PAGKA-UWI ni Leighra sa tinutuluyan niya matapos siyang ihatid ni Gerfreid at makapag ayos na sa pagtulog niya, ay hindi naman siya makatulog dahil kanina pa tumatakbo sa isipan niya ang nangyari sa Auction hall, kung saan nararamdaman niya at sigurado siya na si Noah ang lalaking katabi niya at humalik sa labi niya. Nakahiga lang si Leighra sa kama niya habang nakatitig sa kisame, hindi siya nilulubayan ng nangyari kanina dahil naiisip niya na nasa Switzerland si Noah at biglang nagparamdam sa kaniya matapos ang isang buwan at kalahati na hindi na ito nagpakita sa kaniya. "Kung narito siya sa Switzerland, does it mean pinuntahan niya ako dito? He knows na narito ako?" sambit na hinala ni Leighra na miya-miya ay tinawanan niya ang sariling naisip. "That's so malabo naman mangyari, he wa

