am na pala. Napabalikwas si Cissie sa kama kung kaya nahulog siya. “Aw! ang sakit naman noon,” habol hininga siya. “Hay, buti nalang panaginip lang pala. Ang weird naman niyon! Ew, kadiri...pero teka, kung si Jay lang naman ang gagawa niyon, aba'y why not poknat! Payag na payag ako ora mismo," napatawa pa siya mag-isa ng mga sandaling iyon. "Ooops, hindi ako ganoon ah! Ang sama ko naman. Ni hindi ko nga kilala ang totoo niyang pagkatao eh. Teka, bakit ba iyan ang iniisip ko? Argh! Erase, erase, erase mabuti pa bumaba ka na at mag-uumaga na baka malelate ka na naman,” utos niya sa sarili, sabay bangon sa sahig at bumaba para makapagluto. Nagmamadali na naman siya dahil baka kapag  nalate na naman siya baka kung anu-ano naman ang daranasin niya sa buong klase. Siyempre habang nagmamadali siya hindi niya makakaligtaang magpatugtog sa cassette niya ng mga paborito niyang kanta. Feel na feel niya talaga ang pagkanta habang nagmamop ng sahig at tila ba nasa katauhan niya si Bon Jovi at sinasabayan pa niya ng headbang. Ganiyan ang routine niya tuwing umaga, habang nagtatrabaho siya ay humiheadbang din para mawala ang pagod niya at madalas hindi niya namamalayan ang oras kaya isa din iyan sa mga dahilan kung bakit siya laging be late. “Nakakainis, 6 a.m na agad! Ang bilis naman ng oras hindi pa ako nakaligo. Argh! Malelate na naman ako nito bakit pa kasi ayaw tumigil ng oras? Talaga naman oo!” nagtatatakbo siyang pumanhik sa banyo. Pagkatapos ay pinakain niya ang matanda bago umalis patungong eskuwela. Habang tumatakbo sa hallway narinig niya ang wika ni Steph na para bang nagpaparinig. “Buti nalang Cris hindi ka late ngayon, ano? Kundi lagot ka na naman sa adviser natin,” sabay tingin nito kay Cissie na halata talagang pinariringgan. “Ay naku girl, inagahan ko talaga kasi alam mo namang first day ng pagiging tourist guide ko ngayon, 'no! Ikaw kaya atasang magtour guide kay Jay, hindi ka ba maeexcite no’n? Baka nga 5 a.m pa lang andito ka na,” sabay taas ng kilay nitong tumingin kay Cissie. “Well, may point ka diyan. Pero alam mo bang hindi ka bagay na magtour guide sa kaniya? Ang pangit mo kaya, baka mapapahiya si Jay sa’yo kapag nakita kayo ng ibang mga tao niyan,” sabay tawa ni Steph. “Inggit ka lang kasi hindi ikaw ang naging tour...” “Exactly! Talagang maiingit kayo kasi ipinanganak kayong maganda at ako nama’y ipinangak na pangit pero malakas ang dating,” sabad ni Cissie sa dalawang babaeng nagpaparinig sabay irap at tumakbong papasok sa classroom nila. “Did you hear that? Grr! This woman is really a pain in my a*s! I’m gonna pull her tongue out,” usal ni Steph habang umuusok ang ilong. “Chill out! Don't rush in situation like this. Soon we’ll gonna dump that woman in the thrash. Huwag kang padalos-dalos kailangan makahanap tayo ng paraan na iyong tipong hindi halata na tayo ang may gawa at tiyakin nating hindi siya makabangon. Kasi kung padalos-dalos ka baka masira ang image mong sira naman talaga sa totoo lang ah,” mapang-asar na wika ni Cris kaya binatukan siya ni Steph. Sa kabilang dako naman, si Jay ay maagang-maaga dumating. Tila excited na excited ito sa unang araw ng tour sa buong campus. Ngunit hinihingal naman si Cissie na pumasok sa classroom. “So sorry, did I make it on time?” tanong nito kay Jay habang sumisilip sa relo at hingal na hingal pa rin. “Well, you’re 5 mins late but it’s okay. We we’ll be touring depending on what we can do within 25 mins. Let’s go, I brought the camera with me so we can have pictures while strolling around. Come on, hurry up!” nakangiting wika nito. Agad-agad namang sumunod si Cissie sa paanyaya nito. Unang tinungo nila ang back yard ng campus na kung saan ay maraming mga bulaklak at mga prutas. May waiting shed sa dulo nito kaya madalas dito nagluluto ang mga classmates ni Crissie dahil libreng kumuha ng mga gulay at prutas. May kalayuan ito sa classroom nila yamang pinakasulok ito at bundok na ang kasunod. “Dito kami nagluluto ng mga kaibigan ko kapag wala silang ulam, kasi puwede kaming kumuha sa mga pananim sa garden namin at the same time malayo ito sa classroom kaya puwede kaming magkantahan dito.” “Ganoon? Maraming bang pumupunta dito?” “Not so. Siga kasi sila Jeff at Jun kaya pagsinabi nilang bawal, walang mangahas na pumanhik dito. Kaso minsan lang ako nakakasama sa kanila since I have to go home every noon to help the household chores. Let’s go somewhere else,”  yaya ni Cissie. Tinungo nila ang grand stand ng campus para maipikita niya ang lugar kung saan mga adik sa sports ang naglalagi dito. Pagkatapos ay tinungo nila ang AVR, mga clubs ng mga estudyante pati na canteen at kusina ng school, at pinakahuling pinuntahan nila ay ang library ng school. “Come quick! I wanna show the 2 libraries in this school. Let’s go first to the new one,” hinila nito ang kamay ng binata habang tumatakbo silang pumasok sa bagong library. “This is our new library, maraming pumupunta dito kasi libre ang internet.  May time limit nga lang. Marami ding mga bagong donated  books dito ng  mga politiko. Tara! doon tayo sa lumang library. May ipapakita akong sekretong lugar doon, halika!” nagmamadali silang bumaba sa hagdan papunta sa mala-under ground. “Tadah! This is our old library at kaunti lang ang pumunta dito kasi ang mga books dito ay luma at inaamag na. More on literature at novels dito. I like here so much kasi feeling ko kapag dito ako nagbabasa parang ako lang ang tao at peaceful ang pakiramdam ko. Walang nanggugulo.” “ Wow! Sa lahat ng pinuntahan natin ito ang pinakagusto ko. Pati mga tables at desks makaluma din, maging 'yong shelves dito. Mukhang okay ngang magtambay dito kapag break time,”  masayang wika ni Jay. “Halika, I’ll show you my private room,0”  dumako sila ni Cissie sa dulong bahagi ng library at may maliit na pinto. Pagkabukas ni Cissie tumambad sa kay Jay ang maliit na kuwarto na may table at desk, mayroon ding maliit na sofa. “How do you find the place, Jay?”  nakangiting tanong ni Cissie. “I can’t believe this! Whoa…awesome! How many people knew this place?” tanong nito sa kanya. “To be honest, ako lang ang nakakaalam nito sa lahat ng mga studyante, maliban sa mga strivers dito. Dati kasi itong study room ng dean then ipinasara kasi ginagamit na ngayon ‘yong bagong library at ‘yong mga striver dito na naglilinis ay hindi na rin pumupunta dito kasi sa taas na sila naglilinis. Natuklasan ko ito nong naghahanap ako ng lumang novel at noong napansin ko may pinto na maliit sa dulo na natabunan ng malaking shelf. Noong binuksan ko, aba, sobrang dumi at maraming mga webs ng spider. Binuksan ko ang ilaw napansin ko puwede akong tumambay dito habang vacant kaya nilinis ko ‘to at dito ako naglalagi.” “Can I come here if we have vacant time? Makakaidlip ako dito. Ang galing naman nito!” bulalas ni Jay. “Sure, why not! But in one condition.” “What is it?” “Don’t tell anybody about this place and make sure to bring food when you come here.” “Sure! ‘yon lang pala eh. Promise.” Habang nagkekuwentuhan ang dalawa ay biglang nagring bell. Ibig-sabihin magsisimula na ang klase nila kaya pumanhik na ang dalawa at tumakbo pumunta sa classroom nila. Ang saya nilang nakikipag participate sa klase. Hindi naman maipapaliwanag ni Cissie kung bakit ganito ang naramdaman niya. Basta hinahayaan nalang niyang magenjoy ang sarili niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD