Heto...
Ito na yun.. ito na ang araw ng pag huhukom.
Pabalik balik naman akong nag lalakad sa harap ng pinto ng silid ni principal kung saan nasa loob si Claire.
Lakad dito, lakad doon, minsan humihinto ako at itatapat ang aking tenga sa door, nag babakasakaling marinig ko man lang ang pinag uusapan nila pero d*mn! Wala ni isang tinig akong marinig.
Lalo lang yun nakakadagdag sa kabang nararamdaman ko. Sana naman makalusot ako sa gulong ito.
Napapasuklay na lang ako ng buhok at napapahilamos ng mukha sa kabang nararamdaman. Kinakagat kagat ko narin yung kuko ng hinlalaki ko at walang tigil naman ang aking paa sa pag tapik ng sahig.
Maya maya pa'y bumukas na nga ang pintuan. Iniluwa niyon ang babaeng kanina ko pa inaabangan. Dali dali akong lumapit sakanya at sinipat ang kaniyang mukha.
Nanginginig ang aking kamay na hinawakan ang magkabilang balikat nito at tumingin sakanya ng mataman.
"How was it??"
Kabadong tanong ko ngunit hindi man lang siya sumagot. Base sa itsura niya, para siyang lutang na nakatulala lang sa kawalan.
Nahihintakutang niyugyog ko ito ng marahan.
"Huy ano? Sumagot ka naman Claire?"
Naiiyak na sambit ko.
Gosh! I'm so gay.
Unti unti niya naman binaling ang kaniyang paningin sa akin. Maya maya pa'y tinakpan niya ang kanyang bibig. Na para bang...
Naduduwal?
"Hala? Okay ka lang?"
Nag aalalang tanong ko dahil napasandal na siya sa dibdib ko.
Pinamulahan naman ako ng mukha.
Claire dibdib ko yan!
Wala parin akong nakuhang sagot mula sakanya. Nakatakip parin ang kanyang kamay sa bibig niya.
Hala? Susuka na ata talaga to.
Kaya naman hindi na ako nag dalawang isip na buhatin siya pa bridal style at nag mamadaling nagtungo sa cr.
"Tabi tabi!!"
"Ano ba?! Tabi sabi!"
Sigaw ko sa mga estudyanteng nakaharang sa dinadaanan ko.
Kanina pa nga ako pinag titinginan dito at walang tigil ang kanilang mga bulungan.
"Sino yan?"
"Girlfriend niya?"
"Tangek! Tita niya yan."
Mga bulung bulungan ng mga estudyante sa paligid.
Tss!
Mga chismosa talaga.
At sa wakas!
Nakarating narin ako sa restroom.
Agad na pumasok ito sa cubicle at doon na nag hasik ng lagim.
"Uwaaaaaaak!!!"
Rinig ko mula sa harapan ng pintong pinasukan niya.
Hindi ko tuloy maiwasang mapangiwi.
Tok! tok! tok!
"Uy are you okay?"
Tok! tok! tok!
"Huy! Claire?"
Muling tawag ko sakanya kaso wala man lang akong narinig na anumang response mula sakanya.
Ano bang nangyari?
Makalipas ng ilang minuto, lumabas na din siya. Mukhang okay naman na yung pakiramdam niya base sa hilatsa ng kaniyang mukha. Nag diretso siya sa may sink at doon nag linis sa tapat ng salamin.
Tiningnan ko naman siya sa kanyang repleksyon.
"Bakit ka nagsuka?"
Takang tanong ko.
"Nakakabuntis na ba yung simpleng paghalik at pag hawak sa butt m--"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla itong pumihit haha sakin at pinag hahampas ako ng sling bag na dala niya.
"O-ouch! C-claire.! A-aray!"
Daing ko.
"Eto naman. I'm just kidding."
Natatawang saad ko habang inihaharang sakanya ang dalawang kamay ko.
Tumigil naman na siya ngunit she's still glaring at me.
Ang galing mo Hessa.
Galit na naman ang dragon.
Maya maya pa'y may kinuha ito sa loob ng bag niya at inis na hinampas sa dibdib ko.
Papel?
Agad ko naman kinuha iyon.
"Ano to?"
Takang tanong ko.
"Kasunduan namin ng principal mo bwisit ka!"
Naiinis na tugon niya.
Halatang halata sakanyang mukha na hindi siya natutuwa sa nangyayari. Napapasuklay pa ito sakanyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.
"Woah.... Relax.."
Pampakalma ko sakanya at itinaas ko pa yung dalawang kamay ko.
"Bakit may bwisit pa sa dulo. Haha. Ano bang klaseng kasunduan to?"
Muling tanong ko at pinasadahan ng tingin ang papel na hawak ko.
"Uso mag basa eh noh?"
Sarkastikong sagot niya at inirapan pa ako.
Abat!
Baka nakakalimutan niyang ako ang boss dito.
Sa huli, binalewala ko na lang ang pag susungit niya. Baka may dalaw lang at saka utang na loob ko rin itong ginawa niya sa araw na to.
"Tinatamad ako mag basa. Sabihin mo na lang sa akin."
Nasabi ko na lang sa gitna ng pag susungit niya.
Sagarin ko nga. Haha!
Hindi makapaniwalang napabuga naman siya ng hangin at naisuklay na niya ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang daliri sa inis.
"Napaka! Napaka!"
Nang gigigil na bulong niya na rinig ko naman.
Natawa tuloy ako.
"Pirmahan mo yan! Kasunduan yan na kapag may ginawa ka na namang kalokohan, maki-kick out ka na dito sa iskul niyo!"
Inis na bulalas niya sa akin at muli na naman niya akong inirapan.
Natawa na naman ako.
So, parang binigyan na ko ng ultimatum ng school.
"Owkeey.."
Parang batang tugon ko at ngumiti sakanya ng matamis. Nag babaka sakaling mabawasan ang pag susungit niya sa angking kagandahan ko. Haha.
Pagkatapos ng pag uusap ay sabay na kaming lumabas sa restroom at nag tungo na sa parking lot para umuwi. Wala naman na akong susunod na klase at itong papel? Bukas ko na lang ipapasa.
Pinag buksan ko naman siya ng pinto ng kotse. Baka mamaya masabihan pa ako nitong hindi gentlewoman. Nakakabawas pogi points yun. Hehe?
Nang maisara na ang pinto, dali dali naman akong umikot patungong driver seat at pumasok sa loob. Pagkaseat belt, binuhay ko na ang makina ng sasakyan at pinasibad na.
"Oo nga pala.. bakit ka nag suka kanina?"
Biglang naalala ko habang nag d-drive sa kahabaan ng traffic.
Sumulyap muna ako sakanya at muling binaling ang atensyon sa daan.
"W-wala.. kinabahan lang ako..."
Mahinang bigkas niya.
"At saka.... Sa lintik na English na yan."
Dagdag pa niya na siyang ikinatawa ko.
"Tatawa tawa ka diyan?!"
Mataray nitong tanong. Napasulyap ulit tuloy ako sakanya sabay balik agad ng paningin sa road.
Mahirap na. Baka maaksidente.
"Ganon ka ba kabahan? Nasusuka?"
Nangingiting tanong ko at muling binaling ang atensyon sa daan.
"Oo! At kasalanan mo yun!!"
Sisi niya sa akin.
"What???"
Gulat na tanong ko. Hindi parin mawala wala ang ngiti sa labi ko. Paano naman kasi, nakakatawa ang itsura niya.
"Bakit naman kasalanan ko ha?"
Tanong ko habang natatawa.
"Kasi....."
Napaisip naman ito ng malalim ng sinulyapan ko ito.
"Kasi.....kasi..."
Dugtong pa niya.
Hala.. hindi ko na talaga kinaya. Tuluyan na nga akong humalakhak.
"Hahahahahahahahaha!"
Inis na hinampas niya ang braso ko na agad kong sinuway.
"Claire nag d-drive ako."
Natatawang sambit ko.
"Wala kang masabi ano?"
Tukso ko pa. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ng mukha niya ngayon dahil sa kalsada lang ang tingin ko.
"Kasi..."
Haha!
Knowing Claire, hindi basta basta mag papatalo.
"Kasi ano?"
Dugtong ko.
"Kasi ano.. kasi ano Nakakainis ka! Oo tama! Nakakainis ka! Iyon yon!"
Sigaw niya.
Tinawanan ko na lang siya at umiling.
"Wala kang magagawa. Boss mo ko."
Nakangiting turan ko at mabilis na sumulyap ulit sakanya.
Ramdam ko ang pagsinghap niya sa narinig at hindi na umimik pa.
Haha! Akala mo ha.
Nangingiting nag focus na lang akong mag drive sa daan.
Napipi na kasi yung isa diyan. XD