Randy’s POV (Pagpapatuloy) “Manong, dahan-dahan lang, huwag niyong masyadong dikitan.” Halos pabulong na sabi ni Randy habang nakasandal sa upuan ng taxi, pero hindi mapakali ang mga daliri niya — paulit-ulit na kumakagat sa kuko. Sinusundan nila ang itim na kotse mula EDSA papunta sa may Ortigas. Kada stoplight, sumisilip siya sa bintana, sinisigurong hindi sila nawawala sa tanaw. Tahimik sa loob ng taxi. Tanging ugong ng makina at pintig ng puso niya ang naririnig. Pagkatapos ng ilang minuto, huminto ang kotse nina Chloe sa harap ng isang kilalang hotel. Hindi ‘yung tipong lugar ng business meeting — ‘yung klase ng hotel na tahimik, tinted ang lobby, at madalas puntahan ng mga taong ayaw mapansin. Nanuyo ang lalamunan ni Randy. Pinanood niya habang bumaba si Mr. Ramos, saka

