DALAWANG ARAW nalang ang natitira kay Leighra at babalik na muna siya sa Greece, Royal Palace upang dalhin ang kaniyang mga binili na mga pasalubong. Inaayos na ni Leighra sa may sala niya lahat ng napamili niya sa loob ng tatlong araw, at sa tatlong araw na 'yun ay nasazanay na siya sa presensya ni Noah na minsan ay nagbibigay inis talaga sa kaniya dahil sa ginagawa nito. Tulad sa mga oras na 'yaon, habang inaayos ni Leighra ang mga napamili niya, ay siyang ginugulo naman Noah na di kalayuan na nakaupo sa tabi niya at pinakikialaman ang mga nasa plastic bag na pasalubong. "Can you behave for once, Noah? Alam mo, imbis na makahelp ka sa akin, you ruin pa lahat ng mga pasalubong na inaayos ko. Bored ka ba?!" singhal na sermon ni Leighra kay Noah na agad niyang inagaw ang lotion na binili

