HINDI MAIWASAN ni Leighra na kabahan sa mga oras na 'yun lalo pa at hindi niya alam kung saan sila dadalhin ng mga armadong lalaking kumuha sa kanila. Ngayon lang naranasan ni Leighra ang makuha ng mga sa tingin niya ay mga taong hindi gagawa ng mabuti, pero nagtataka siya bakit okay lang si Noah sa ganitong sitwasyon. Hindi rin niya maiwasang mag-alala dahil kakalabas lang ni Noah sa clinic, sa nangyari dito dahil sa ginawa niya ay dapat nagpapahinga ito. "Nasa danger ba tayo, Noah?" mahinang bulong ni Leighra kay Noah na lumingon sa kaniya. "It looks like we're in danger but don't worry, walang mangyayari sa atin. But i can say that it pisses me off since naudlot ang pagkain ko ng bilo-bilo na niluto na wala ng halong toyo." sagot ni Noah na bahagyang ikinasimangot ni Leighra. "Nakuha

