Chapter 3

1477 Words
“Manong, hindi ko po kasalanan kung muntikan na po kayong mabangga sa kotse ko. May biglang tumawid sa kalsada na batang palaboy. Alangan naman pong hindi ako biglang hihinto?” paliwanag ni Bop sa nagagalit na driver na naka-Barong Tagalog pa. “Ang sa ‘kin lang ay baka nasaktan ang mga pasahero ko dahil sa biglaang pagpreno ko. Kahit naka-seatbelt sila ay baka naman magkaroon ng problema sa kanilang leeg ang mga ‘yon at mawalan pa ako ng trabaho kung hindi ako ipapabilanggo,” pabalik na esplika naman ng may edad na lalaki na moreno at may beer belly. Napatingin siya sa isang lalaking foreigner na naka-Amerikana at slacks na sumunod dito, nasa mid-thirties ang edad. Nakita niyang may earpiece pang gamit ito katulad ng sa mga secret agents na nakikita niya sa TV. Napasulyap siya sa kotse nito habang nagsalitang muli. Paki ba niya kung artista ng Hollywood ang sakay nito? Hindi naman niya kasalanang may biglang tumawid sa kalsada. “Manong, tatawag ako ng abogado ko para matigil na ‘to, okay?” Hinugot pa niya ang cell phone mula sa bulsa ng kanyang blazer. Agad niyang naisipan si Atty. Martin Solen, isang kaibigan niyang abogado. Katulad ni Dominic ay kaibigan niya ito mula noong college pa sila. At alam niyang kahit na anong pabor ang hihingin niya mula rito’y gagawin nito ang lahat ng makakaya para sa kanya. Manliligaw kaya niya ang taong iyon. “Abogado?” anang guwapong lalaking sumingit, iyong sumunod sa pagbaba ng driver na tila naalarma ang ekspresyon sa mukha nito. Napatingin siya rito na sumenyas na huwag siyang tumawag ng abogado. “I can clearly see that you’re a foreigner.” Ngumiti siya rito nang walang tuwa sa mga mata. “I’m sure you don’t want any trouble, right?” dagdag niya. “Ano’ng pinag-uusapan ninyo?” usisa ng isa pang lalaki na kaiibis lang ng sasakyan. Napalingon siya agad sa may-ari ng boses na iyon at tila nag-slow motion pa ito nang papalapit sa kanila. His voice was deep, sexy and cool at the same time. Para namang hinagod ang buong katawan ni Bop nang marinig iyon at biglang nanunuyo ang kanyang lalamunan. Ang puso naman niya’y hindi niya mapigilan sa lakas ng pagkabog niyon nang hindi niya alam ang kadahilanan. Naintindihan niyang wikang Espanyol iyong salita nito kaya sumagot naman siya rito sa parehong wika. “Su chofer parece presionarme que esto es mi falta que de repente me paré, que resultó a su parada repentina también. Si él no va a dejarme ir, voy a llamar mi abogado y colocar este de un modo legal.” (Your driver seems to pressure me that it is my fault that I suddenly stopped, which resulted to your sudden stop as well. If he is not going to let me go, I’m going to call my lawyer and settle this in a legal way.) Napabaling ang matangkad na lalaki sa unang lalaking sumunod ng driver. Siya naman ay nakatitig sa kararating na lalaki na tila amo ng foreigner na unang bumaba. ‘Sino kaya siya? Mukhang bigatin.’ Siya naman ay nakatitig pa rin sa pangalawang lalaking foreigner na nasa late thirties ang edad sa tantiya niya. Napakatangos ng ilong nito at maganda ang porma niyon, sobrang perpekto na parang inukit ng iskultor. Medyo malamlam ang mga mata nito na tila nanghahalina. Medyo malapad ang noo at medyo pangahan din pero hindi naman nakakaistorbo iyon sa kaguwapuhan ng lalaki at tila dumagdag lang sa p*********i nito samantalang ang mga labi nito ay… parang ang sarap hagkan. Tila nang-aakit kahit wala naman itong ginawa. ‘Shet!’ Bigla siyang napapilig ng ulo dahil sa pantasyang iyon. Bakit ba niya pinagpantasyahan ang isang di-kilalang foreigner? Hindi naman ito ang unang beses na nakakita at nakatagpo siya ng isang guwapong foreigner. ‘Pero iba siya, Bop!’ Pilit na nagsusumiksik sa kanyang isipan. At kinikilig pa ito nang hindi niya mawari. ‘Bakit naman? Ang OA mo! Hindi ito oras para kiligin nang walang dahilan. Hype!’ Napuna niyang napatingin na sa kanya ang Espanyol na foreigner. “Hindi naman kami nasaktan ng kasama ko. Nabigla lang ang driver ko kaya pakiusap, huwag mo nang tawagan ang kahit na sino. Kung nakakaabala kami sa ‘yo, Miss, pasensiya ka na,” ang tila diplomatikong anito kung magsalita sa wika pa ring Espanyol. Napangiti naman siya rito nang matamis. “Okay, fine. Hindi na ako tatawag ng sinuman,” mabilis na sang-ayon niya. ‘Ang dali-dali naman pala niyang kausap.’ Ngunit nagsalita na naman ang driver na nakatingin sa kanya nang tila isa siyang kaaway. “Miss, pakibigay ng pangalan, address at contact number mo kung saka-sakaling kakailanganin ko.” Napailing-iling siya sa may edad na lalaking sigurista. “Okay po.” Kinuha niya ang handbag kung saan may lamang business card niya para wala nang maraming satsat. Agad naman niyang ibinigay iyon sa driver. Hindi naman siya natatakot kung anuman ang mangyayari dahil alam niyang wala siyang kasalanan at wala naman talagang disgrasyang nangyari. Kamuntikan lang. Maarte lang talaga ang naka-Barong Tagalog na si Manong Driver. “Sorry, but I have to do this,” ang sabi pa ng dalaga na kinunan ng larawan ang posisyon ng kanilang kotse at pati na ang dalawang foreigners at ang driver na nabigla sa ginawa niya. “Just in case you’re going to twist the truth.” She smirked lightly. At nakita niyang sumimangot ang dalawang lalaki saka napansing dumami pa ang bodyguards ng pangalawang lalaki. Hinawakan siya ng mga ito at pinilit agawin ang kanyang cell phone nang sumenyas ang pangalawang foreigner na bitiwan siya. Tumalima agad ang mga ito. “If you are some kind of a reporter, you better give me your phone, Miss,” ang nakatiim-bagang na anitong humakbang palapit sa kanya. Nasamyo niya tuloy ang pabango nitong pinaghalong musk at citrus na masarap sa ilong. “Excuse me? I’m not a reporter and I don’t know you. Don’t be too full of yourself, mister! And I don’t want to give you my cell phone because it’s a private property!” aniya sa wika pa ring Espanyol. Naiinis siyang bumaling sa driver na nakatayo lang at walang sinabi. “Manong, sabihin n’yo nga sa kanya kung ano ang laman ng business card ko.” Sumunod na lang ang driver sa sinabi niya. Binasa ang lahat na nandoon sa maliit na card. “Day-Night Travel Bureau. Address: No. 010 Aurora Blvd., Pasay, Manila. Stephani Tomimbang, Entrepreneur. Mobile number: 09060000000; Landline/Fax number: 777-0000.” Nakapamaywang na siya ngayong nakatingin sa lalaki na sinalubong ang kanyang mga mata. Hindi niya masyadong nakikita ang kulay ng mga mata nito pero sa tingin niya at ayon sa impresyon niya ay kulay berde ang mga iyon. ‘Shet! Bakit ba favorite color ko pa ang kulay ng mga mata niya? Para tuloy akong maloloka sa tuwing nakatingin ako sa mga mata niya,’ naisip pa niyang naaasar. “Fine! But if what happens here goes to the media, don’t wonder why I pressed some charges against you,” babala ng lalaki na nagbabaga ang mga mata. Napaikot ng kanyang mga mata ang dalaga. Sino ba kasi talaga ang celebrity na ito? Hindi niya namumukhaan. Sabagay, Espanyol. Hindi naman siya nanonood ng mga telenobela. “I don’t care if you’re a well-known Hollywood or Spanish actor… or whoever, but I have no intention of posting the pictures I took on social media or to make this matter a headline in some newspapers!” kumumpas pang tugon niya rito. “Why I took them is for my leverage and evidence, if we are to pursue legal matters! That’s it!” Nakatitig sa kanya nang husto ang lalaking nanantiya ang mga tingin sa kanya kaya sumenyas na ito pagkatapos. Kinuha nito ang name card niya mula sa driver at saka nauna na itong bumalik sa kotse nito. Sumunod naman dito ang mga bodyguards at ang driver. Napasapo pa siya ng kanyang noo nang umalis na ang dalawang kotse nang magkasunod. “Juice colored! Bakit ko ba sila nakatagpo sa gabing ‘to?” Sinundan pa niya nang may matalim na tingin ang dalawang itim na magagarang kotse. Bigla pa siyang halos mapalundag nang may bumusina at maalala ang ice cream na binili. Ayaw pa naman ng kanyang lola ang tunaw na ice cream. Marahan siyang napamura na sumakay sa kanyang kotse at nagmaneho nang pauwi. Nasa isipan niya pa rin ang mala-importanteng lalaking nakatagpo at nagpupuyos ang dibdib niya sa inis. “Huh! Napagkamalan pa akong reporter? Ang importante niya, ha?” gigil na aniya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD