Jamie
" Any problem in here? " Rinig kong sambit ng isang baritonong boses.
Napalunok kaagad ako ng tingnan ko kung sino ang nagmamay-ari nito.
Gosh! Hampogi talaga ni drake...hihihi.
" Ahh, kasi captain pinipilit ko pong sumali si Jamie para sa booth natin, kinulang po kasi tayo sa babae kaya kailangang kailangan namin ng pandagdag, kahit isa lang, di kasi namin kaya kung dalawa lang kami, pero mukhang ayaw po ni J-- " Hindi ko na ito pinatapos nang takpan ko ang kaniyang bibig. Nyeta! Mababad-shot pa ako sa bebeloves ko ng dahil sa bunganga ng Rose na to e!
" Ahhh, Napa-OO nga agad ako captain ng tinanong ako ni Rose eh! Alam mo na, para sa Team ay gagawin ko talaga ang lahat, hehhe, gustong gusto ko nga 'to e, pangarap ko rin kasing maging isang maid kahit isang linggo lang.. he he he " Mabilis kong saad dito, napatingin naman sa akin si Rose na parang di makapaniwala sa kaniyang narinig. Kahit nga ako eh! Kanina lang ay halos isumpa kong hindi ako sasali sa pakulong ito, pero dahil sa Taglay kong landi ay masasabi ko na lang na ' Wala nang atrasan to! '
" Good to hear that, this will serve as our fund raising as well, so I hope that all of you will do your Job effectively, we need to Accumulate enough money para meron tayong fund sa team, okay? Malapit na rin kasi ang competition." Drake said bago tumalikod at bumalik sa practice nila. tengene..mukhang mapapasubo ako ngayon aah! Buti sana kung yung kay drake ang maisusubo ko, charot.
" Hoy! Ano yun bakla? Kulang na lang lumuhod ako sa asin at lumuha ng dugo mapa OO ka lang , pero nang nagsalita na si captain ay walang kemeng umoo ka, take note, ang pabebe pa ng OO mo! Malantod ka bakla! CRUSH mo si captain noh? " mahabang sabi nito sa akin. Ang daldal, hablutin ko dila mo eh! Di naman kami close, tsk. Asan na kasi ang Leo na yun, napasubo tuloy ako dito.
" Eh wala eh! Alangan namang humindi ako! Eh baka paalisin pa ako ni captain sa team, atleast umoo na ako diba? So what's the big deal? Maging masaya ka na lang pwede? " kunwaring inis kong turan dito, dzuh! Ganyan talaga pag nagmamahal, gagawin mo ang lahat kahit pa na labag sa loob mo, hay!
" Well, Thank you bakla, for sure magugustuhan mo 'tong theme natin, hahahah " sabi nito sabay yakap sa akin. Napairap na lang ako.
" Whatever "
***
Di nagtagal ay dumating na rin si Leo na may dalang Snacks, may 30 minutes na break kasi kami, sana pala sumama na lang ako sa pagbili niya kanina, napuntusan pa tuloy ako ni Rose.
Kinuwento ko naman dito ang nangyaring paguusap namin ni rose kanina, at ang hinayupak ay grabe kung tumawa. Saksakin ko lungs mo ng straw eh!
" Gago ka, ba't kasi antagal mo, 'yan tuloy ako ang napagdiskitahan, ehhh! Pano ba yan! Next week na 'yon! Nahihiya pa naman din ako! Sumali ka na rin kaya? Ang daya mo! Newbie ka rin naman ah? " inis kong turan dito sabay hampas sa braso nito, well , chansing chansing muna pag may time, antigas eh..hahah
" Alam mo namang isasali ako sa laro diba? Kaya mo 'yan, bibisitahin na lang kita pagkatapos ng laro namin, first and second day lang naman yon ng foundation week, and I can't wait to see you wearing a cute Japanese maid outfit. Hahaha, ano kaya ang magiging hitsura mo? Hahahaha, just imagining on how you look like wearing one with a smug look on your face really makes me laugh so hard! Hahahhahah " pang-aasar nito sa akin, punyeta talaga nito! Kinurot ko nga sa tagiliran, ayon napa araw ang gago! Buti nga. May magaganap rin kasing laro ang soccer team, friendly game lang sa tatlong karatig na schools at dahil sa taglay na galing nitong si Leo ay exempted ito sa initiation dahil isasali siya sa laro.
" Ang sadista mo talaga " sabi nito sa akin habang hinihimas ang tagilirang kinurot ko.
" Eh sa mapang-asar ka eh! Alam mo namang napilitan lang ako.. " nanlulumo kong sambit sa kaniya. Bakit pa kasi lumapit si Drake sa amin eh!
" Cheer up! Enjoyin mo na lang, atleast diba? Drake can count on you para sa darating na foundation week? At magiging good shot ka talaga kay Drake dahil tumulong ka para sa fund raising ng Club. Just think of the Pro's of this thing okay? " pagpapalakas loob nito sa akin, sus! Alam ko namang ineechos lang ako nito!
Para tama nga naman siya, maybe I'll just think positive about this coming foundation week, well, baka ito na rin ang way para mapansin ako ni Drake and he will not see me as his stalker but a cute and Pretty genie who will do everything just for his own good.
Ehhhhh! Hirap magmahal pag one sided love!
******************************************
" Ayoko! Shuta? Ang iksi-iksi niyan! Ayoko, ilayo mo sa akin 'yan! ROOOOOOOOOOOSE " naghaharumentadong sigaw ko habang pinipilit nitong ipinasusuot sa akin ang punyetang MAID OUTFIT!..
Black and white ang kulay nito, mahaba ang sleeves at ang nakakashookt talaga ay above the knee ito, hindi lang basta't bastang above the knee! Above the legs pa ata ang nyeta! Noong sinukat ko sobrang igsi talaga! Pag sinuot ko pa to baka makita na yung pwet ko! Mukhang hindi na magiging cafè booth ang amin eh! PORN NA PO TO! PORN!
" Suotin mo na kasi Jamie, para matingnan ko kung sakto ba saiyo ang sukat, papatastasan naman namin eh kung sobrang ikli talaga! " pagpupumilit pa nito. Kasalukuyan kasi kaming nag dedecorate para sa aming booth, tapos dumating na itong pinatahi ni Rose at na shookt ang lola niyo sa pangpokpok na maid outfit na ito! Di ko keri magsuot ng mga ganiyan fudge!
" Punyeta! Bakit ba kasi ako pumayaaaag! Di ba pwede panglalaki na lang 'yung akin? " pagsusumamo ko dito, ayaw na ayaw ko talaga ng design huhuhu.
" Hindi nga kasi pwede, kulang tayo ng babae diba? Me-makeup-an ka pa namin bukas para magiging mukhang babae ka na talaga,feminine naman ang looks mo kaya konting make-up lang ay ayos ka na. Dali na kasi, suotin mo na 'to ng matapos na tayo" ehhhh.. juice colored!
" Ayaw ko talagaaaa ehhh! Bakit ba pinipilit mo 'ko! No! I will never wear that s**t! MAMATAY MAN AKO! DI KO 'YAN ISUSUOT!." Inis kong sabi sa kaniya, walang kahit sino ang makakapilit sa akin na suotin ang pangpokpok na damit na 'yan!
" Maayos na ba ang lahat dito? Mukhang nagkakagulo ata kayo? " napapikit na lang ako ng mariin nang marinig ko na naman ang boses ni Drake.
PUNYETA!
BA'T ANG GALING TUMAYMING NG BEBE LOVES KO? HUHUHUHUHU.
" Heto kasing si Jamie captain, ayaw isuot -- " hindi ko na pinatapos ang walanghiya at walang dede na rose na 'to at biglang hinablot sa kaniya ang Makasalanang Maid Outfit.
" T-tara na, Sabi ko naman sa iyo na okay na okay sa akin 'tong outfit at no need nang palitan! Hehehe. Pano captain? Alis na muna kami ha, e-fifit ko lang 'tong NAPAKAGANDA at NAPAKADESENTENG OUTFIT na napili ni Rose. Heheh tara na ghorl " Nginitian ko naman si papa Drake at pinanglakihan ng mata ang Walang dede na si rose at hinila na ito sa locker room para makapagbihis. Walanghiya talaga! Konti na lang at mapapatay ko na tong Rose na to!
***
" Waaaaaaaaah! Ang cute cute mo Jamiieeeee! Shet! Ang kinis ng legs mo bakla! Daig mo pa 'ko gaga ka! " tumitiling pahayag ng walang dedeng si Rose.
Napayuko na lang talaga ako dahil sa sobrang hiya, buti na lang at dalawa lang kami ngayon sa loob ng locker room ng girls at walang nakakakita ng kawalanghiyaang ginawa sa akin ni Rose. Ang sarap tirisin ng pandak at walang dede na babaeng to!
" Masaya ka na? Punyeta ka, pangpokpok ata tong costume natin e! " naiinis ko pa ring sambit sa kaniya, sa tingin ko nga isang tuwad ko na lang ay makikita na ang brief ko!
" Ano ka ba bakla! Bagay na bagay kaya sa 'yo ang outfit, balingkinitan ka naman kasi, lagyan ka lang ng wig ay magmumukhang babae ka na!"
" Punyeta ka, palibhasa mukha kang lalaki! Humanda ka talaga pag ako na rape bukas! " huhuhu. No choice na talaga ako, kung pwede lang sana na magsakit-sakitan ako bukas hanggang matapos 'tong foundation week ay gagawin ko eh ang kaso ay ayaw ko namang magalit at madisappoint si Baby Drake ko kaya kahit ayaw na ayaw ko talaga ay gagawin ko pa rin.
" Huwag ka nang malungkot bakla! Baka nga 'pag makita ka ni captain bukas ay maiinlove ito sa kagandahan mo, yiieeee looking forward ang hopiang bakla! Hahah " nang-aasar na sambit nito sa akin, may pahampas hampas pa ang bruha.
Oo nga noh? Pano kaya 'pag naging mukhang babae ako bukas? Baka ma fall nga si Drake sa ganda ko..hihihi..omg
" Siguraduhin mo lang na maganda ako bukas Rose ha! Dapat 'yung isang tingin pa lang ni Drake sa akin ay mahuhumaling kaagad ito. Hihihi " kinikilig kong sabi . Hahaha ano ba? Minsan lang ako mangarap noh!
" Aba't nag-iba na ang ihip ng hangin ahh? Iba talaga ang pagkakagusto mo kay captain! Pero don't worry bakla, for sure hinding hindi ka niya makikilala bukas dahil gagawin kitang diyosa! DIYOSA NG MGA MAID! HAHAHA charot. " Gagang to, inasar pa 'ko? Sinabunutan ko nga. Infairness ha, maayos naman palang kasama itong si Rose, mukhang magiging bestfriend number 4 ko na ito..hahah..siyempre andiyan pa kasi sila Terry, Erica at saka Leo, baka magtampo pa ang mga tuko. Chos!
" Oh sige na! Balik na tayo don sa booth, di pa tayo tapos gawin 'yun, baka sabihan akong batugan at nagpapalakas saiyo para di makatulong sa gawain. " sabi ko kay Rose sabay irap dito. Haha
" Loka! Tara na nga, baka ako pa nga ang mamasamain dahil ako ang head natin. Shunga "
Hinubad ko na ang pangpokpok na outfit at sabay na kaming bumalik sa booth para tapusin ang mga dapat tapusin.
***
Sumakit ng husto ang aking likod at mga binti dahil sa paggawa ng aming booth, kahit kasi marami kami ay hindi rin naman nakakatulong ang ibang mga lalaki dahil mga wala itong alam sa art and designing kaya parang lima lang kami ang gumagalaw.
" Oh tubig, mukhang pagod na pagod ka ah " sabi ng isang tinig sabay lahad sa akin ng tubig.
" Naku, thanks talaga Leo, wala na rin kaming time para bumili eh dahil kailangan na 'tong tapusin para bukas. Teka, tapos na ba ang practice niyo? " sabi ko dito, alas siyete na rin kasi ng gabi, at kanina pa kami dito nagtatrabaho, mula umaga ata hanggang ngayong gabi eh, wala na rin kaming pasok, monday kasi ngayon at ang Foundation week ay magsisimula bukas hanggang sabado, nakakatawa nga at Foundation Week pero hindi seven days, charot hahaha.
" Actually kanina pa tapos 'yung practice namin, hindi naman heavy practice 'yun, kailangan din kasi naming icondition ang katawan namin para may lakas kami bukas. " sabi nito sa akin.
" Eh bakit hindi ka kaagad pumunta dito? " tanong ko naman sa kaniya habang nakataas pa ang isang kilay. Ay? Wait? Feeling syota ako aa.
" Hahaha, girlfriend kita? Charot " hahah, nakakatawa pakinggan mag gay language si Leo, nakasanayan niya na rin ang word na charot dahil sa akin eh hahaha.
" Umuwi kasi muna ako sa dorm para magpalit ng damit, eh sakto andon din si mommy para ikamusta ako, nasabi ko rin kasi sa kaniya na may laro ako bukas, bumalik talaga ako dito para ayain kang sumabay sa amin maghapunan kung okay lang sa 'yo " pagpapaliwanag nito sa akin na ikinagulat ko naman.
" Naku ikaw ha! Ikaw ata 'tong feeling Jowa eh! Hahaha , sige saan ba tayo kakain? " tanong ko naman dito.
" May malapit na restaurant dito diba? Doon sa L'mundo? Doon na lang tayo. "
" Sige sandali, magbibihis lang ako, pawis na rin ako simula kanina eh. " sabi ko naman kay Leo at tumango lang ito. Agad din naman akong pumunta sa locker room naming mga boys sa soccer team at nagpalit na ng damit.
Pagbalik ko sa kinaroroonan ni Leo ay agad din kaming umalis para kitain na lang ang mommy niya sa restaurant.
Pagkarating namin doon ay pumasok na kami at pinuntahan ang pwesto ng mommy niya.
Shet.
Ang ganda ng mommy niya, magkahawig sila ng mata ni Leo, kaya pala ang pogi rin nitong si Leo eh, may pinagmanahan, ano kaya ang mukha ng daddy nito? For sure pogi rin, well, okay lang naman sa akin ang nga daddy type, choke me dadeh! Charot, huhuhu sorry baby Drake nagkakasala na naman ako.
Kahit na hiwalay na pala ang mommy at daddy ni Leo ay may interaction pa rin ang mga ito. Matiwasay naman kasi ang paghihiwalay ng mga parents nito noong maliit pa siya, kasi you know, he was raised by an LGBT couple. Base yun sa kwento ni Leo sa akin.
Umupo na rin kami kaagad, magkatabi kami ni Leo habang nasa harapan naman namin ang kaniyang mommy. Ang awkward aah, mukhang meet the mother-in-law ang peg namin ngayon. Shet, kinakabahan ako, paano na lang kaya 'pag parents na ni drake ang imemeet ko? Hahaha
" Goodevening po " sabi ko sa mommy ni Leo at saka ngumiti. Ngumiti rin naman ito sa akin ng pabalik. Mukhang mabait naman pala itong mommy ng mokong eh.
" You are Jamie right? Marami ring nabanggit si Leo tungkol sa iyo, you can call me tita Agnes by the way. " pagpapakilala ni Tita. Tiningnan ko naman si Leo baka kasi kung ano ano ang pagpapakilala nito sa akin sa mommy niya.
" Nice to meet you po tita, hehe " nahihiya kong sabi. Gosh! Mahiyain talaga ako mga beshie eh..hahaha
" Umorder na pala ako kanina habang naghihintay sa inyo, we'll just wait for a few minutes I think, then the food will be served na " sabi ni Tita agnes.
Pagkarating ng mga pagkain ay kaagad ko itong nilantakan, siempre may poise pa rin akong kumain, sabihin pa nitong patay gutom ako at balahura eh.
Ilang minutong katahimikan at biglang nagsalita si Tita Agnes
" So? Ilang months or years na ba kayo nitong si Leo? "
'Cough'
Puta
Literal na nabulunan ako sa kinakain ko. Timing at saging pa ata ang nasa bunganga ko, ang laswa tuloy isipin na nabulunan ako sa saging. Ininom ko rin naman kaagad ang tubig na nasa tabi ko, gosh feeling ko tumagas pa ang tubig sa gilid ng labi ko,ang balahura ko talaga!
" Mom! Huwag mo namang gulatin si Jamie sa mga tanong mo " rinig kong sabi ni Leo.
" Oh, I'm sorry my dear kung nagulat kita, hahaha don't worry binibiro lang naman kita, nasabi rin kasi ni Leo that you are gay, at mukhang bagay naman kayo ng anak ko. " agad ko namang ikinapula ang sinabi nito sa akin.
" Mom! "
" Hahaha Just kidding, relax Leo! I am just Brightening up the mood, binibiro lang kita Jamie, I know my son is straight. " natatawa pang sambit ng ginang.
" Hehe, okay lang po tita, pero sasabihan naman kita tita 'pag naging kami na nitong si Leo haha " sinabayan ko na rin ang kalokohan ni tita agnes at pagkatingin ko kay Leo ay namumula na ito haha ang cute.
" Ohhh! Hahaha I like you dear! Don't worry, I don't mind my son being gay, tatanggapin pa rin kita anak. " sabi ni tita sabay tingin sa nahihiyang si Leo.
" Mom!! " ang tanging nasambit niya na lang.
Hahaha infairness, mukhang mabuting nanay itong si Tita agnes at suportado niya ang kaniyang anak.
Nagpatuloy lang kami sa pagkukwentuhan at pang-aasar kay Leo bago namin naisipang umuwi na. Umuwi na rin si tita agnes at hinatid na rin ako ni Leo sa dorm ko, hindi naman magkakalayo ang dorm namin ni leo, nasa baba kasi ang firsts years, at nasa pangalawang palapag naman ang second years, pero nagpumilit pa rin itong ihatid ako.
Pagkarating ko sa dorm ay di ko pa rin maiwasang isipin kung ano ang mangyayari sa akin bukas.
Shet!
Hindi pa talaga ako ready!
******************************************
" baklaaaaa! Shutangina ka! Daig mo pa ang may pukelya sa ganda mo! Shet! Ang sarap mong patayin! " nakakabinging sigaw ni Rose pagkatapos niya akong makeup-an.
Tumayo ako at tiningnan ko ang aking kabuuan sa malaking salamin na nasa loob ng kwarto ni rose.
Shet.
Ang ganda ko.
Foc! Mukha akong Barbie!
Nakasuot na ako ng maid outfit habang minemakeup-an niya 'ko kanina. Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin, kita 'yung makinis kong legs na wala man lang kahit isang balahibo, medyo naka off-shoulders rin ang outfit na 'to kaya kita rin ang mga balikat ko, buti na lang at wala rin akong kabuhok buhok sa kili-kili kaya kahit itaas ko pa ang mga kamay ko ay super confident ako. Ang make-up naman ay super light lang pero kaya nitong maipalabas ang sobrang pagkafeminine ng aking mukha. literal na mapupula na ang aking labi kaya tamang lip gloss na lang ang inilagay ni rose. Naka suot din ako ng itim na wig na hanggang balikat na talaga namang bumagay sa korte ng aking mukha.
All in all, masasabi ko na lang talaga na isa na akong ganap na diyosa!
" Grabe ka bakla, kulang na lang talaga ay pechay magiging tunay na babae ka na. Mas makinis at maganda ka pa sa akin eh! " naiinggit na sabi sa akin ni Rose.
" Ay gorl! Mukhang hindi naman ata makatarungan na e-compare mo 'ko saiyo. " nang-aasar kong turan dito.
" Gaga ka, pagkatapos kitang ayusan! Wala kang utang na loob ! "
" Char lang, binibiro lang kita, pero infairness rose ha!ang galing mo, parang mas may future ka pa ata sa pagmemake-up kaysa sa pag-aaral mo. " pang-iinis ko ulit dito. Hahaha sarap inisin ng pandak na ito eh.
" Walangyah ka talaga! Pero for sure baks, mukhang hindi ka makikilala mamaya ng mga kasamahan natin, shet, kung naging lalaki lang ako ay liligawan talaga kita. " sabi ni Rose habang manghang mangha pa rin sa mukha ko.
" My gosh! Kabahan ka ngang bruha ka, di pa rin ako sanay sa ganito noh! Huwag mo 'kong bigyan ng may takong ha! Sasamain ka talaga sa akin. " sabi ko habang nakatingin ng masama sa kaniya.
" Naku! Kasama na sa uniform natin bakla ang magsuot ng heels! Alangan namang mag tsinelas ka don? " sabi naman nito sa akin.
" Punyeta ka talaga, diba masakit yun sa paa? " tanong ko dito. Hindi pa kasi ako nakakasuot ng heels sa tanang buhay ko, kahit pa na bakla ako since birth ay di ko pinag-interesan ang mga sandals at heels ni mom noh!
" Gaga, masasanay ka rin, kumbaga sa s*x ay una lang ang masakit. " balahura talaga ang bunganga neto!
" Sasarap din ba agad pagkatapos? " tanong ko dito, diba ganon 'yon sa s*x? Nabasa ko lang ha! Virgin pa 'ko!
" Gaga hindi, sa una lang masakit, pagod at wasak ka naman pagkatapos. Hahahaha " punyetang to, hinampas ko nga.
" Tara na nga! " inis ko na lang na sabi dito, baka ma late pa kami eh, 10:00 am kasi ang open ng aming booth, alas nuebe na ng umaga, buti na lang talaga at malapit lang ang bahay ni rose sa school.
" Asus! Gusto mo lang irampa 'yang ganda mo eh! Suot mo na 'tong heels tapos larga na tayo. " sabi nito sabay bigay sa akin ng heels.
Shuta!
Ang taas ng takong punyeta!
" Papatayin mo ba 'ko sa takong na 'to?" Nanggagalaiti kong tanong kay rose.
" Gaga! 3 inches lang yan! 5 inches nga 'yung akin oh! " sabay pakita nito ng kaniyang heels.
" Gaga bagay yan sa 'yo, ang pandak mo kasi! " inis ko na lang na sabi habang sinusuot ang punyetang heels na 'to.
" Ang tabil talaga ng dila mong bakla ka! Huwag ka nang mag inarte! Wala ka namang p*ke! "
" Tang*na mo! "
itutuloy...