"Kailan mo ba kami pababalikin diyan sa underground, Valdemor? Kahit pagbisita sa aming lima pinagbabawalan mo, anong meron ha?" tanong ni Cinco kay Noah mula sa kabilang linya habang pinapanuod ni Noah mula sa teresa niya ang paninimulang pag-aayos sa loob ng underground sa mga nasira matapos ang nangyaring laban na dinala ni Herrera sa loob ng underground society. Ilang linggo na ang nakalipas simula ng maging battle field ang loob ng underground society kung saan pinahintulutan ni Noah upang mapanuod paanong hakbang ang gagawin ng ilang Phantoms na dinamay ni Herrera at ginawang bihag nito. Tuwang-tuwa at amaze na amaze si Noah sa mga napanood niyang laban ng Phantoms sa bawat palapag ng lumang building sa dulong bahagi ng US. Mas lalong ine-entertain ng Phantoms si Noah sa mga pinap

