Chapter One

1418 Words
Alex "Napasa mo na kay TL yung resignation letter mo Alex?" Tanong ni Andrea sakin habang tumataas baba ang kanyang kilay. Matagal na kaming magkaibigan ni Andrea, nagkakilala kami dito sa BPO Industry, nagkasama kami sa training ng pareho kaming matanggap sa isang Healthcare Account at nang makalusot sa lahat ng trainings at naendorsed kami sa Operation, naging team mates din kami. Kami ang tinatawag ngayon na mga bayaning puyat at ang gabi ay nagiging umaga. Malapit na din naming maging kalahi si Dracula dahil namumutla na din kami dahil hindi na nasisikatan ng araw. "Hindi pa nga eh, humahanap pa ako ng tiempo, alam mo naman yun, baka hindi ako payagan. Nung nagparinig nga ako sa kanya na magreresign na ako, dinedma lang ako tapos sinabihan pa akong may post ng Q.A na magoopen. Dinendma ko din sya." Mariin kong sagot sa tanong nya. "Kasi nga ayaw ka nyang magresign. Maayos naman kasi ang stats mo at hindi ka pa pala-absent, unlike me. Gusto ka lang naman nya na mapromote." Tumatawang sagot ni Andrea. "Gusto nya akong mapromote pero ang gusto ko ay ang magresign! Iniisip ko ngang mag-AWOL eh, kaya lang sayang yung sahod ko at yung backpay, baka hindi ibigay ng company." "Hindi talaga yun ibibigay at baka i-hold pa yung last salary mo, kaya magresign ka ng maayos." "Ok fine. Magpapasa na talaga ako ng resignation letter kay TL James, o kaya diretso na ko kay Boss Dustin, sa tingin mo?" Nginitian ko si Andrea. Binato nya saken ang kinakain nyang mani at tumama sa noo ko. "Awww, masakit ah." Reklamo ko sa kanya. "Bruha ka talaga, tara na at 5 minutes nalang, magcomfort room pa ako." Patapos na ang break namin at sabay kaming naglakad ni Andrea papunta ng ladies room. Alexandrea Reyes Castillo ang fullname ko. 28 years old, single but not available. Mag 5 years na ako sa BPO Industry, oo Call Center Agent ako. Malayong-malayo sa natapos kong Nursing na kurso. Kung pinush ko kasi ang pagiging Nurse at nagtrabaho sa Hospital, hindi kakayanin ng sasahurin ko ang mga bayarin sa bahay, isama pa ang maintenance meds ng tatay ko. Meron kasi syang DM Type II. Mahal at madami kasi syang iniinom na mga gamot. Medyo malaki na din naman ang sahod ko sa company ko, plus the benefits and the night differential, isama pa ang HMO na kelangan ng tatay ko. Pero nakakaramdam na kasi ako na hindi na ko masaya sa work ko, napapansin kong nagiging routine na yun mga ginagawa ko. In short nagsasawa na ko sa mga ginagawa ko kaya iniisip ko ng magresign. Ang tanong lang kapag nagresign ako, anong trabaho ang hahanapin ko at magpapasaya sakin? Problema ko na naman yung mga gastusin kapag nawalan na ako ng trabaho. Hayyyy life, kaya hindi padin ako makapagdecide kung magreresign ba talaga ako. Tapos na ang shift namin ni Andrea, hanggang 6 AM lang kami pareho. "Kain tayo Lex, kanina pa ako nagugutom eh. Kumain tayo ng masarap." Yaya ni Andrea." Out na din kaya ni Dawn, yayain din natin ang babaeng yun, baka magtampo na saten." Si Dawn ay isa pa namin kaibigan, nasa ibang team lang sya at late ang out nya. "Imessage ko nalang sya. San ba tayo kakain?" Paglabas namin ng building, nagkatinginan kaming dalawa. At napunta kami sa KFC. Nakaorder na kami ng mga pagkain namin ng dumating si Dawn. "Grabe ang dami naming cases ngayon, dami ko pang irereview at tatawagan." Sabay kagat ng chicken at subo ng mashed potato. "Buti pa kayo diretso out na tapos uwi na agad, samantalang ako, OT pa ako hanggang matapos ang cases ko." Nagmamaktol nyang sabi. Iba kasi ang trabaho ni Dawn samen, part sya ng isang special project kaya madami syang ginagawa. "Idaan mo nalang sa kain yan Dawn, matatapos mo din mga cases mo." Sabi ko sa kanya, nginitian ko nalang din ang aming naghihimutok na kaibigan. "Magreresign ka na talaga Lex? Pinayagan ka ng TL mo?" Biglang tanong ni Dawn. "Hindi pa nya napasa yung resignation letter nya kasi nagdadalawang isip pa sya." Sagot ni Andrea. Napabuntong hininga na lang ako bago sumagot. "What I'm thinking is, pag nagresign ako, mawawalan ako ng trabaho, may sasahurin nga ako pero hindi yun magtatagal gawa ng mga expenses ko, yung backpay naman, sure akong aabutin yun ng 3 months bago ko makuha. Mawawalan na nga ako ng trabaho mawawalan pa ako ng pera. San ka pa?" "Eh di wag ka na magresign o kaya magbusiness ka nalang." Nakangiti pa si Dawn ng sabihin nya ang naisip nyang idea. "Hindi sapat yun naipon ko para magbusiness nuh, saka wala akong maisip na ibubusiness. Saka hindi ako Business minded na tao baka malugi pa negosyo." "Tama na yan usapang ganyan, kumain na muna tayo. Magtayo tayo ng Business pag mayayaman na tayo." Nagtawanan kami sa sinabi ni Andrea kasi alam naman namin na malayo sa katotohan ang yumaman kami not unless makapagasawa kami ng mayaman. Anyway, mayaman naman ang bf ni Andrea, naisip ko bigla. Paglabas namin ng KFC, nagpaalam na si Dawn kasi babalik pa sya sa office para magwork. Magkasabay kami ni Andrea palabas ng vicinity. Tumingin ako sa paligid dahil hinahanap ko ang isang stray tabby cat na pinangalanan kong Minmin, palagi kasi akong may baon na catfood para pag may nakita akong stray cat may pagkain akong mabibigay. I'm a cat lover by the way. At natuwa ako ng makita ko si Minmin nakaupo sa isang upuan ng isang Coffee shop sa may labas at busing busy sa paglilinis sa sarili. Nilapitan namin si Minmin at binigyan ng catfood. "Ang taba taba mo na Minmin, madami yatang nagpapakain sayo dito eh." Nilagay ko sa may upuan ang catfood at inumpisahan na nyang kainin. "May iba din kasing nagpapakain kay Minmin." Hinawak-hawakan pa ni Andrea sa likod si Minmin na tila gustong gusto naman ng pusa. "Mauna na ko Lex, nandyan na ang aking sundo." Napatingin kami sa isang pumaradang Red na Vios at bumusina pa. "Byers, see you later." "Byers. Take care, paki-Hi nalang ako kay Pierce." Nagbeso-beso pa kami bago sya umalis. Nakaalis na si Andrea pero hindi pa ako umalis sa tabi ni Minmin, napaupo nadin muna ako sa katabi nitong upuan at pinagmasdan sya habang kumakain. Hinaplos haplos ko pa ang kanyang mukha at ang likod nito. "Ang bango naman, amoy kape." Sa isip ko sabay tingin sa loob ng Coffee Shop. Malamang coffee ang tinitinda sa loob kaya amoy kape kaya nga coffee shop eh. Natawa nalang ako sa naisip ko. Nang hindi sinasadyang mapatingin ako sa loob ng Coffee shop at sa harapan ko ay may isang lalakeng nagkakape. Nahaharangan ng glass wall ang pagitan namin at may isang lamesa na pagitan pa pero hindi yun naging hadlang para hindi ko makita ang features ng lalakeng nasa harapan ko. Natulala ako sa hitsura nya. Nakaside view pa sya, he has a perfect pointed nose, thick eyebrows and I think he has brown eyes. Ginusto ko pa syang humarap para makita ko ang buo nyang mukha at hindi ako nadisappoint ng bigla syang humarap at nagtama ang mga mata namin. Napanganga ako habang nakatitig sa kanya. Tinalo nya sa kagwapuhan ang crush kong si Jensen Ackles ng series na Supernatural. Napakagwapo nyang nilalang, bumaba ang mga mata ko sa manipis at namumula nyang lips, hindi din nakaligtas sa paningin ko ang perfect jaw nya na medyo may tumutubong stubbles, at ang perfect nyang pointed nose, pamatay din. Nakikita ko din ang malapad nyang balikat at mukhang matangkad din ang lalakeng ito. Siguro ng magsabog ng kagwapuhan si Lord sa mundo sinalo lahat ng lalakeng to, sobra-sobra ang blessings nya eh. Bigla akong natauhan ng marealized kong nakatingin nadin pala sya sakin at lumalaban na pala ako ng titigan sa kanya. I can see the amusement in his handsome face at bahagyang nakakunot ang noo nya at nakita kong tumaas ng kunti ang labi nya. Ngumiti ba sya? Naramdaman kong nag-iinit na ang mukha ko kaya nagbawi na ako ng tingin. Agad agad akong tumayo at nagpaalam na kay Minmin. Dali dali akong naglakad papunta sa sakayan ng UV Express. "At talagang nakipagtitigan ako sa kanya, ngayon lang ba ako nakakita ng pogi?" Tanong ko sa sarili ko. "Oo yung ganon na kapoging nilalang, ngayon lang ako nakakita in person, tinalo pa nya ang mga artista." Mabuti nalang at umalis na ako, nakakahiya kasi yung ginawa ko. Mahina kong binatukan ang sarili ko dahil sa kagagahan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD