Belle’s POV Tahimik lang akong naglilinis ng maliit kong sala nang kumatok si Chona, dati kong officemate. Pinagbuksan ko siya. “Uy, Belle! Kamusta ka na? Nabalitaan ko nga pala… hindi ka na bumabalik sa office. Na-miss ka ng iba.” Pinapasok ko siya at inabutan ng tubig. Napaupo siya sa sofa, medyo nag-aatubili pero halatang may gustong sabihin. “Alam mo, hindi ko alam kung sasabihin ko ba ’to pero… Belle, lantaran na raw ang relasyon nina Randy at Chloe. As in, hindi na nila tinatago. Kahit sa office, napapansin na ng lahat. Nabalitaan ko pa nga na kung saan-saan sila nakikitang magkasama.” Parang may kumurot sa puso ko, pero pinilit kong ngumiti. Nakatingin ako sa baso ng tubig na hawak ko, pinipigilang magpakita ng kahit anong emosyon. “Chona… salamat sa concern. Pero okay lang a

