NAGULAT NANG NAGDIKIT

2794 Words
Nahiga si Sarah sa malapad na tela kung saan iyon ang instruction ni Mrs. Smith sa kanila ni Tanch. Sa puntong nakadungaw na ito sa kanya ay waring bumabagal ang mga galaw nito... Sa puntong nagtama ang mga mata nila ay waring nag blur ang buong paligid... Sa puntong ipinatong nito ang dalawang kamay sa dibdib niya... ay waring may kuryenteng dumaloy roon... naramdaman na lang niya ang bilis ng pagtibok ng kanyang puso... kapagkuwan ay bigla naman nitong binawi ang mga kamay at kitang-kita iyon ni Mrs. Smith. "Ms. Lobete, may problema ba?" gulat na tanong nito. "Ah, wala po, wala po!" paulit-ulit na sambit ni Tanch na hindi makatingin sa kanya ng diretso. Habang nag i-instruct si Mrs. Smith ay hindi naman niya maiwasang titigan ang mukha nito. Napakaganda naman kasi nito at noon pa mang nasa pageant sila ay napansin na niya agad ang taglay na ganda nito. Kahit minsan lang niya nakakausap ito noon ay nakagaanan niya agad ito ng loob kaya ganoon na lang ang pagtataka niya kung bakit nag-iba ang pakikitungo nito sa kanya ngayon. *** Ano bang problema ng babaeng 'to! Kung makatitig wagas! sa loob-loob ni Tanch habang pilit hindi ipinapahalata na naaapektohan siya sa mga ibinabatong tingin ni Sarah sa kanya. Natapos ang demonstration nilang iyon ay tahimik na bumalik na siya ng silya, bigla naman siyang siniko ni Trixie. "Oy! Nakita ko 'yun!" nangdidilat at nakatawang sabi nito. Inis na binalingan niya ito. "Trix pwedi ba? Tumigil ka na? Hindi ka na nakakatuwa!" "Alam mo, mas lalo kang lumala? Simula no'ng first day training natin parati ka na lang nakasimangot at sobrang mainitin ang ulo!" Bigla nilang narinig ang boses ni Mrs. Smith. "Itong si Ms. Garcia kilala ko na 'to, dahil dati siyang flight attendant." Nang marinig nila ang sinabi ng kanilang instructor ay magkasabay silang napalingon sa direksyon nito at maging kay Sarah, eksakto namang nagtama ang kanilang mga mata. "Hala! Kawawa naman," sambit ni Trixie. "Ano kayang nangyari?" Hindi niya alam pero may naramdaman na lang siyang awa rito, dati na pala itong FA. Natapos ang kanilang training nang araw na iyon. Papalabas na sana sila ni Trixie sa silid nang bigla siyang hinila nito papunta kay Sarah na ikinagulat naman niya. Inirapan at inis na kinurot niya ito sa tagiliran, napangiwi na lang ito bago hinarap si Sarah. "Hi Sarah!" nakangiting bati nito, gano'n din sina Chezka at Karen. "Ah, Hi!" bati naman nito habang inaayos ang mga gamit nito. "Ako pala si Trixie, sila naman sina Chezka at Karen!" sabay turo sa dalawa, matapos iyon ay inakbayan siya nito. "At siya naman si Tanchellie!" tuwang sambit nito. Nagkatitigan sila saglit ni Sarah, ngunit siya rin ang unang nagbaba ng tingin. "Ah! Yes! Kilala na namin ang isa't isa!" magkasabay nilang wika pareho. "Ah, I see! Aalis ka na ba? Saan ka ba magdi-dinner? Gusto mo bang sumabay sa 'min?" sunod-sunod na tanong nito kay Sarah na mas lalong namang kinaiinisan niya. "Ah e--" Lumapit si Karen kay Sarah. "Sige na, sumama ka na sa 'min! Ililibre kita!" nakangiting sabi nito. "Ha? Pero--" "Oo nga," pumulupot naman ang mga kamay ni Chezka sa braso nito. "Ah, sige," hindi na nakatangging sambit na lang nito sa mga kaibigan niya. Nauna na lamang siyang naglakad papalabas ng silid na iyon habang nakakunot ang noo dahil hindi alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng mga kaibigan. *** Tinungo nila Tanch ang nakaparada niyang second hand hatchback car na sinadya niya talagang bilhin para sa sarili. Nang buksan na ni Trixie ang pinto ng sasakyan ay bigla namang nagsalita si Karen. "Ah, Trix dito ka na lang sa likod," nakangiting sabi nito. "Diyan na lang natin paupuin si Sarah." Napangiti naman ito. "Oo nga 'no?" nilingon nito si Sarah. "Sarah, dito ka na lang sa front seat sumakay." "Ha?" "Sige na, para naman makapag-usap kayo ng maayos ni Tanch, e 'di ba dati na kayong magkakilala?" Nakangiting napatingin ito sa kanya ngunit tahimik na naupo lamang siya sa driver seat, napasunod naman ito sa kanya. Tinungo nila ang malapit na restaurant kung saan doon sila madalas kumakain nila Trixie, habang nasa biyahe ay mapapansin naman ang sobrang katahimikan sa loob ng kotse. "Ano ba 'yan! May dumaan bang anghel? Ang tahimik naman," nakatawang sambit ni Trixie. "Oo nga, hindi ba uso ang music diyan 'te?" sabi naman ni Chezka habang panay ang pagpapaganda sa harapan ng salamin. Tahimik na binuksan niyang ang maliit na stereo at nagpalipat-lipat ng istasyon, napangiti naman siya nang marinig ang "Tadhana" na kanta ng favorite band niyang "Up Dharma Down". Nagpatuloy siya sa pagmamaneho... hindi na niya pansin na napapasabay na siya sa magandang musikang iyon... hindi na niya pansin na napapangiti na siya habang pinapakinggan ang kantang iyon... kapagkuwan ay bigla naman siyang napahinto nang marinig na sumasabay rin sa kanta si Sarah, kaya napalingon siya rito. Nagtama ang kanilang mga mata at sumilay ang magandang mga ngiti nito sa labi. "Favorite song mo rin pala 'yan?" nakangiting tanong nito. "Ah! Oo," tipid niyang sagot na ibinalik na ulit ang mga mata sa daan. "Parehas pala tayo," mas lalo itong napangiti. Nginitian lamang niya ito ngunit unting-unti ring nabura iyon. "Naku! Favorite song niya talaga 'yan Sarah!" pag-agaw pansin naman ni Karen. Nginitian naman ito ni Sarah. "Nandito na tayo," sambit niya matapos mai-park ang kotse sa parking area ng restaurant na iyon. Tahimik na nauna na siyang bumaba at sumunod naman ang mga ito sa kanya. Nang nasa loob na sila ay pumili agad siya ng mesa para sa kanilang lima. Naupo siya at naupo naman sa harap niya si Sarah, katabi nito sina Chezka at Karen habang siya ay katabi si Trixie. "Sarah, pumili ka lang kung anong gusto mo ha?" nakangiting sabi ni Karen. "Nakakahiya naman," nakangiting sabi nito. "Ano ka ba! H'wag ka nang mahiya," sabi naman ni Chezka. Ilang sandali pa may lumapit ng waiter sa table at nag-order na sila. Nang nakaalis na ito ay nakangiting hinarap naman nila Trixie si Sarah. "Sarah, we heard kanina dati ka na palang FA?" "Oo nga, anong nangyari?" interesado namang tanong ni Chezka. Natahimik ito. "It's okay Sarah if ayaw mong sabihin. Pasensya ka na, medyo mausisa talaga 'tong mga 'to," nakangiting sabi naman ni Karen. "Hindi, okay lang," nakangiting sabi nito. Tahimik lamang si Tanch na nakamasid sa mga ito. Hindi niya alam kung pa'no at kung kailan papasok sa usapan, para pa tuloy siyang na out of place dahil sa katahimikan niyang iyon. Hindi siya sanay sa ganoong sitwasyon... Hindi siya sanay na tahimik lang siya... hanggang sa hindi na siya nakatiis at tumayo na lang siya bigla. "Excuse me, mag c-cr lang ako," iyon lang at tinungo na niya ang restroom. Nang nasa loob na siya ay humarap siya sa salamin at tiningnan ang sarili. "Bakit nagkrus pa ang mga landas namin ng babaeng 'yun? Sa dinami-daming pwedi kong makasama sa training, bakit siya pa? Siya pa talaga na naging dahilan kung bakit nagkanda leche leche ang buhay ko!" inis niyang saad. Malalim na napabuntong-hininga na lamang siya at inis na pumasok na sa isang cubicle. Matapos gumamit ng cubicle ay mabibilis ang mga galaw na lumabas siya roon, ngunit para lang magulat nang makasalubong at nakabangga niya si... SARAH nanglaki ang mga mata niya... lalong-lalo na nang mapayakap siya rito... ngunit bago pa man sila mawalan ng balanse... ay napahawak ito sa may sink... napasandal sila roon... halos one inch na lang ang layo ng mga mukha nila... ilang minuto silang nagkatitigan... ilang minuto silang natigilan... dinig na dinig niya ang kabog ng kanyang dibdib... damang-dama niya ang bilis nang pagtibok niyon... iyon ang kauna-unahang pagkakataon... na waring dinig na dinig niya ang kabog ng dibdib... iyon ang kauna-unahang pagkakataon... na naramdaman niya ang kakaibang pakiramdam na iyon... hindi naman niya miwasang matitigan ng malapitan ang magandang mukha nito... Natauhan sila bigla at nag-ayos sa sarili nang may biglang pumasok sa loob ng restroom. "Muntikan na tayo do'n ah!" nakangiting sabi nito. "Pasensya na," sabi niya na nagbaba ng tingin. "Wala 'yun," nakatingin pa rin ito sa kanya. "Ah," itinuro niya ang cubicle. "Okay na 'yung cubicle," alanganin ang mga ngiting sabi niya. Nginitian lamang siya nito. Nang makapasok ito ay malalim na napabuga na lamang siya ng hangin. *** Natapos ang gabing iyon na tahimik pa rin si Tanch, isa-isa na niyang hinatid sa sakayan ang mga kaibigan habang si Sarah naman ang huli niyang makakasama dahil madadaanan lang naman niya ang bahay nito. Kasalukuyan nilang tinatahak ang daan at ang tanging naririnig lang nila nang mga sandaling iyon ang musika mula sa stereo. "Tanch?" sambit nito. "Yes?" tanong niya na hindi man lang ito sinulyapan. "Bakit pala nawala ka na lang bigla pagkatapos no'ng coronation night?" Sa narinig niyang tanong nito ay mas lalo namang napahigpit ang paghawak niya sa manibela. "H'wag mo sanang mamasamain pero, may problema ka ba sa 'kin?" Nanatili siyang tahimik... hindi niya alam kung ano ang sasabihin... hindi niya alam kung ano ang idadahilan... "Okay lang kung ayaw mong sagu--" "Wala akong problema sa 'yo," pagputol niya sa sasabihin nito. Napatingin naman ito sa kanya. "Hindi ko lang talaga ugaling makipag-usap sa hindi ko pa masyadong..." kilala." "I see," malungkot nitong sabi. "Nandito na pala tayo." Itinigil niya ang kotse sa tapat ng bahay nito, nakita naman niya sa labas ng gate ang isang matandang babae na may suot na eyeglasses. "Salamat sa paghatid." Tinanguan lamang niya ito. "Sige, mag-iingat ka sa pag-uwi," iyon lang at bumaba na ito ng kotse. Nakita niya itong nilapitan ang matandang babae at hinalikan ito sa pisngi, batid niyang ina ito ni Sarah. Ilang sandali pa ay pinaharorot na niya ang kotse papalayo roon, naiwan naman sila Sarah na nakatanaw habang siya'y papalayo. "Sarah, sino 'yun?" tanong ni Lomi rito. *** Alas dyes na ng gabi nang dumating si Tanch sa hinuhulugan niyang condominium. Siya na lang mag-isa ang nakatira doon simula nang umuwi na si Trixie sa pamamahay nito. Ipinanganak siya sa Butuan City dahil taga-roon ang ina niyang si Tess, lumaki at nakapag-aral naman siya sa Cebu dahil taga-roon ang ama niyang si Samuel. Nasa gano'ng pag-iisip siya nang biglang tumunog ang kanyang messenger sa cellphone, nagmamadaling kinuha naman niya iyon mula sa bag. "Hi Mommy!" salubong ng isang cute na cute na batang lalaki. "Hi baby! Kumusta ang baby damulag ko!" tuwang-tuwang sambit niya habang tinatanaw ito sa camera. "Mommy, I have a stars!" nakangiting sabi sabay pakita ng sariling braso na may nakatatak na tatlong stars doon. "Wow! I'm so proud of you Honey! Always be good in your school ha?" habang kausap ito naramdaman na lang niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. "Yes Mommy!" biglang lumungkot ang mukha nito. "Mommy? I miss you! I miss you so much! I wanna see you! Can you go here now?" Narinig pa niyang sabi nito bago ito lumayo sa camera dahil naging busy na ito sa kakalaro, sumalubong naman sa kanya ang mukha ng ina. "Oh! Tanch, kumusta naman ang training mo?" nakangiting tanong ni Tess sa kanya. Inilayo niya muna ang mukha sa camera para alisin ang mga luha saka hinarap ito ulit. "Ayon! Mabuti naman Mommy, first day pa lang e bakbakan na!" natawa niyang sabi. "Alam mo proud na proud kami sa 'yo anak! Alam ko namang kakayanin mo ang lahat ng 'yan ikaw pa, e ikaw ang breadwinner namin!" "Salamat Mommy! Kumusta naman po si Davi sobrang kulit ba?" kahit nakangiti ay hindi maitago ang lungkot sa kanyang mga mata. "As usual anak pero keri lang kasi nandito naman si Kiana kasama ko," ipinakita pa nito sa camera ang kapatid niyang nagti-t****k. "Hi Ate!" bati nito sa kanya habang hawak din ang sariling cellphone. "Hi!" Ibinalik na ulit ng ina niya ang camera sa sariling mukha. Ilang sandali pa silang nag-usap ng kanyang ina hanggang sa nagpaalam na rin ito sa kanya. Namumula ang mga mata at ilong na napatihaya na lamang siya sa kama matapos nakausap ito. Hindi na iyon bago sa kanya dahil araw-araw ay kinakausap at kinakamusta niya talaga ang kanyang... anak. Oo meron nga siyang anak at ang pangalan nito ay Davi, nasa edad otso na ito ngayon at nasa Butuan ito ngayon kasama ng kanyang ina at kapatid niya. ito, ang nasa litrato sa loob ng wallet niya... ito, ang isa sa dahilan kung bakit nagpupursigi siyang maabot ang mga pangarap niya... ito, ang isa sa inspirasyon niya kung bakit lumalaban siya sa buhay... Nasa ganoong pag-iisip siya nang bigla na lang pumasok sa isip niya si Sarah lalong-lalo na ang nangyari sa kanila sa loob ng restroom. naalala niya tuloy ang bawat parte ng maamong mukha nito... buhok nitong malambot at maikli.. makikinis at bilogan nitong mukha... mga maliliit nitong mata... ilong nitong matangos... at mga labing mapupula... naramdaman na lang niya ulit ang bilis ng pagtibok ng kanyang dibdib... kakaibang pakiramdam... na hindi niya maintindihan... kakaibang pakiramdam... na ngayon lang niya naranasan... *** "Okay, dahil alam niyo na kung pa'no gawin 'yung first aid, maghanap kayo ng kapares at kunin niyo itong mga first aid products sa harapan ko," sabi ni Mrs. Smith habang nasa kanilang harapan. Nilingon ni Tanch si Trixie para sana ito ang ipapareha niya ngunit sa kasamaang palad ay nakangiting hawak-hawak na nito ang braso ni Karen, nang nilingon naman niya si Chezka ay nakita niyang may lumapit na kasamahan nila rito. Nakita siya ni Mrs. Smith kaya tinawag siya nito. "Ms. Lobete, since kayo naman ang nagdemo ni Ms. Garcia kahapon kayo na ang maging leader dito sa harapan." Nananadiya ba Mrs. Smith? sa loob-loob niya habang nakatingin dito. Nakangiting sumunod si Sarah dito at kumuha na ng first aid product sa harapan, walang nagawang pumunta na lang din siya sa harapan. Ilang sandali pa ay nag-instruct na si Mrs. Smith sa kanila, lahat sila sa loob ng silid na iyon ay nagdedemo. Abala ang lahat sa ginagawa, magkaagapay naman sila ni Sarah sa kunwaring pag re-rescue sa isang manikin. Sa pagmamadali at pagkakataranta ay may pagkakataon nahahawakan nila ang kamay ng isa't isa. "Sorry!" magkasabay nilang sambit na nagbawi agad ng tingin saka magkasabay na itinuon ulit ang mga mata sa manikin. *** Natapos ang training na iyon. "Girls, I have an idea!" nakangising sambit ni Trixie nang nakalabas na si Mrs. Smith. "What?" excited na tanong ni Chezka. "Dahil weekend bukas gumala kaya tayo, mag-unwind! What do you think?" tanong nito sa kanilang tatlo. "Ay! Gusto ko 'yan!" si Chezka ulit na mas lalong na excite. "Past muna ako diyan Trix, kailangan kong mag-aral alam mo na everyday exam hindi pweding mabagsak." "Alam mo Tanch ang kj mo na, e hindi ka naman ganyan dati," nakasimangot na sabi ni Chezka. "Hayaan niyo na 'yan si Tanch, alam niyo naman seryoso na 'yan sa buhay niya," nakatawang sagot ni Karen. "Edi, tayo na lang!" nakakibit-balikat na sabi ni Trixie. Napatingin naman siya sa mukha nito dahil hindi siya makapaniwala na hindi siya pinilit nito, palihim na napangiti na lamang siya. *** ARAW NG SABADO Magtatanghali na nang magising si Tanch dahil napuyat siya sa kakausap sa ina niyang si Tess. Simula kasi nang iwan sila ng ama niya ay mas lalong naging malapit siya sa ina niya, na maituturing na niyang bestfriend. Sa pagbukas niya ng bintana ay sumalubong naman sa kanya ang mataas na sikat ng araw. Dahil nasa ikatlong palapag ang condo niya ay kunot-noong napansin niya agad ang pamilyar na kotseng nakaparada sa ibaba ng condo. Mas lalo pa siyang napakunot-noo nang sunod-sunod na katok ang narinig niya mula sa pinto. Inis na pinagbuksan niya ito at kitang-kita niya roon ang mga nakatawang mga mukha nila... "Trixie?" "Yes! It's me!" nakatawang sambit nito saka walang paalam na pumasok sa loob ng kanyang condo, sumunod naman sina Chezka at Karen. "Oh? Bakit kayo nandito?" nakakunot-noo pa ring tanong niya. Sumandal ito sa pinto. "Well, sinusundo ka namin." "Ano?" "Maligo ka na Tanch, hihintayin ka namin!" nakangising saad ni Chezka. "Ha? Pero 'di ba ang sabi ko--" "Wala ng pero-pero! Halika na nga!" Wala na siyang nagawa nang hawakan siya ni Chezka at itinulak sa comfort room, nakangising hinagisan pa siya nito ng tuwalya. Napakunot-noong nagpailing-iling na lamang siya dahil wala na siyang nagawa. Matapos niyang naligo at nakapag-ayos ay tinungo na nila ang parking area kung saan nakaparada rin ang kotse ni Trixie, medyo may kaya rin kasi ang pamilya nito kaya hindi rin nakakapagtaka kung bakit may sarili itong sasakyan. "Dito ka na lang sumakay Tanch! Ihahatid na lang kita mamaya!" nakatawa nitong sabi. "Okay!" walang ka ngiti-ngiting sambit niya. Sa pagbukas niya ng pinto sa front seat ay nagulat siya nang sumalubong sa kanyang mga mata ang nakangiting mukha ni... Sarah. "Ah, hi!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD