Chapter 5 - Avoiding Him

3103 Words
Kinaumagahan excited na naman ulit siyang pumasok ngunit hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nangyari kagabi. May kung anong tambol ang tumutugtog sa dibdib niya tuwing maalala niya ito. Nauana siyang umalis kay Jay dahil ayaw niyang tanungin siya nito tungkol sa nangyari baka hindi niya makayanan at himatayin siya sa sobrang hiya. “Bakit ako pinagtitinginan ng mga tao?” tanong niya sa sarili habang naglalakad sa pasilyo. Hindi niya maiwasang maasiwa dahil para siyang malulusaw sa mapang-intrigang tingin ng mga ito. “Yucky! Is she the girl? Oh my goodness! What did he see her?” anang ng isang brat na maarte habang tinitingnan si Cissie mula ulo hanggang paa. “Hey you filthy beggar! Get a life! Get lost from Jay’s sight. You’re not even pretty, you look so dirty. Stop following him around baka mahawa siya sa kapangitan mo,” wika ng isa pang malditang babae.  Ngunit si Cissie ay nagkunwang walang narining at tuloy-tuloy pa rin siya sa paglalakad dahil wala naman siyang balak na patulan ang panira-araw ng mga ito. “Yah! Kapag kinakausap ka ‘wag kang bastos!” singhal ng maldita sabay kaladkad nito kay Cissie. “Wait lang ha! Una hindi ko kayo kilala at hindi ako bastos. In fact kayo itong basta-basta  nanghaharang at nambabastos sa’kin. Pangalawa,  I’m not following him. Tanong niyo pa siya! He is just so kind to me and let me stay in his house. And of course I know that I’m not pretty,  I don’t pretend either dahil hindi ako hypocrite gaya niyo.  Kayo nga dapat ang magkaroon ng sariling buhay. Will you excuse me?” gigil na wika ni Cissie habang  pigil na pigil sa sarili. Hindi na niya pinansin pa ang mga sumunod na  sinabi dahil nilayasan na niya sila sapagkat nasisimula ng tumulo ang kanyang mga luha. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganoon nalang ang panlalait nila sa pagkatao niya. Aminado naman siyang hindi siya maganda, pero ang hindi niya matanggap ay ang pang-iinsulto at pang-aapak sa pagkatao niya, dahil kahit minsan ay hindi siya naging pabigat sa ibang tao. Ang lahat ng bagay ay pinaghihirapan niya.  Habang tumulo ang luha niya wala siyang pakialam sa mga taong tumitingin sa kanya kundi dire-direcho lang siya hangang makarating siya sa room nila. Ang sakit ng kalooban niya dahil sa buong buhay niya ay ngayon lang siya napahiya ng walang dahilan. Ni hindi niya pinansin ang mga katabi  at mga kaibigan niyang nagtatanong sa kaniya. “Hey Bezzie. What’s wrong?” ani ni Jay. “Nothing. Just something bad came up this morning,” tugon nito habang tumitingin sa kawalan at umiiyak. “I know you. Hindi ka basta iiyak kung hindi mabigat ang problema.  Would you mind telling me what happened?” “Please, Bizzie I need to be alone. Just let me be alone this time. It would be a great help if you’ll do it.” “Okay. I’m sorry about  it. I’m just worried about you.” “It’s okay.  Just let me be alone for a while. It would very helpful if you let me. Thank you for your concern. I will tell you if I’m ready.” Hinayaan nalang ni Jay si Cissie na mag-isa, after all kilala niya ‘to na kapag okay na ang lahat ay magsasalita din ito. Hangang sa uwian na ng hapon ay hindi pa rin kumikibo si Cissie at tila walang balak ito na magsalita. Sa pag-aalala ni Jay ay humanap siya ng paraang makapag-open sa dalaga. “Hey, you’ve been like this the whole day. I’m really worried. You want me to beat the person causing you so much pain?” sabay tapik nito sa balikat ng dalaga. “Ano ka ba? Sayang ang beauty mo, hindi bagay 'no! Ako nalang kasi mukha naman akong amazona  eh.” “Nah! Hindi naman kami magsapakan eh, kundi  magrakrakan at siguradong ako ang mananalo," tumawa pa Ito ng malakas. "Well kidding aside, would you mind telling me what happened early this morning, Bezzie?” patuloy ni Jay. “Pasensiya na, Bezzie. I can’t tell you this time. Malalaman mo din iyon balang araw.” “Okay. Mukhang wala na talaga akong magagawa, basta if you need me just tell me right away, okay? Tara let’s go home” yaya nito sa dalaga. “Bezzie, I can’t go with you. I have something important to do. You can go ahead,  kailangan ko kasing tapusin ito eh.” “Oi, tapusin mo ba ang laban? Just kidding…Ayt bye,” tumango lang dalaga saka nagbuntong-hininga at tumalikod. Actually, wala naman talaga siyang gagawin. Nagdadahilan lang naman siya para hindi sila magkasabay sa pag-uwi.  “Bezzie baka ako na lang ang kailangan dumistansiya sayo. Mahirap lang ako pero ayoko namang tapakan ang pagkatao ko lalo na’t wala akong utang sa kanila. Lahat ay pinaghihirapan ko” wika  niya  sa sarili habang umusli ang butil ng luha niya gilid ng kanyang mata. Tinungo niya ang paborito niyang hangout ang sekretong lugar sa library at doon siya nagmukmok, nakaramdam siya ng antok kaya umuwi na nalang siya at baka masaraduan siya ng guwardiya sa library. Naglalakad siyang parang walang direksyon at blangko ang kaniyang aura. Hindi niya pa rin kasi makalimutan ang pagkahiya niya sa sarili. Dahil ba pangit siya at mahirap lang kung kaya basta-basta nalang siyang tinatapakan ng mga tao?  Nakarating siya sa tinitirhan niya ng hindi niya namalayan. “Hija, ginabi ka ata,” ang tanong ng Lola ni Jay ngunit tila walang narinig ang dalaga kaya tinapik siya nito. “Hija, okay ka lang?” “Ah! Ah~ Lola sorry po,” ang malungkot na wika nito. “Mukhang nakarating na ang diwa mo sa America ah, may problema?” “Wala po. May nangyari lang na hindi maganda kaninang umaga sa school.” “Sigurado ka ha? Baka malala na pala ‘yan, paano ka matutulungan kung hindi ka magsasabi?” “Okay lang po ako Lola. Bullied lang ako kanina pero hindi na mangyayari  ulit ‘yon. Lola pakiusap ‘wag niyo po sabihin kay Jay ha? Baka reresbak ‘yon, mahirap na po baka lalaki po ang g**o,” ang pakiusap nito. “Okay. Basta kapag hindi mo na kaya magsabi ka lang para matulungan ka, ha? Sige,magbihis ka muna’t makakain na.” “Sige po Lola. Salamat po sa lahat ah. Babawi po ako sa inyo balang araw,” maluha-luhang sambit niya. “Oh siya, akyat na. Ito naman oh parang others. Pasaan pa’t best friend ka ng apo ko, eh 'di apo na rin ang turing ko sa’yo.” “Sige po.” Pagkakuwa’y pumanhik na siya sa taas para makapagbihis. Iniisip niya kung ano na lamang ang mangyari sa kanya kung ‘di dumating sa buhay ang pamilya ni Jay. Pero ang mas masakit ay kailangan niyang dumistansiya dito. Hindi niya talaga mapigilang umiyak sa sakit ng nadarama niya. Dahil ba kasi napahiya ang pagkatao niya ng walang dahilan o dahil 'di niya kayang dumistansiya sa lalaki.  Pero buo na ang loob niya na kailangang iwasan niya muna ito para magkaroon man lang siya ng pride sa sarili niya. Naghilamos muna siya bago siya bumaba sa hapag  baka mahalata siya ng buong sambahayan na umiyak pala siya. “Bezzie, andito ka na pala. Halika ka na kain na tayo. 'Bat natagalan ka?”  wika ng lalaki. “Ah, eh wala. May ginawa lang akong importante kanina na school paper,” sabay upo niya sa mesa at kinuha ang pinggan pero hindi pa rin siya nakatingin sa kaibigan niya.  “Hey, something wrong? I feel you’re hiding something from me. What is it? ” “Nah,nothing. Just that I’m so tired kaya ganito ang aura ko. By the way ilang days nalang at magpeperform na tayo. I just can’t wait.” “Yeah, me too. We only have a week to practice and maybe we can do it tonight  dahil wala tayong exam bukas para yong natitirang six days ay kasama na ang buong band sa rehearsal.” Gustong tumutol ang kalooban ni Cissie sa sinabi ng lalaki pero narealized niya na kailangan nilang magpractice dahil six days nalang at magpeperform na sila.  Kaya napapapikit nalang siya habang huminga ng malalim. “Okay,” ang tipid ng kaniyang sagot. Nagmamadali na siyang kumain dahil ayaw niyang makarinig pa ng anong mga katanungan buhat sa lalaki. Parang lumulunok lang siya ng lugaw at hindi na ngumunguya. Kahit may katigasan at matinik ang kinakain nila ay wala siyang pakialam basta’t ang isip niya ay makatayo na sa kinauupuan at makaalis. Palibhasa’y nahalata ni Jay ang dalaga, “Hey, nagmamadali ka ata Bezzie. Dahan-dahan at baka kailanganin mo pa ang CPR ko mamaya,” ang pabirong sambit ng lalaki. “Uhoo! Uhoo!” sa gulat niya sa sinabi ng lalaki ay nasamid siya anupa’t hindi niya mapigilang umubo ng umubo. Nagulat siya sa sinabi ng lalaki na i-CPR siya at hindi niya maimagine ang eksenang iyon, baka himatayin siya lalo kapag nangyari iyon. Imbes na ayaw na niyang makarinig ng kahit ano mula sa lalaki ay binanggit pa niya ang tungkol sa CPR na para naring indirect kissing sila ng Bezzie niya pagnagkataon. Ngunit tila magkakatotoo ang sinabi ng lalaki dahil sa pagkasamid niya. “Hey, are you okay?” ala-alang tanong nito sa kaniya sabay lapit at hinawakan ang makabilang balikat niya at nakapako ang tingin nito sa kaniya. “Oh my! Don’t do that to me. Lalo mo ata akong papatayin sa ginagawa mo eh” ang wika niya sa sarili habang sinisikap niyang pakalmahin ang sarili. “I-It’s okay B-bezzie, nasamid lang ako bigla,” sabay tanggal niya sa kamay ng lalaki sa balikat niya at binawi niya ang tingin nito.   “‘Yong totoo Bezzie, okay ka lang ba talaga?” habang tumingin ito sa kaniya na may mapungay ang mata. “ ’Wag mo akong tingnan ng ganyan Bezzie, utang na loob!” ang wika niya sa sarili. “Okay lang talaga ako promise,” habol-hininga niyang tugon habang umiiwas pa rin ng tingin sa lalaki dahil hindi niya kayang tingnan ito sa mata. Ewan, kung bakit? Hindi niya mawari.   “Okay, I’m sorry if I startled you but you look cute earlier,” sabay ngiti nito sa dalaga. At hindi naman maiwasang mainis ang dalaga dahil pakiramdam niya sadya talagang nananadya ang panahon. Pero disidido na siya sa gagawin niyang pag-iwas dito.  Dire-direcho na siya sa kusina dahil baka kung ano pang mga eksena ang maganap. Samantala, si Jay ay naghahanda na para sa last rehearsal nila.  “Bezzie!”sigaw ni Jay “Bilisan mo para matapos tayo ng maaga.” “Oo, sandali lang bababa na,” nagmamadali siyang bumaba ng hagdanan at hindi niya napansing basa ang natapakan niya. “Awwwww! Tulong! Ang sakit!”sigaw niya habang si Jay sa baba ay kumakaripas ng takbo. “Bezzie, what’s wrong? Are you okay?” alala nito. “Natapilok ako Bezzie, ang sakit…” iyak niya. “Sorry Bezzie, it’s my fault dahil pinagmamdali kita. Kaya mo bang tumayo?” Ngunit ng sinubukan ng dalagang tumayo ay napansin ng lalaki na hindi nito kaya binuhat siya nito.  Bagama’t tinangkang pumalag ng dalaga ngunit wala na siyang nagawa pa. Dinala siya nito sa kusina para malapatan ng first aid ang pilay niya at pagkatapos ay nagrehearse na sila. Ngunit walang iniisip ang dalaga kundi matapos ang rehearsal nila dahil ayaw na niyang madagdagan ang pasanin niya sa damdamin. Kinabukasan nagisip na agad ang dalaga kung anong mga dahilan para makaiiwas sa kaibigan niya. “Bezzie, after class let’s have pizza sa downtown, treat kita kasi ako pa naman ang dahilan ng pilay mo kagabi,” yaya nito. “Naku Bezzie, may kailangan akong report na tatapusin kasi hindi sumipot ‘yong isang group kanina kaya bukas ako na agad magrereport dahil hindi na daw tatangapin ni Ms. Langit ang mga late reporters. Siguro next time nalang.” “Ganoon ba? Sayang naman. Well work harder Ms. Deligent,” ani ng lalaki. “Oh by the way, sabay nalang tayo paguwi,” palhabol nito. “Naku, hindi ko kasi alam kung anong oras ako matatapos magresearch eh. Mauna ka nalang baka magaalala pa si Lola,” tanggi niya. “Okay, mauna nalang ako. Bye, see you later Bezzie.” “Okay. Ingat Bezzie,” nakahinga siya ng maluwag ng matanaw ang kaibigang payaon na. Nakaligtas siya sa araw na ito. Ano naman kaya ang idadahilan niya kinabukasan?  Habang nag-iisip siya, tinungo na niya ang gate palabas ng campus dahil hindi naman talaga siya magreresearch,  nakapaghanda na sila ng mga kagrupo niya.  Habang abala siya sa kakaisip na maaring maging dahilan kinabukasan ay naramdaman niyang may bumangga sa kaniya ay nanauli sa reyalidad ang diwa niya. “Ooops Sorry. I didn’t see you walking. I just thought walang tao mukha kasing hindi ka tao eh,”sabay tawanan ng mga kasama nito.  “It’s okay. Hindi ko rin naman kayo napansin eh. Hindi ko naman kasi pag-aaksayahang pansin ang mga walang kuwentang bagay eh,” sa pagkasabi niya dito ay nanlisik ang mga mata ng bumangga sa kaniya. “Oh my goodness! Guys did you hear what this ‘Nobody’ is saying?” sabay lingon sa mga kasama niya. “Yah! You filthy-clingy-beggar, baka nakakalimutan mong manalamin. O baka naman wala kang pambili ng salamin. Gusto mo bigyan kita para makita mo ang iyong sarili mo at marealize na hindi kayo bagay ni Jay? Get rid from him!” nanginginig nitong sabi. “Well hindi naman talaga kami bagay ni Jay kasi tao kami at baka kayo ang dapat magevaporate kasi pakalat-kalat kayo dito eh. Naligaw kayo ng school. Bakit ba naman kasi umabot pa dito ang mga mabahong ugali niyo? Hindi na kayo nahiya. Kayo mismo ang dumadayo ng ibang school para sa isang lalaki? Hay, bakit ko ba pinag-aaksayahan ng panahon ang mga walang kuwentang bagay. Maka-alis na nga.” Hindi na niya pinansin pa ang mga sumunod na sinabi ng mga dayong iyon. Pati ba naman mga dayo ang lupit nilang makitungo sa kaniya samantalang hindi naman siya nang-aagrabyado ng buhay ng may buhay. At lalong nadagdagan ang self-pity niya kung kaya lalong nadagdagan ang kaniyang derterminasyong iwasan ang kaibigan niya. Pagka-uwi niya, nagboluntaryo agad siya na mamalengke para lang makaiwas siya. Pagkatapos magluto ay nagpalam agad siya kay Lola Nancy na maunang kumain dahil marahil kuno siyang projects na tapusin kahit ang totoo ay wala naman. Nagpapakabusy nalang siya sa pagsusulat ng story. Kinabukasan ay sinadya niya talagang maunang umalis sa sobrang aga umalis siya ng 6 a.m kahit ang klase nila ay 7:30 a.m pa.        “Nai Nai, si Cissie?” tanong ni Jay habang pumipikit-pikit ang mga mata. “Naku, kanina pang mga 6 a.m siya umalis. May mahalaga daw siyang gagawin ng gano’n ka aga.” “Ano naman daw po kaya?” “Aba’y malay ko. Kayo ang mga estudyante kaya dapat kayo ang nakakaalam.” “Hay, hindi talaga ako inantay oh. Lagi nalang siyang nagmamadali o di naman kaya busy. May kakaibang nangyayari na hindi ko alam ah.” “Alamin mo. Hindi ba kayo nag-away?” “Hindi naman po. 'Di bale aalamin ko po mamaya,” sabay panhik nito sa banyo. Naging pala-isipan kay Jay ang mga kinikilos ni Cissie. Kaya pagkadating nito sa school ay agad-agad niya itong hinanap. Ngunit noong nakita siyang papalapit ay bigla itong umalis na kunwari’y hindi siya nakita na papalapit. Tawagin niya sana ngunit sa bilis ng lakad nito’y nakalikod agad sa pasilyo. Mukhang hindi na maganda ang nangyayari at kailangang malaman niya kung ano iyon.  Kinahapunan ay humanap ng paraan agad si Jay para makasabay niya ito pauwi. “Hey Bezzie, let’s go home together but before that we’ll gonna have dinner first in our favorite pizza house,” yaya niya dito para lang masigurado niyang may kakaiba sa kinikilos ng kaibigan niya. “Ah eh…I appreciate it but I have to finished my baby thesis first. Sa Monday na kasi ang deadline at hindi pa naming natapos ang research  namin. I really love to but not now, maybe next time nalang siguro after defense natin,” tanggi nito. “Tulungan nalang kita, ako magresearch at magencode after dinner wala naman akong gagawin eh, at saka tapos na tayo sa rehearsal kaya matutulungan kita Bezzie.” “So sorry talaga, I can’t go with you now. Nakakahiya sa mga groupmates ko baka ano pang isipin nila.” “Okay I’ll go ahead nalang. Kita nalang tayo sa bahay mamaya. Mukhang hindi kita mapipilit ngayon eh. Ayt, bye,” paalam nito na may malaking question mark sa mukha niya. Kailangang makahanap siya ng paraan kung paano niya malaman ang dahilan ng kakaibang kinikilos ni Cessie. Hindi muna siya umuwi dahil naisip niyang sundan ang kaibigan ng palihim. Pagkaliko niya sa hallway ay pumasok siya sa ibang room at lihim na niyang sinundan ito hangang umakyat ito sa library. Noong hindi niya ito makita sa loob ng library, isang bagay lang ang pumasok sa isipan niya. Pumasok ito sa sekretong  lugar na sila lang ang nakakalam maliban sa Dean. Pinuntahan niya ito. Pagkabukas ng pinto ay nakita niya agad ito at hindi niya inaasahan ang bumungad sa kanya, “Bezzie, umiiyak ka? Bakit? Anong problema? May umaway ba sa'yo?” alala nitong tanong at kausap niya’y halos mahulog sa kinauupuan dahil sa pagkagitla at hindi malaman kung saan ito magtatago. “Anong nangyari Bezzie? Sumagot ka, paano kita matutulungan kung hindi ka magsasalita?” “Ah wala may kaunting problema lang.” “Anong kaunti? Hindi ka magmumukmok dito kung kaunti lang ‘yan. At saka may napapansin ako sa'yo ha? Nitong week na ito parang sobrang napakailap mo sa’kin. Iniiwasan mo ba ako? At nagsinungaling ka pa sa’kin. Alam kung tapos na kayo sa baby thesis niyo dahil nagkwentuhan kami ni Jeff kanina at groupmate mo siya.” “Wala lang ‘to, ano ka ba? Bakit naman kita iiwasan, aber?” “Aba’y malay ko? Inaalam ko nga eh kasi kahit hindi mo sabihin alam kung iniiwasan mo ako eh.” “Hindi ah. Nagkakamali ka lang ng hinala. May kaunting personal problem lang ako Bezzie.” “Alam mo, kilala na kita. Kaya please lang magsalita ka na kasi hindi tayo uuwi hanga’t hindi ka magsasalita, I mean it.” “Okay fine! Gusto mong malaman? Well I have never been humiliated in my whole life like what I’ve experienced lately. You know what? Mahirap lang ako at panget. Alam ko naman iyon eh, pero hindi ako nang-aagrabyado ng tao at along hindi ako nangingialam ng buhay ng may buhay,” litanya niya. “Ano ba kasing nangyari?” “Well, sinugod lang naman ako dito ng mga die hard fans mo na mga taga ibang school para laitin. Kahit iyong mga taga dito ganon din ang ginagawa nila sa’kin. Gusto nilang ipamukha na  ako ang humahabol-habol sa’yo at alam mo ba ang sinabi nila sa’kin? “Get rid from Jay’s sight you filthy-clinggy-beggar. Sige nga, paano ka magreact sa ganoong bagay? Baka manapak ka pa kung ikaw iyon. Kaya dumidistansya na ako sa’yo Bezzie. Kasi hindi ko matanggap  sa sarili ko ang mga pangiinsulto nila. Sobrang sakit!” hindi niya napigilan ang mga luha niyang gusto ng kumawala sa mata niya. “I’m so sorry Bezzie. I didn’t know that. Inggit lang mga iyon dahil sa closeness natin. At saka huwag mo nang pag-aksayahan  ng panahon sila. Hindi naman habang buhay mo silang makikita eh. Tingnan mo 2 months na lang at graduate na tayo. Ha'mo at lalo pa natin silang paiinggitin. ‘Yan lang  pala ang problema mo eh. Madali lang ang solusyon niyan. Tahan na,” sabay yakap nito sa kaniya, kaya sa pagkagitla ay parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ng sandaling iyon. Masaya siya at kinakabahan din na hindi mawari ang dahilan.  At hindi na siya nakapalag pa sa mga sumunod na pangyayari at habang pauwi sila, nakaakbay sa kaniya ang kaibigan niya at wala na rin siyang pakialam sa mga tao sa paligid. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD