KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Leighra pero kahit maaga siyang nagising ay wala na si Noah sa kuwarto niya. Nakahinga din siya ng maayos dahil walang kalokohan si Noah na ginawa sa kaniya habang natutulog sila. At dahil hindi niya na nagawang makapag halfbath kagabi dahil nakatulog narin siya ay iyon agad ang una niyang ginawa pagkabangon niya sa kaniyang kama. Nang makapaglinis na siya sa kuwarto ay kinuha niya ang isang itim na bag kung saan nakalagay ang mga pasalubong niya kay Patricia, bago siya lumabas ng kuwarto at bumaba na. Pagkababa niya ay naabutan niya si Manang Belen na nagluluto ng umagahan sa kusina. "Good morning Nay Belen." bagi ni Leighra matapos niyang ilapag ang bag na dala niya sa may upuan at nagtungo sa may kusina. "Magandang umaga rin sayo hija, kamusta naman

