Hindi pa man tuluyang nakaka-move on sa matinding away nila ni Randy, heto’t isang masamang balita na naman ang dumating kay Belle. Ayon kay Ms. Mica, nabaril daw si Calix sa may Santa Lucia. Ang kalaban umano ni Governor Aiden Cruzano—na siya namang asawa ni Dra. Lyka at pinsan ni Calix, ang nasa likod ng lahat. kuwento pa ni Ms. Mica, inabangan daw ang sasakyan nina Calix habang paluwas na sana ng Maynila. Kasama nito ang kapatid ni Alden at si Almira, ang kapatid mismo ni Calix, na siya raw talagang target ng mga armadong lalaki. Ngunit bago pa man nila magawa ang balak, lumaban si Calix. Sa kanyang pagtatanggol, siya ang tinamaan ng mga bala. Bigla siyang nabahala nang marinig ang balita tungkol kay Calix. Saglit niyang nakalimutan ang away nila ni Randy dahil sa pag-aalala. Ngunit a

