Nang humupa na ang emosyon sa paligid at muling bumalik sa tawanan ang mga bisita, unti-unting lumapit si Belle kay Randy. Hawak pa rin ni Liran ang kamay ng ama, ayaw pa sanang bitiwan, pero nang makita nitong nag-uusap ang dalawa, kusang lumapit si Calix at hinawakan ang balikat ng bata. “Halika, Liran. Bigyan natin ng sandali sina Mommy at Daddy, okay?” Tumango si Liran bago sumama kay Calix. Naiwan sina Belle at Randy, magkatapat, pero may pagitan ng mga alaala at sugat sa pagitan nila. “Belle…” mahinang sabi ni Randy, halos pabulong. “Pasensya na, ha? Gusto ko lang talaga makita ang anak ko. Wala akong balak mangulo sa inyong mag-ina.” Huminga siya nang malalim, halatang hirap pigilan ang luha. “At gusto ko ring humingi ng tawad sa’yo. Sa hindi ko pagpapakita ng matagal na panahon…

