Episode 8 Evening talk

1893 Words
Hessa POV Kasalukuyang pauwi na ako at nag lalakad papalapit sa kotse dito sa parking lot ng matanaw ko si Julse, Patrick and Shaun na kumakaripas ng takbo papalapit sa akin. Napakunot naman ako ng noo. Ano kaya ang problema ng mga gunggong na ito? Tanong ko sa aking sarili. Sina Julse ay malapit na kaibigan ko simula highschool. Kasama sa kalokohan. Lalong kumunot ang noo ko ng mapatingin ako sa likuran nila at napamura na lang. Shit! Ang daming humahabol sakanila. "Hessa!!!!" Sigaw ni Julse. Napako lang ako sa kinatatayuan ko at hinihintay lang silang makalapit sa pwesto ko. Sa mga sandaling iyon, di ako makagalaw. Ilang sandali pa ay nakalapit na sa pwesto ko si Jules at inabot sa akin ang hawak niyang tubo. Hala? Para saan to? Hinablot naman ako ni Shaun ng mapansing hindi parin ako tumatakbo. "Tara na!!!" Sigaw ni Patrick at sumakay sa kotse ko. Teka?? Wait.. bakit sa kotse ko?? Aangal na sana ako ng itulak ako papasok sa loob ni Julse at pinasibad agad ni Patrick ang sasakyan palayo. "Whoo!! Bilisan mo Patrick!!" Sigaw ni Julse na tila nag papanic. "Eto na nga eh.. ikaw naman kasi!" "Huwag ka ng tumalak diyan para kang bakla! Bilisan mo na lang.." Halos hindi ko na masabayan ang mga nangyayari kaya nakisingit na ako sa usapan. "T-teka teka... Ano bang meron?!!" Naguguluhang tanong ko. "Eh eto kasing si Julse pahamak. Sabi ko huwag ng patulan matigas parin yung ulo. Ayan tuloy, rumesbak." Sagot ni Shaun habang nakamasid sa likuran ng sasakyan. "Tapos sinama niyo pa ako at ginamit ang kotse ko???!" Hindi makapaniwalang tanong ko. Nanlaki pa ang mata ko sa narinig. "Tssk!! Mga gago ba kayo??!! Pag ako nasama sa gulo na to makikita niyo!! Malalagot ako kay grandma nito!" Maktol ko at binigyan sila ng tig iisang kutos dahil narin sa inis. "H-hey hey a-aray!!" Pigil ni Shaun at napadaing na lang ng makutusan ko. "Wala naman ang lola mo dito sa pinas kaya okay lang yan." Sambit niya ng nakanguso habang hinihimas yung ulo niya na nasaktan. Tinitigan ko naman siya ng masama. "Wala nga pero may tenga siya sa school natin!!" Madiin na pagkakasabi ko. Napipi naman sila sa narinig. "s**t!!! Patrick pakibilisan! Ayan na sila." Sigaw ni Julse. Napatingin tuloy ako sa likuran. Halatang nang gagalaiti na sa galit ang mga grupo lulan ng kabilang  sasakyan. Iniliko naman ni Patrick ang sasakyan upang iligaw sila. Dumaan kami sa di gaanong pamilyar na lugar. "f**k!" Mura ni Patrick. Patay..... Wala na kaming ibang lulusutan. "Ano na!!?" Sigaw ni Shaun. Nag sibabaan naman ang kabilang grupo sakanilang sasakyan. May mga dala dalang kahoy. Mukhang handa na sa bakbakan. "Bumaba na tayo." Napatingin naman ako kay Patrick. May hawak narin itong pang hampas at nakasuot na sa kamay niya ang malalaki niyang singsing. Nagkatinginan naman kaming apat. "Game!!!!" Sigaw naming apat at determinadong bumaba ng sasakyan. Bahala na kung mapagalitan! Nakangisi naman sa amin ang leader ng grupo. Isa isa niya kaming pinasadahan ng tingin. Nang mapadako siya sa akin ay dinilaan niya ang kanyang labi. Yuck! Pwe! Kinilabutan ako sa ginawa niya. Nagsimula na akong mag bilang at nag masid sa paligid.. anim silang lahat. Mukhang kaya naman siguro to. Tancha ko sa sarili. Yung maleta lang talaga ni Claire ang hindi ko kaya. Namula tuloy ako ng maalala iyon. Mukha akong lampa sa mga oras na yun. Tss. Ano ba kasi ang laman non at hindi ko mabuhat buhat? "Ano?! Nanginginig na kayo??" Tanong ng leader nila na kulay pula ang buhok. Tumawa ito na parang demonyo. Pumusisyon na kaming apat. "Shaun dun ka sa kulay blonde na buhok at pagtulungan niyo ni Patrick yung kalbo." "Patrick.. ikaw na bahala sa may kulay itim na buhok na payatot tas pagtulungan niyo ni Shaun yung kalbo." Tumingin si Julse sa gawi ko. "Hessa... Ikaw na bahala sa baboy na may nanay na teacher." "At ako.. ako ng bahala sa mongoloid na kulay pulang buhok na to at sa gluta boy sa likod." Instruct ni Julse sa amin. Nagsitanguan naman kaming lahat bilang pag sang ayon. "Isa...." "Dalawa....." "Tatlo...." "Waaaahhhhh!!!!" Sabay sabay kaming sumugod sa kalaban. Buong panggigigil na inihambalos ko yung tubo sa likod ni baboy. Bumagsak agad ito ngunit nakabawi din agad. Sinubukan niyang suntukin ako pero nakaiwas agad kaso sinipa niya ang binti ko kaya napaluhod ang isang tuhod ko sabay sapak sa mukha ko. Ouchie!!! Sakit.. Ginalaw galaw ko naman ang panga ko at tumayo. Ngumisi pa si tababoy sa akin. "Now... My turn.." Tumakbo ako papalapit sa pwesto niya. Inambangan niya agad ako ng suntok. Hinawakan ko ang isang buong braso niya at ipinalipit iyon patalikod. Napahiyaw naman siya sa sakit. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok sa mukha na iki-knock out niya. "Ang sakit sa kamay ng taba mo!" Reklamo ko habang nakatingin kay tababoy. Agad na nag baling ako kila Shaun. Nakikipag buno parin sila.   Nakita ko naman na hirap na hirap na si Julse dahil sinasakal na siya nung leader. Agad na pinulot ko yung tubo at lumapit sa kinaroroonan nila. Inihampas ko ito sa likod niya kaso hindi siya natinag. Lumingon lang siya sa pwesto ko at ngumiti ng nakakaloko. Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot. Binitawan na niya si Julse at ako naman ang binalingan. Sh*t Usal ko. Unti unti siyang lumapit sa akin. Napapaatras naman ako.   Sinulyapan ko si Julse na nakadapa na sa sahig habang umuubo. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na si mongi at binigyan ako ng isang sampal. Napabaling ang mukha ko sa lakas. Napakapit tuloy ako sa poste dahil sa nawalan ako ng balanse. Napatingin muli ako sakanya na akmang susuntukin ako ng bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Sinuntok na pala ito ni Patrick sa batok.   Agad na lumapit sakin si Patrick at tinulungan akong makatayo ng maayos. Nilapitan naman ni Shaun si Julse at inalalayang tumayo. Hinihingal na nagka tinginan kaming apat. "Okay lang ba kayo?" Tanong ni Shaun. Napatingin ako sa paligid. Bagsak na pala yung anim. Isa isa naman kaming nag sitanguan. "Mga gago kayo!! Sa susunod huwag niyo kong idadamay sa mga trip niyo! Mga gago!" Inis na bulalas ko. Tatawa tawa naman ang tatlo habang nag lalakad patungong sasakyan. Natawa na lang din tuloy ako at sumunod sakanila. --------------- Hating gabi na ako nakauwi sa bahay. Pagpasok sa loob ng sala nakapatay na ang ilaw. Nagtungo ako sa kitchen at napakunot ang noo ng mapansing nakabukas pa ang ilaw doon. Pumanik na ako doon upang maghanap ng yelo. Nag kapasa kasi ako sa parteng sinampal sakin ni monggi. Masakit sakit din yon Napahinto ako sa paglalakad ng madatnan ko si Claire na nakaupo sa hapag kainan. Napipikit pikit na ito at may kape sa tabi niya na mukhang lumamig na. Hinihintay ba ako nito? Tanong ko sa sarili. Sus! Huwag kang umasa! Huwag ka ring assuming Hessa. Nalukot tuloy ang mukha ko pero nabawi rin ng makita ko kung paano makipag laban sa antok si Claire. Napapayukyok na siya tapos biglang magigising tapos iiling ng maraming beses. Parang lasing lang. Natatawang nilapitan ko na ito para papuntahin sa kwarto niya kesa sa mahirapan siya sa kinapipwestuhan niya. "Claire..." Bulong ko. "Claire.." Tinapik tapik ko na yung balikat niya na siyang ikinagulat niya. "Hessa???" Tila naninigurado niyang tanong sabay kusot ng mata. "Yep. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at nagtungo sa lababo para mag mumog. May nalalasahan kasi akong dugo. "Uhmm.. nag kakape lang. Namamahay kasi ako." Sabi ko na nga ba. Hay.. huwag sabing assuming hessa. Napa buntong hininga na lang ako. "Ganon ba. Bumalik ka na sa kwarto mo. Mukhang makakatulog ka na." Sambit ko at tiningnan siya. Bigla naman siyang napatayo at dali daling lumapit sa akin na siyang ikinagulat ko. "Anong nangyari diyan??" Tanong niya habang sinisipat ang mukha ko. Kita sa magandang mukha nito ang pag aalala. Naiilang na iniwas ko tuloy ang aking paningin sakanya. "W-wala to.." Napakunot ako ng noo ng mapansing na uutal ako. Bumibilis narin yung pintig ng puso ko. Putspa! Eto na naman siya...puso. please..kalma... "Anong wala?!!" Galit na tanong niya at sinuntok ako sa tiyan. "Aray!!" Daing ko. Ano ba to? Ganito ba ito mag alala? Ganito ba sa probinsya nila? "B-bakit mo yun ginawa??" Nahihirapang tanong ko. Nakayuko parin ako hawak hawak ang nasaktan kong tummy. "Eh sa napaka sinungaling mo eh!!" Galit na sagot niya. "Maupo ka don sa sala at gagamutin ko yan! Huwag ka ng pumalag. Subukan mo lang.. hindi lang suntok ang makukuha mo sa akin." Banta pa niya sa akin at pinanlakihan ako ng mata. Napalunok ako ng wala sa oras. Bakit ba ang high blood ng babaeng ito sa akin? Wala sa sariling napatango ako at nag umpisa ng maglakad patungong sala. Mga ilang minuto pa ay dumating na siya. May dala dalang ice cubes, towel at first aid kit. Naupo na siya sa tabi ko at inihanda ang mga gamot. "Ah! D-dahan dahan naman..." Reklamlo ko. Para naman kasing masama pa ang loob niyang gamutin ako. "Kasalanan mo yan." Mahina pero nang gigigil na sambit niya. Bakit ba ang sungit mo? Huhuhu T.T Help! "Anong nangyari diyan?" Tanong niya sabay diin ng bulak sa sugat ko. "Aray!" Daing ko at hinawakan ang kamay niya. Inis na itinabig niya ang kamay ko at nagsimula ulit gamutin ang mga sugat sa mukha ko. "Nadawit lang ako. Hindi naman talaga ako kasali sa away. Sadyang loko lang yung mga kaibigan ko. Nakita ko na lang silang tumatakbo at pumasok sa kotse ko. No choice naman ako ng hilahin ako kaya nakipag sapakan narin ako." Bigla niyang idiniin ulit yung bulak sa sugat ko ng marinig niya ang paliwanag ko. Napadaing tuloy ulit ako at inis na hinablot ko yung kamay niya at hinatak papalapit sa akin. "Claire!!" Mahinang sambit ko ngunit madiin. Tuluyan na kasi akong nainis sa ginawa niya  Matiim akong nakatingin sa mga mata niya ngunit bigla na lang akong napalunok. Ang lapit niya kasi at ang ganda niya.. sobra. I blink a couple of times ng mapadpad ang paningin ko sa labi niya. Naramdaman kong natetense siya. Napapalunok narin at hindi bumibitaw sa staring contest naming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng init. Hindi pa nakakatulong ang pagka-dim ng paligid. Tanging ilaw lang sa kusina ang nagbibigay ng kaunting liwanag sa sala. Napatingin muli ako sa mata at muli sa labi niya. Nakaawang ito ng kaunti na siyang lalong nagpabaliw sa sistema ko kaya hindi na ako nag aksaya ng oras. Inilapat ko ang labi ko sa labi niya. Akala ko ay hindi siya tutugon ngunit nag kamali ako. Makailang sandali lang ay sumagot ito sa halik ko. Lalo akong nabaliw ng iginalaw niya ang labi niya kaya kinabig ko ang kanyang batok para palalimin pa ang halik. Unti unti naring nag lalakbay ang aking kamay. Dumadausdos ito pababa hanggang sa mapadpad sakanyang pang upo at pinisil iyon. Napaungol naman siya sa ginawa ko ngunit biglang naputol ang halik nito sabay sampal sa mukha ko. Gulat na napahawak ako sa panga ko at napangiwi sa sakit. Buong pagtataka ko naman siyang tiningnan. "BASTOS!!!!" Sigaw niya sabay sinampal ulit ako at nag martsa na papunta sa kaniyang kwarto. Naiwan naman akong nakatulala at naguguluhan dito sa sala. What??! Ako bastos?! Napapalatak tuloy ako. "F*ck! Bitin!!" Usal ko at nag mamadaling pumunta sa banyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD