"Salamat sa paghatid, Nazier." pasasalamat ni Leighra kay Nazier matapos siyang maihatid nito sa bahay ni Manang Belen. Kumaway si Nazier sa kaniya bago ito umalis. Kanina pang umaga naguguluhan si Leighra at napapaisip bakit biglang nagbago ang mood ni Noah. Hindi siya pinapansin nito, and ramdam niyang bahagyang panlalamig nito sa kaniya na hindi niya maisip ang dahilan bakit nagshift ang mood nito sa kaniya. Pinahatid lang siya ni Noah kay Nazier, kaya hindi maiwasan na mainis ni Leighra sa biglang pagbabago ng mood ni Noah sa kaniya. "Hindi ko talaga maintindihan minsan ang lalaking 'yun! He act cold towards me at ang Katana lang na 'yun ang kinakausap niya na parang hangin lang ako sa tabi niya. Hindi ba dapat ako ang umiiwas sa kaniya because he tried to kiss me?!" reklamo ni Leigh

