DAHAN-DAHANG iminulat ni Leighra ang kaniyang mga mata, paupo siyang bumangon kung saan hindi niya nakita si Noah. Bumaba si Leighra sa kama kung saan nakita niya sa side table ang isang paper bag, nang tingnan ni Leighra ang laman ay damit para sa kaniya ang naroon. Agad na nagpalit si Leighra ng kaniyang damit bago lumabas ng kuwarto. Dere-deretso siyang naglakad sa pasilyo hanggang pagbaba ng hagdanan kung saan nakita niya si Nazier na may bitbit na tray ng pagkain, na natigilan ng makita siya. "Gising ka na pala kamahalan, sakto, i prepared your breakfast." ngiting ani ni Nazier na deretsong nilapag sa center table ng sala ang tray. Nagtungo si Leighra sa sala at umupo doon, nakatingin siya sa pagkain na inihanda ni Nazier na hindi naiwasang mapangiti dahil galing sa fastfood ang in

