Chapter 1

2132 Words
Sydney “Syd! Ano ba ‘yan? Ang kalat ng kuwarto mo at ang lakas pa ng tugtog! Buti nakakatulog ka pa,” wika ni Stays sabay off ng radyo at inalog ako. “Gumising ka na!” “Hmmm..ano ba, Stays?” Sabay takip ng unan sa ulo ko. “Syd! Tanghali na, oh!” “Eh, wala naman akong shooting ngayon, ah! At masakit ulo ko.” “Alam ko! Oh! Iyan pumarty ka na naman kagabi. Ano ba naman, Syd?” Sermon niya. “Eh! Stays naman, ang aga pa, oh? Bakit ka ba andito?” Pilit niyang hinihila ang unan sa aking ulo. “Ah, gano’n? Haler!? Kanina ka pa tinatawagan ni Tita Giselle.” Nang marinig ko ‘yon ay agad akong napabangon. “Bakit? Ano ang sabi ni Mom?” Taka ko. Oo, mom siya ni Gia. Mommy na rin ang turing ko sa kaniya dahil mula nang bumalik sina Mommy at Daddy sa ibang bansa ay siya na nagbabantay sa akin. “Ang sabi lang naman ni Tita, eh —”Binibitin pa niya ako, pangiti-ngiti siya at iniinis ako. “Ano?!” Kumunot ang noo ko. Tumawa naman siya. “Nakakatawa itsura mo, Syd. Pinapasabi lang naman ni Tita sa iyo na on the way na sila, papunta dito. Hindi ka raw kasi ma-contact, kaya ako ang tinawagan para sabihin sa iyo.” “What?! Bakit ngayon mo lang sasabihin?!” Patuloy siya sa pagtawa kasi natataranta na ako. “Tawa ka pa nang tawa! Tulungan mo na lang kaya akong mag-ayos dito!” “Okay, fine! Ang kalat ng kuwarto mo, ang daming bote ng alak. Ano ka ba naman, Syd!” “Hay nako! Puwede ba tumigil ka na sa kakasermon at bilisan na natin! Baka dumating na sila.” “Ewan ko ba naman kasi sa iyo? Bakit naman kasi ang kalat dito. Kung ako sa iyo, Syd, iwas-iwasan mo ang kakainom mo, mukhang gabi-gabi na naman, ha?” Napakamot na lang ako sa aking ulo. “Stays, it’s not the best time for this. Dali na!” “Heto na nga, oh! Kung ako sa iyo, iwas-iwasan mo ang kakainom.” “Alam mo naman, di ba? Na alak lang ang nakakapagpakalma at nakakapagpatulog sa akin.” “I know, pero grabe! Mukhang isang case naman gabi-gabi!” “Ang OA mo! Bilisan na natin! Baka maabutan nila tayo.” “Hay nako! Mabuti nga kung ganoon nang makita ni Tita ang pinaggagawa mo.” “Alam mo daig mo pa ang mga pari sa kakasermon mo.” “It’s for your own good, Syd. I am helping you with this one, pero once na naulit ito, ako na mismo ang magsasabi kay Tita. Hindi ko ito-tolerate ang ganitong behavior mo.” Hindi ako nakaimik kasi tama naman siya. Mabuti na lang at tinulungan niya ako kaya madali kaming natapos. “Thank you!” “No problem. Oh! Basta, ha? Iyong usapan natin. Oh! Sige na, mauna na ako magkikita pa kami ni honey bunch.” “Sige. Ingat. Say hi to Marcus for me.” “I will.” Nagpaalam na siya. Umupo ako sa aking kama at napatingin sa paligid ng kuwarto ko, na ngayon ay malinis na. Nakita ko ‘yong picture ni Gia na naka-frame, bigla akong naluha, nami-miss ko na siya. It's been two year mula nang iwan ako ni Gia, ang hirap. Hindi ko pa rin tanggap na wala na siya. Oo, sinubukan kong magmahal muli, pero wala, eh. I never take any relationship seriously. Kasi after no’ng kay Gia. Nagmahal ako, buti na lang hindi pa ako fall na fall sa kaniya kasi user siya. Ginamit niya lang ang kasikatan ko. Gano’n pala talaga tama si Gia kung mayaman ka o sikat ka, hindi mo alam kung ikaw ba ang mahal o ‘yong kung ano ang mayroon ka. Well, gano’n talaga. Kaya ngayon nag-e-enjoy lang ako. Kasama ko pa rin ang tropa at graduate na sila. Ako hindi pa dahil pasaway, eh. Sabi nga nila bumalik na naman ako sa dating ako.Eh, ano ang magagawa nila party girl ako. Pinunasan ko na ‘yong luha ko savay kuha ng tuwalya ko ‘yong at nagtungo na sa banyo. Stacey Hay nako! Si Syd talaga bumalik na naman siya sa pagiging party girl. Pilit na lang naming iniintindi kasi hindi pa rin siya nakaka-move on. Sinubukan niyang magmahal muli kaso bigo. Ako nga pala ngayon ang parang tumatayong caretaker niya. May sarili akong susi sa bahay nila. Sinabi nga ni Tita Giselle kay Syd na baka mas makakabuti sa kaniya kung sa ibang bahay na lang. Kasi every corner ng bahay nagpapaalala sa kaniya kay Gia, pero ayaw niya kasi feeling daw niya kasama pa rin niya si Gia kapag nasa bahay na ‘yon siya. Dahil sa pag-aalala namin kay Syd nag-counseling siya. Pagkatapos ko siyang tulungang maglinis. Umalis na ako para i-meet si honey bunch, na ngayon ay nagte-training maging manager sa pinatayo na resort ng parents niya. Kami pa rin hanggang ngayon. Sinubok kami ng tadhana bago kami grumaduate kasi nalaman na ng parents niya na ganito ako, transgender. Ipinaglaban niya ako. Ewan ko kung ano ang ginawa niya at naging okay naman ang lahat. Naging ka-close ko na nga sina Tita at ang Ate niya. Medyo takot pa ako sa Dad niya, hindi kasi naimik. May bumusina sa akin siya na pala, agad siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Nang makasakay ako ay agad niya akong hinalikan sa pisngi. “Kanina na pa rito? Sorry, ah?” Ngumiti siya. “Okay lang, honey bunch. Galing din ako kay Syd.” “Ah, gano’n ba? Kumusta naman siya?” “Ayon! Alam mo na. She said hi raw.” “I think dapat lumabas tayo one of these days. Busy ba sina P.A at Sab?” “Si P.A? Oo, busy. Si Sab naman may dadaluhang binyag bukas, eh! By the way, hon, puwede — hindi ba may itatayo na bagong branch ng restaurant sina Yuan?” Oo, barkada na rin namin sina Yuan at Trish. Magkasama pa rin sina Trish at Syd sa work. Alam n’yo bang big time na si Syd ngayon. Bukod sa isa siya sa pinakasikat na model at recording artist. Uma-acting na rin siya, artistang-artista na. Sunday ngayon kaya hindi siya gano’n ka-busy kasi ‘yon ang gusto niya. Sunday, eh rest day niya. Sosyal! Sydney Nagsasalamin ako at tinitignan ko kung okay na ang itsura ko. Nang biglang, may bumusina. Andyan na sina Mom! Nagmadali ako pababa ng hagdan. Wala akong kasama sa bahay. Mas gusto ko kasi na mag-isa para walang nakikialam sa akin. Agad kong bunuksan ang gate. “Hi, anak!” Nakangiting bati ni Mom. Agad akong nagmano sa kanila ni Dad at niyakap ko sila. “Gail! Akala mo hindi ka nakikita ni Ate, ah?” Agad akong nagpunta sa likod ni Mom kung saan siya nagtatago. Natawa naman sina Dad at Mom. “Bulaga!” Wika ko kay Gail na tawa nang tawa. “Halika rito!” Agad naman niya akong niyakap. “Mom at Dad, naging mabait ba si Gail?” Tanong ko habanng buhat ko siya. “Anak, ang kulit-kulit na niyan,” wika ni Dad. “Ay! Makulit na pala ang bebe Gail ko, tsk!” Nabe-baby talk ako. “Ate, naman behave naman ako.” Medyo bulol pa siya or nagpapa-cute lang sa akin. “Weh? Na-miss mo si ate?” “Opo!” Sabay yakap at halik sa pisngi ko. Naglakad na kami papasok sa bahay. Kapag andito sila, ang saya-saya ko. Si Gail pala in-adopt nina Mom at Dad noong three years old siya. Ngayon, five years old na siya. Ang cute niya, ang daldal kapag nagkuwento ito wala ng katapusan, biba. Love na love ko itong batang, ‘to! Maputi, kulot ang buhok at sobrang cute, nakakapang gigil. Dahil kay Gail napapawi ‘yong pangungulila nina Mom at Dad kay Gia. Eh, ang layo ko rin kasi sa kanila. Minsan tulad ngayon lumuluwas sila rito. “Ate, gutom na ako.” Napahawak siya sa kaniyang t’yan, “Nako! Gutom na ulit ang baby? Kakakain lang natin kanina.” Natatawang wika ni Dad. “Opo.” Ang cute talaga niya. “Mom at Dad, umupo po muna kayo r'yan, ah. Maghahanda lang po ako ng pagkain.” Agad akong nagtungo sa kusina, pagbukas ko ng ref. Lagot! Wala nga pa lang laman. Hindi ako nakapag-grocery. Kinuha ko ‘yong cellphone ko at magpapa-deliver na lang ako. Bumalik na ako sa sala. “Bebe! Wait lang, ah? Mag-o-order pa si Ate.” Ngumiti ako sabay upo sa tabi niya. “Ano ang gusto mo?” “I want pizza!” “Kayo po, Mom and Dad?” “Ikaw na ang bahala, anak.” “Sige po.” Ngumiti ako at ibinbalik ang tingin kay Gail. “Gusto mo maglaro muna tayo?” “Ah, sige, Ate!” “Ang dami talagang energy ng kapatid mo. Oh! Anak, maiba ako, kumakain ka ba nang maayos? Baka naman pinapabayaan mo na ang sarili mo, ah?” wika ni Mom. “Ah! Kumakain po ako, Mom. Don't worry po.” Ngumiti ako sa kaniya. “Oh! Bebe, ano ang gusto mong laruin dito?” Gusto raw siya ‘yong dance. Ang batang ito talaga, naaliw kami sa pagsayaw niya. Maya-maya, dumating na ‘yong order namin at masaya naming pinagsaluhan ito. “Oh! Gail, hinay-hinay lang.” Tatawa-tawang wika ni Mom. “Ang sarap po kasi ng pizza.” Ngumiti siya. “Don’t talk when you mouth is full.” “Opo.” Sumubo siyang muli. Nakakatuwa ang gana niyang kumain, knowing na kumain sila kanina. “Oh! Anak, kumain ka rin nang kumain.” Nakangiting wika ni Mom sabay akbay sa akin. Ang sarap talaga sa pakiramdam. Matapos kumain ay pupuntahan namin si Gia. Nang makarting kami ay inilapag ko na ‘yong bulaklak at nagtirik din ng kandila si Mom. “Hi, Ate Giaaaa!” “Hi, Anak, name-miss ka na namin. Mahal na mahal ka namin. Sana masaya ka watching over us. Ang laki na ng kapatid mo, oh! Sayang, sana pala noon pa. Alam kong pangarap mong magkaroon ng kapatid.” wika ni Mom. Ako naman sa isip ko na lang ‘yong gusto kong sabihin sa kaniya. Miss na miss na kita, Gia. Sorry kung nagiging pasaway ako. Gusto na kasi kitang makasama, eh. Sorry kung ito ‘yong way ko to escape the pain. Mahal na mahal kita alam mo ‘yan. Sabay alis ng shades na suot ko. Lord, kayo na pong bahala sa taong mahal ko, ah? Sabay ngiti. Sad to say, balikan lang pala sina Dad at Mom. Matapos naming bisitahin si Gia ay kakain lang tapos uuwi na sila. “Mami-miss kita, Ate. Picture po tayo!” Agad niyang kinuha ‘yong cellphone ni Dad. “Tingin po kayo rito. One two three…” Tawa kami nang tawa kasi siya lang din ang nakuhanan. Ang kulit talaga niya, nakaka-good vibes. Nagpa-picture na lang kami sa isang crew na naroroon. “Oh! Anak, mag-grocery muna tayo bago kami umuwi. Nag-aalala kami ng Daddy mo, wala kang pagkain sa bahay at para hindi ka lagi sa labas kumakain." Nagtinginan naman kami ni Dad. Alam na, si Mom talaga. “Oh! Bebe Gail, ano ang gusto mo r’yan? Kumuha ka na. Kainin n’yo sa biyahe.” Ngumiti ako. “Yey!” Tuwang-tuwa siya. “Anak, huwag puro matatamis.” Paalala ni Dad. Nami-miss ko tuloy noong bata pa ako, ang saya lang. Walang problema, mababaw ang kaligayahan. Akala ko noon na ‘yong sugat kapag nadarapa ako ang pinakamasakit, hindi pala. Nagbago lahat iyon habang lumalaki ako. Nakikita ko ‘yong sarili ko kay Gail. Pagkatapos naming mag-grocery, hinatid na nila ako sa bahay. “Oh! Anak, mag-iingat ka rito, okay?” Sabay yakap sa akin. “Opo, Mom.” Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan ko siya sa pisngi. Niyakap ko rin si Dad. “Kapag kailangan mo kami. Tumawag ka lang.” “Opo, Dad.” “Ate!” sabay kalabit sa akin. “Mami-miss kita, ah!”Sabay abot ng isang lollipop. “Aww! Ang sweet naman ng bebe ko!” Niyakap ko siya at hinalikan.“Be a good girl, okay?” “Opo!” Hinalikan niya ako sa pisngi. “Oh! Anak, paano aalis na kami?” wika ni Dad. “Sige po. Ingat po kayo.” Ngumiti ako. “Oh! Double lock your doors, okay?” Si Mom talaga ang daming bilin. “Ba-bye, Ate ko!” Kumaway at nakadungaw siya sa bintana. “Bye, ingat kayo!” Sabay flying kiss sa kaniya sabay ngiti. Gia, I wish you were here.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD