Chapter 6

1193 Words
Gabi na nang umuwi si Randy. Halos alas-diyes na, pero matiyaga pa rin siyang hinintay ni Belle. Pagkarating ng asawa, dali-dali niya itong sinalubong at tinulungan sa mga gamit. “Kakain ka ba?” tanong ni Belle, mahinahon ang boses. “Sa tingin mo, makakakain pa ako sa ganitong oras?” balik-tanong ni Randy, halatang pagod at inis. Hindi na lang umimik si Belle. Tahimik niyang inayos ang mga gamit ng asawa. Sanay na siya, kapag mainit ang ulo ni Randy, ibig sabihin stressed ito sa trabaho. Tumingin si Randy kay Belle. Nakapantulog na ito, suot ang lumang pajama na paborito nito. “Sige na, matulog ka na. Ako na bahala sa sarili ko,” inis na sabi ni Randy. Napabuntong-hininga siya. Hindi ganito ang pangarap niyang buhay. Kung hindi lang nabuntis si Belle noon, siguro binata pa rin siya ngayon at nage-enjoy sa buhay. Siguro, baka naging girlfriend pa niya si Chloe, ang kanilang sales manager na napakaganda. Natigilan siya. Ano ba ‘to? Naalala niya na bukas ay kailangan na naman nilang mag-report sa CEO, si Calix Li Salazar, ang masungit na boss na halos lahat ay kinatatakutan. Guwapo, mayaman, at may lahat sa buhay… pero ang daming tsismis tungkol dito. May nagsasabi pang may pagka-psycho raw, na kapag wala sa mood ay nagbabalibag ng gamit, nagkaka-seizure, at may bumubulong daw dito. Kaya daw dapat hindi siya ginagalit. Pero sa dalawang taon niyang pagtatrabaho, hindi pa naman niya nakikitaan ng kakaibang ugali ang kanilang CEO, bukod lang sa cold ito. Tinignan ni Randy ang sarili. Guwapo ako, may tikas, pero parang kulang. Walang thrill. Wala nang saya. Naalala niya tuloy ang kabataan niya, marami siyang napabaling babae noon. Tumino lang siya nang dumating si Lira, anak namin ni Belle. Natigilan siya ulit. Bakit si Chloe ang naisip ko? Mahal ko naman si Belle, ‘di ba? Belle’s POV Tahimik akong nag-ayos ng mga gamit ni Randy. Hindi ko na sinagot ang sagot niya kanina, sanay na ako sa ganitong gabi. Alam ko kapag pagod siya, mas mabuting hindi ko na lang siya sabayan sa init ng ulo. Napansin kong napabuntong-hininga siya. Parang ang bigat ng mundo sa balikat niya. Gusto kong tanungin kung ayos lang ba siya, pero baka mas lalo lang siyang mainis. “Sige na, matulog ka na. Ako na bahala sa sarili ko,” sabi niya, medyo inis ang tono. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung nasaktan ba ako o naiintindihan ko siya. Gusto kong sabihin na hinihintay ko siya buong gabi para lang makasalo siya sa hapunan, pero baka hindi niya rin pahalagahan. Habang tinutupi ko ang kanyang polo, napansin kong nakatitig siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Pero ramdam ko, malayo ang isip niya. Minsan iniisip ko, tama pa ba ang ginagawa ko? Tahimik na lang ako palagi, nag-aasikaso, nag-aadjust. Pero bakit parang hindi sapat? Gusto kong sumigaw. Gusto kong tanungin kung mahal pa ba niya ako, kung masaya pa ba siya sa buhay na meron kami. Pero wala akong lakas ng loob. Lumapit ako sa kanya, marahang hinaplos ang balikat niya. “Magpahinga ka na lang, mahal. Baka mapagod ka lalo,” bulong ko. Hindi siya sumagot. Tumango lang siya at umupo sa gilid ng kama. Umupo ako sa kabilang dulo, pinanood ko siyang nakayuko, tahimik. Hindi ko alam kung anong laman ng isip niya, pero sana… sana kasama pa rin ako sa mga pangarap niya. Belle’s POV (Earlier) Pagkatapos ayusin ang mga gamit ni Randy, saka lang ako nakahiga sa sahig, katabi ng maliit na foam. Hindi talaga kami kasya sa maliit na kama namin, kaya ako na lang ang laging nag-aadjust. Ramdam ko ang lamig mula sa sahig, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa dibdib ko. Tahimik lang akong tumalikod at pinilit matulog. Hindi ko na napigilan ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Bakit ganito na lang palagi? bulong ko sa isip. Hanggang kailan ko kakayanin? Dahil sa pagod, nakatulog din ako sa wakas. POV Lira Nagising si Lira mula sa kanyang maliit na kama sa kanto ng kwarto. Apat na taong gulang pa lang siya, pero ramdam niya kapag may lungkot sa bahay. Bitbit ang maliit niyang stuffed bunny, lumapit siya sa mommy niya na nakahiga sa banig. Kita niya ang bakas ng luha sa pisngi nito kahit tulog. Dahan-dahan siyang humiga sa tabi ng mommy niya sa sahig at yumakap dito. “Mommy… love you po…” mahina niyang bulong. Hindi gumalaw si Belle, pero tila bahagyang bumuntong-hininga at kumalma. Napatingin si Lira sa kama kung saan mahimbing na natutulog si Randy. Hindi niya maintindihan kung bakit hiwa-hiwalay sila matulog, pero tahimik lang siyang pumikit. Bukas, sana masaya na ulit si Mommy, naisip niya bago tuluyang makatulog sa tabi ni Belle. Maagang umalis si Randy at hindi na kumain sa bahay dahil may meeting sila ng mga sales staff para sa report kay Mr. Calix. Sinabi niya kay Belle na doon na siya kakain sa office. Napabuntong-hininga na lang si Belle, medyo nalungkot pero nasanay na rin siya sa ganitong routine ng asawa. “Hop in,” malumanay pero may authority na sabi ni Calix. Nag-alinlangan si Belle at nahihiyang ngumiti. “Naku, Sir, hindi na po—” “I insist,” putol nito, may bahagyang ngiti. “Mainit na, saka mabigat pa yang dala mo. Hindi bagay na pinapahirapan mo sarili mo.” Bumaba siya, kinuha ang dala ni Belle at binuksan ang pinto para sa kanya. Pagpasok niya, napatingin si Belle sa loob ng sasakyan, malamig, mabango, at parang ang tahimik ng mundo. Napansin ni Calix na parang lumalayo siya. Bahagya itong natawa. “Relax lang, Belle. Hindi kita kakainin,” sabi niya, medyo teasing ang tono. Napangiti siya nang bahagya. “Name mo ulit?” tanong nito habang naka-focus sa daan. “Belle,” mahinang sagot niya. Tumango si Calix, saka sinulyapan siya sandali. “Belle… bagay sa’yo. Simple pero classy.” Medyo namula si Belle at umiwas ng tingin, bahagyang kinagat ang labi. “You look young. Graduate ka na ba?” seryosong tanong nito. “Opo. Business Administration po.” “Business Ad? Sayang naman kung sa bahay ka lang o nagtitinda. You’re smart—I can tell. Kung gusto mo, send mo sa’kin resume mo. I can get you in.” Umiling si Belle, magaan ang ngiti. “Salamat po, pero may anak at asawa po ako. Wala pong mag-aasikaso sa kanila.” Saglit na natahimik si Calix, halatang nagulat. “Ah, ganun ba…” tumango siya, pero hindi nawala ang magaan na ngiti. “Mabuti namang inaalagaan mo pamilya mo.” Pagdating nila sa office building, bago siya bumaba, nagsalita ulit si Calix. “Wait. Hindi na ako papasok, may meeting pa ako after this. Can I buy some of your food?” “Dalawa lang po, afritada at ginisang sayote.” Ngumiti si Calix, parang na-curious. “Then I’ll take both. Gusto ko matikman yung luto mo.” Iniabot niya ang bayad, nagtagal ng kaunti ang tingin kay Belle. “Thanks, Belle. Ngayon pa lang, mukhang masarap na.” sabay kindat ng bahagya bago bumaling kay Ronald. “Ronald, dalhin mo ‘to sa office. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD