We do a quikie bago kami tuluyang nakatulog kagabi. Paggising nga namin kinaumagahan ay nasa kusina na si Tatang at nagluluto na ng almusal. Amoy na amoy ko nga ang tuyo na iniihaw niya. Sariling gawa niya raw iyon kaya talagang fresh at masarap. "Goodmorning po, Tatang..." masiglang bati ko pa. Umupo ako sa mesa at tumulong sa iba pang hinihimay na gulay ni Tatang. Talagang magiging malusog ako rito dahil puro masusustansyang gulay ang kinakain ko. "Magandang umaga naman sa inyo. Kamusta ang tulog nyong dalawa? Kumportable naman ba? Wala akong kutson kaya medyo masakit sa likod ang higaan." Wika pa ni Tatang. "Hindi naman po. Sakto lang po sa likod." "Don't worry, Tatang. Palagi kong pasasarapin ang tulog nitong si Lira tuwing gabi." Bigla akong natigilan sa sinabi ni Vladimir.

